Five Years Later.
Day off ni Amy. Isang beses sa isang linggo lamang ang day off niya sa pinagtatrabahuhan niyang cafe, ang Sereno. Ang nag-iisang coffee shop sa Kings' Haven na pwede ang babae at lalaki, club member man o hindi. Ang El Rey Bistro naman kasi ay eksklusibo lamang sa mga members ng club. Banned ang mga babae doon. Pati mga staff ay pulos mga kalalakihan.
Kings' Haven was a prestigious, famous and yet very private men's club in the Philippines located in one of the secure and beautiful islands in Sagada. It was owned by the king of the kings, Alonzo Roman. Makapangyarihan ito. Kagaya ng isang tunay na hari, walang utos nito ang nababali.
Birds with the same feather flock together. Kung ano si Alonzo ganoon din ang lahat ng member ng Kings' Haven. Bilyonaryo, respetado, sikat at tinitingala. Not to mention that they were all drop-dead gorgeous and unmarried. No wonder that women were dying to enter the club because it had the hottest bachelors in town! Pugad ng mga yummies!
There was nothing in Kings' Haven that was not luxurious. Lahat ay presyong ginto.
Tinignan niya ang cellphone niya. Alas-syete pa lamang ng umaga. Hindi pa man din nag-alarm ang cellphone niya ay awtomatiko na siyang tumayo sa higaan. Maaga siya ng halos isang oras kumpara sa naka-set na alarm. Once in a blue moon na mangyari iyon. Kadalasan kasi ay tulog-mantika siya at kailangan niya ng mga limang alarm lalo na kapag morning ang shift niya. Uso sa kanya ang "5 minutes pa".
Napag-isipan niyang mag-jogging ngayong araw at magsimba. She was not a typical lady who was so conscious about her body. She rarely worked out. Hindi naman niya kailangan dahil nabe-burn naman ang mga fats niya sa nature ng trabaho niya. Ang term ng K.H Management sa mga waitress na kagaya niya ay service coordinator. Lagi siyang nakatayo para i-welcome ang mga guests nila. Patakbo kung mag-serve naman siya ng mga order lalo na kung marami silang guests.
Talagang blessing ang trabahong ito sa kanya. Maganda ang pasweldo, fully equipped ang accommodation, understanding ang managament at maganda ang working environment. Paanong hindi gaganda ang environment sa K.H kung naglipana ba naman ang mga mala-demigod na members ng club?
Sinong hindi gaganahan kung sa araw araw ba naman na ginawa ng Diyos ay busog na busog ang mga mata niya sa naggagwapuhan, nagmamachuhan at nagyayamanang bachelors sa loob at labas ng Pilipinas?
Maraming mga kababaihan ang sumubok at walang sawang sumusubok na makasungkit ng member ng club. Kaya nga napakahigpit ng seguridad sa K.H dahil iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit nagbabayad ng milyones ang mga member - para sa katahimikan.
Ganoon talaga siguro kagulo ang buhay ng mga mayayaman at handang magbayad ng milyones para lang doon. Isang milyon para magtago sa girlfriend na paranoid? Grabe!
"Mang Nino, magandang umaga po," aniya sa isang security guard.
"Good morning, Amy. Naisipan mong tumakbo?" tanong nito.
Ngumiti siya. "Maiba naman po. Pwede po bang tumakbo? May mga hari po bang tumatakbo ngayon?"
"Kung hindi kita kilala baka isipin kong naghihintay ka nang mabibingwit mo," biro nito.
"Hala! Asa naman ako. Baka kahit sa panaginip hindi ako mapansin ng mga hari na 'yan. Hiyang hiya naman ako sa balat ko," sabi niya.
"Ano namang masama? Maganda ka naman. Mas maganda ka pa nga sa mga babaeng dinadala nila rito, eh."
"Echosera ka talaga, Manong. Kaya ikaw ang favorite ko. Paano tatakbo na ako. See you po!" kumaway siya rito. Tinanguan naman siya nito. Nagsimula nang mamuo ang mga butil ng pawis niya kahit wala pang isang round.
YOU ARE READING
The Kings' Haven: Julian Razon
RomanceFall in love with with the richest and hottest bachelors in town!