Chapter Eight

22 0 0
                                    


DALAWANG linggo na ang nakakaraan simula ng magkaintindihan sila ni Julian. Bawat araw na kasama niya ito ay para siyang nasa cloud nine. Lumolobo ang puso niya sa naguumapaw na kasiyahan. Masarap pala ang minamahal at nagmamahal. Ibang enerhiya ang hatid niyon na para bang may dahilan siya para gumising sa umaga. Mas exciting ang bawat araw.

Nahiling niya na sana ay buhay pa ang nanay niya para personal niyang maibahagi rito ang kaligayahang nadarama niya. Mabuti na lamang ay nailalabas niya ang kilig niya kila Shasha at Alex. Kung hindi ay baka maipon at ikabaliw pa niya. Botong-boto ang mga ito dito.

Ang akala niya noon ay marami na siyang alam sa pag-ibig. Mura pa pala ang isip niya kaya naging mas mahirap sa kanya ang magtiwala. Nakita niya kasi kung paano siya itinaguyod mag-isa ng Nanay niya. Kung paano ito mag-isang umibig at umasa. Marami palang klase ng pag-ibig. Iyon ang hindi niya maintindihan noon. Ang pagmamahal ng nanay niya para sa tatay niya ay selfless o hindi makasarili. Marami itong sinakripisyo upang masigurong magkakaroon ito ng maayos at masayang buhay. Dasal niya na sana ay masaya ito ngayon sa pamilya nito para sulit ang lahat ng sakripisyo nila.

Malaki ang pasasalamat niya kay Julian dahil marami itong naituturo sa kanya. Hindi lang sa usaping buhay at pag-ibig kundi sa arts, businesses, travels at marami pang iba. Matalino itong tunay. Lahat ng bagay na komplikado at magarbo ay nagagawa nitong simple para lamang masiguradong kumportable siya at hindi siya naiilang.

Gustong-gusto siya nitong ipakilala sa pamilya at mga kaibigan nito ngunit hindi pa siya handa. Naintindihan naman siya nito. Hindi pa kasi niya tuluyang malabanan ang napakarami niyang insecurities. Sinusubukan naman niya.

Ito rin ang nagbawal sa kanya na basahin pa ang mga negatibong komento tungkol sa kanila sa social media. Hindi naman raw iyon makakatulong sa kanila. Hindi man nito sabihin sa kanya ay alam niyang kinausap nito si Marco at buong security team upang masiguradong walang makakakuha ng litrato o makakapanggulo sa kanya.

"Kung sakaling hindi ako papayag na sumama sa anniversary celebration ng parents mo, sino ang ka-date mo?" tanong niya rito habang nanuod sila ng movie sa living room nito. Nahilig nalang siya sa movies nang makilala niya ito. Sa ngayon ay The Avengers ang kinakalokohan nila.

"Who else? Maybe Julia?" kaswal na sabi nito habang kumakain ng popcorn.

"Panigurado may date 'yun."

"I don't think so. Unless, Caleb accepts her invitation. Pero imposible," sabi nito habang pinanggigilan nito ang mga pisngi niya.

"Ang choosy n'yo talagang mga lalaki." Mahilig magkwento si Julian tungkol sa pamilya nito. Lagi nitong ikinukwento ang mga kalokohan ng kapatid nitong si Julia para lamang makuha ang atensyon ang kaibigan nitong si Caleb. Bentang-benta naman iyon sa kanya.

"I am wondering why Caleb still didn't file a harrasment case against my sister. Julia will not stop until she gets what she wants." Iniabot nito ang throw pillow sa kanya. Automatic na iyon. Nilagay niya iyon sa ibabaw ng hita niya. Agad itong humiga at ginawang unan ang hita niya.

"Hayaan mo muna si Julia. Malaki na 'yun." Ibinaling niya ang atensyon muli sa pinapanood nila habang nilalaro-laro niya ang buhok nito. Dapat siguro ay pumayag na siyang dumalo sa anibersaryo ng mga magulang nito. Kahit sa larawan niya lamang nakita ang pamilya nito ay parang malapit na ang mga ito sa puso niya. Para bang malapit ang loob niya sa mga ito. Lalo na sa ama nito. Natutuwa kasi siya sa paninindigan nito sa pamilya nito. Kung hindi dahil dito, hindi makukuha ni Julian ang pagiging mapagmahal sa pamilya.

"But I will be the luckiest guy in that party if you are with me," sabi nito sa kalagitnaan ng pagmumuni-muni niya.

"Wala akong mamahaling long gown. Dalawa lang din ang high heels ko. Mga luma pa."

The Kings' Haven: Julian RazonWhere stories live. Discover now