DJK 77

11 2 0
                                    

°nayumi

Nandito kami sa room ngayon, sila Namjoon, Suga, at Hoseok saka si Jin hindi pumasok napagod kahapon kakatakbo dun sa Beach mga muka kasing Kabayo na naghahabulan eno.

Si Jungkook may lagnat nandito sa tabi ko, sabi ko wag ng pumasok mapilit eh gusto niya daw akong makasama

Si Rhiane naman namumula yung mata, puyat siguro tagal kasi magdrive ni Jin eh ayaw kasi ni rhiane natutulog sa byahe nahihilo sya.

Si Vianna, naman nangitim ng konti, pano walang ahon ahon sa tubig

Si Keilee, wala ganun parin sya nagtampisaw lang naman kahapon wala naman ginawa eh

Si Taehyung ayun, natutulog nakanganga pa nga eh wala syang pake alam kahit may teacher sa harapan wala kasing tulog to kagabi pa, pasukan sana ng langaw yang Bibig mo HAHAHAH

Si Jimin namumula din yung mata tas may sinat, nasobrahan kahapon kakaligo parehas sila ni Rhianese mga di nagpaawat sa tubig eh masyadong inenjoy.

Ako walang pinagbago, sa pool kasi ako naligo eh resort kasi yun yung may pool at Beach di ako naligo sa beach saka may bubong yung pool eh

"Yung project nyo sa english, pakilabas tatawagin ko kayo isa isa" sabi ni Mrs. Hwang

----

"Ms.Choi" tumayo si Keilee at pinasa na yung project nya

"Ms.Kim" tawag ni ma'am sa apilyedo ko, tumayo ako at pinasa sa kanya yung project ko tapos umupo na ulit

"Mr. Kim" napatingin ako kay taehyung na nakanganga parin, natawa ako sa kanya

Pincturan ni Rhiane si taehyung, kademunyuhan level 999999999%

"MR.KIM!" sigaw ni ma'am napabalikwas si Taehyung at umayos ng upo, pinunasan niya yung gilid ng labi niya may laway tangina HAHAH

"Yes ma'am?" Tanong ni Taehyung

"Yung project mo nasan? Puro ka nanaman tulog!"

"Ma'am nasa bahay po" sabi ni Taehyung

"Bakit yung bahay ba yung gegradedan ko?"

"Depende ma'am kung tanga ka" rinig kong bulong niya

"Ma'am sorry po pasa ko nalang po bukas" sabi ni taehyung

"Hanggang bukas lang Mr.Kim!" Sabi ni Mrs. Hwang eto talaga yung gusto kong teacher namin eh, mapagbigay.

"Opo ma'am" sabi ni Taehyung

"Mr.Jeon" sabi ni ma'am tumayo si Jungkook at pinasa yung project niya

"Okay kalang ba baby?" Tanong ko sakanya, tumango sya "gusto mo kumain?" Tanong ko sakanya umiling sya

Dinampi ko yung kanang kamay ko sa noo nya shit ang init.

"Pumunta ka na sa clinic please" sabi ko "ayoko, mamaya na" sabi niya ang kulit talaga nako.

"Ms. Park" pinasa na ni Rhiane yung kanya

"Mr.Park" pinasa na rin ni Jimin yung kanya

"Ms. Shin" pinasa na ni Vianna yung kanya hanggang sa natapos na at lumabas na sya ng room namin

"Tara na, dalin na kita sa clinic" sabi ko

Tumango sya at tumayo hinawakan ko naman sya sa wrist nya

Paglabas namin ng pinto biglang bumagsak si Jungkook at nawalan ng malay, "TAEHYUNG!!" Sigaw ko kay Taehyung pumunta naman sila sa gawi namin tapos binuhat ni Jimin at Taehyung si Jungkook nakasunod lang kami ni Vianna at rhiane sakanila

"Ano ba nangyari dito?" Tanong ni Jimin "ang kulit kasi kanina ko pa sinasabi na wag na pumasok eh!" Galit pero alalang alala na sabi ko

----

Sa mga nalilito sa name ni Rhianese, keilee at vianna ganto yun

Rhianese - Riyanis

Keilee - Keyli

Vianna - Biyana

Okay na ho.

Dare 전정국Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon