Isa talaga siyang perpektong nilalang!
Bulong niya sa kanyang sarili habang nagsasalin ng tubig para sa nanay niyang si Amanda. Hindi nawaglit ang konsentrasyon nito sa pagkukwento tungkol sa one great love nito.
"Isa talaga siyang perpektong nilalang," anito.
Kitams! Pinaglapat niya ang kanyang mga labi upang pigilan ang isang napakalutong na tawa. Sa araw-araw ba namang ginawa ng Diyos ay bukambibig nito ang kakisigan at katanyagan ng tatay niya. Para itong isang plakang hindi nasisira. Paulit ulit. Para na rin itong isang bedtime story para sa kanilang dalawa. Ito ang prince charming at ang nanay naman niya ay isang damsel in distress. But unlike our favorite fairy tales, they did not have a happily ever after.
Bunga siya ng pagmamahalan nina Amanda at Felipe. Iyon nga lang, broken family sila. Sila lang ng nanay niya ang magkasama simula nang ipinanganak siya dahil ang tatay niya ay may ibang pamilya. Ni hindi nito alam na may isang Amy palang nage-exist sa mundo.
"'Nay, magpahinga ka na pagkatapos nito, ah." Iniabot niya ang gamot nito at inalalayang humiga sa kanilang kamang gawa sa kawayan. "Ano pong nararamdaman n'yo? May masakit po ba sa inyo?"
"Huwag ka ngang masyadong nag-aalala sa akin. Mabilis kang tatanda niyan, Amihan," anito na nakapagpangiwi sa kanya.
"Buong buo, ah!" Ito lamang yata ang tumatawag sa kanya gamit ang buong pangalan niya. Para sa kanya ay napaka-weird kapag naririnig niya iyon. Mas kilala siya sa kanyang palayaw na Amy at doon siya kumportable. "Ang gusto ko lang po eh 'yung magsasabi kayo ng totoo n'yong iniinda. Kapag may masakit o kaunting kirot sabihin n'yo agad sa akin. Huwag 'yung laging okay kahit hindi naman talaga."
Hinaplos nito ang kamay niya. "Okay lang ako, Anak. Hindi na rin naman bumabata ang nanay mo. Normal lamang ito."
Normal nga sana ang lahat kung wala itong sakit sa puso. May mahigit isang taon na nang mapansin nilang nadadalas ang pagkirot ng dibdib at hirap sa paghinga nito. Madalas rin itong himatayin. Nang minsang lumusong ito sa bukid ay bigla na lamang itong nawalan ng malay.
Dali-dali namang isinugod nila ito sa ospital at doon nila nalaman na mahina ang puso nito. Sabi ng doktor ay napakalaki ng posibilidad na atakihin na lamang ito na maaari nitong ikamatay. Iyon ang isa sa mga pinakamalungkot na nangyari sa kanya noon. Takot na takot siya. Bakit ganoon? Bakit sa Nanay pa niya pwedeng mangyari iyon?
Napakamasayahin ng Nanay niya. Bihirang magkasakit. Ni hindi niya ito nakitaan ng kahinaan sa katawan. Sa katotohanan nga ay mas doble kayod pa ito para sa pangsuporta sa kanya sa kolehiyo. Pangarap nitong makapag-aral siya sa isa sa mga kilalang unibersidad sa Maynila. Tiwala sa kanya ito na makakapasa siya sa scholarship doon dahil talagang matalino siya. Nakaplano na ang lahat. Siya ang bahala sa matrikula sa pamamagitan ng scholarship at ang nanay naman niya ang bahala sa mga gastusin niya kagaya ng renta sa bahay, pagkain at pocket money niya.
Napakatayog ng pangarap nito para sa kanya. Laging bukambibig nito na hindi siya nababagay sa lugar nilang iyon sa isang maliit na isla sa Batanes. Minsan nga ay natatakot siya sa tayog ng pangarap nito para kanya.
Kakayanin niya ba iyon? Sa totoo lamang ay mas gusto niyang dumito na lamang. Simple man ang buhay nila, at least magkasama sila. Iyon naman ang mahalaga sa kanya dahil dalawa lang naman sila sa buhay ay maghihiwalay pa ba sila?
Ngunit lahat ng mga plano at mga pangarap nila ay biglang gumuho. Tuluyan ng humina ang katawan ng Nanay niya.. Pagkagraduate niya ng high school ay naghanap siya agad ng trabaho. Sa awa naman ng Diyos ay may tumanggap sa kanya bilang cashier sa isang maliit na souvenir shop na malapit lamang sa bahay nila. Salamat sa lakas ng turismo sa Batanes, malakas ang kita nila na lubos na kinatutuwa naman ng may ari. Kapag masaya ito, inaabutan siya nito ng extra. Malaking bagay para pandagdag sa pambili ng gamot ng Nanay niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/174015503-288-k861600.jpg)
YOU ARE READING
The Kings' Haven: Julian Razon
Любовные романыFall in love with with the richest and hottest bachelors in town!