Chapter Ten

52 2 0
                                    


NASA teresa si Bea ng mansyon nila. Nakatanaw siya sa malayo. Nag-aalala kasi siya sa panganay nilang si Julian. Wala na itong ginawa kundi magpakalunod sa alak. Ni wala itong oras mag-ahit ng bigote. Hindi rin ito makausap ng matino.

"Nagkulang ba ako bilang ama sa mga anak natin?" tanong ni Felipe. Niyakap siya nito mula sa likod. Inihilig niya ang ulo sa matipunong dibdib ng asawa. Isang linggo na ang nakakaraan matapos ang anniversary party nila. Ngayon na lamang din sila nagkaroon ng oras mag-usap ng masinsinan. Para kasing may kung anong tensyon ang nakapagitan sa kanila. Alam niya kung ano iyon ngunit duwag siya para buksan ang usaping iyon. Isa kasi iyon sa mga pinakatatago niyang sikreto sa buhay niya. Alam niyang darating ang araw na mabubunyag din iyon pero hindi sa paraang masasaktan ang unico hijo nila.

"You are the best father Julian and Julia could have," aniya.

"I love you all so much. Lalo ka na," bulong nito sa tainga niya. Lagi nitong pinaparamdam na mahal siya nito. Siya itong takot pa rin sumugal sa kabila ng maraming taong pagsasama nila. Marahil ay nilalamon pa rin siya ng guilt dahil sa ginawa niya rito. Sa sobrang pagmamahal niya rito ay nagawa niyang itago ang tungkol sa anak nito kay Amanda. Tila parang flashback ang lahat. Hindi pa sila personal na magkakilalang dalawa ay umusbong na ang pag-ibig niya rito. Nasa Amerika pa lamang siya noon. Naging tapat ang mga magulang niya sa kanya noon hindi kagaya ng magulang nito. Bata pa lamang siya ay pinaintindi na sa kanya na mayroon ng lalaking nakatakda niyang pakasalanan. Simula noon ay pinapantasya na niya ito.

Lagi siyang pinapadalhan ng litrato ng mama nito na botong-boto sa kanya. Pati ang mga larawan ng mga babaeng nauugnay rito. Hindi nagtagal ay dumating na ang araw na pinakahihintay niya - ang pagkikita nila. Umuwi siya noon sa Pilipinas pagkatapos niyang magtapos sa medical school. Ang inaakala niyang matamis na pagkikita ay kabaligtaran.

Natagpuan nila ito sa kwarto nitong lasing na lasing at nagwawala. Pangalan ni Amanda ang binabanggit nito. Iniwan ito ng dalaga. Awang awa siya rito. Ipinangako niya sa sarili niya na nasa tabi lang siya nito anuman ang mangyari. Hindi niya mabilang kung ilang beses parang gusto na niyang sumuko sa kakahintay na makalimutan nito si Amanda. Wala ng pride na natira sa kanya. She broke her heart in two and gave Felipe the half of it trying to save a part of him. She became his bestfriend. They became so comfortable with each other to the point that they married each other.

He did not let her feel left behind. He said he loved her. It can be seen on how he took care of her. She felt it every single day. But, something was holding her back. Para bang ma multong nagsasabing mas mahal pa rin nito si Amanda kaysa sa kanya.

"I love you... I love you.." bulong nito.

She bit her lip. "I don't know if you can still love me after this. You never fail to give the beauty of this world to Julian and Julian." Hinarap niya ito. "But you never get the chance to do the same to your daughter with Amanda. And it is because of me. It is my fault."

"Alam mo ang tungkol sa anak ko at Amanda? But how? Of all people, ako pa talaga ang walang kaalam-alam! Why did you do it?" gumuhit ang betrayal sa mga mata nito.

"Do you remember that time when I joined a medical mission in Batanes? I saw Amanda. She was giving birth that night. She was alone, crying and so scared...I entered the room and held her hand because she needed someone. I saw the baby. She was so beautiful and so small." Pinunasan niya ang basang mga mata nito. After so many years, this was the first time that she saw him crying again. "She looked like you more than her mom when she was born. But when she grew up, kasingganda na niya si Amanda."

"You saw her that night?"

She nodded. "I'm really sorry. I became selfish because I was scared that you will leave me once you found out where she was. I carried the guilt for so long. I don't deserve you, Felipe. Pinagkait ko sa'yo 'yung karapatan mong lumigaya pati na rin ng anak n'yo." Humagulgol siya.

The Kings' Haven: Julian RazonWhere stories live. Discover now