Chapter Five

30 1 0
                                    


SA pangalawang pagkakataon ay nakakita muli ng isang living demigod si Amy. Isang plain white shirt lamang ang suot ni "J" ngunit parang sapat na ang tingkad nito para akitin lahat ng mga mata sa paligid. Hindi lamang ang mga mata niya ang pinagpala na makakita ng kagwapuhan nito. Halos lumuwa ang mga mata ng mga kababaihan sa paligid nila. Hindi naman pansin ng binata ang mga malalagkit na tingin na iyon. Para bang walang epekto dito iyon. Kung sanay na sanay na ito sa ganoon, siya naman ay hindi sanay sa matatalim na titig ng mga kababaihan sa kanya.

Ganda ko?

Lumapit ito sa kanya at binigyan ng matamis na ngiti. Kumabog ang dibdib niya. Para siyang isang lantang halaman biglang nadiligan. Nakakahawa kasi ang positive vibes nito.

"Hey," anito.

"Ang tagal nating hindi nagkita, ah. Kumusta?" aniya. Gusto niyang tampalin ang noo niya. Hindi ba weird ang sagot niya sa hey nito? Hindi ba dapat ang sagot ay hi, hello or what's up lang? At saka hindi ba masyadong halatang missed niya ito dahil ngayon niya lamang ulit ito nakita?

"I thought only me is thinking that these three days are boring. It feels like months," anito.

Ang sarap titigan ng mga mukha nito. Hindi nakakasawa. "Oo nga. Pasensya ka na tumagal ng tatlong araw 'yung bayad ko sa'yo."

"Oh, please. Do not start," umupo ito sa bench. Sa mismong bench kung saan sila unang umupo. "Nagustuhan mo ba 'yung book? Tapos mo na?"

Lumawak ang ngiti niya sa mga labi. "Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Pero ang ganda ganda talaga!" bahagya pa siyang napatili. "Worth it lahat ng puyat at pamamaga ng mga mata ko kakaiyak."

Tumawa ito. "Siguro binasa mo ulit 'yan kagabi."

Kinapa niya ang mga mata niya. "Halata ba sa mga mata ko?"

"Hmmn....A little bit," sagot nito at inilayo na ng bahagya ang mukha nito sa mukha niya.

"Actually binasa ko ulit kagabi. Tapos nung nakaraang gabi rin."

"So you've been reading it for three consecutive nights and it still gives you the same chills? Jeez!"

Ngumuso siya. "Alam ko weird pero parang gusto ko lang balik-balikan 'yung mga eksena.. Bawat linya kasi parang may reyalisasyon akong nakukuha."

"Unique is the right word for you not weird. Walang basagan nga ng trip 'di ba?"

"Habang binabasa ko nga iyon, nai-imagine ko ang Nanay at Tatay ko. Parang sila kasi 'yung mga bida. Parehong pareho 'yung plot at twists. Kaya siguro napaka-espesyal sa akin ng librong iyon," aniya.

"Cool! Nasaan na sila?"

"Patay na."

"I am really sorry," apologetic na sabi nito.

Ngumiti siya rito. "Wala iyon. Actually, 'yung Nanay ko lang pala ang yumao na. Tapos 'yung Tatay ko hinahanap ko pa, eh." Natawa siya sa magkasalubong na kilay nito. "Naguluhan ka ba?"

Tumango naman ito.

"Maniniwala ka ba sa akin kung sasabihin ko sa'yong hindi ko pa nakikita ang Tatay ko at hindi ko rin sigurado na alam niyang meron pala siyang anak?"

"Hmnn. Why not? It is a common thing here in the Philippines."

"Sa bagay. Eh, paano kung choice ng Nanay ko na huwag ipaalam sa kanya ang tungkol sa akin? Tingin mo reasonable 'yun?"

"It is...but for some limited reasons. Bigyan kita ng three common reasons. Una, if your dad is incapable or he is not ready yet. Pangalawa, your mom does not love him or she was not ready to settle down with him. Pangatlo, a not so good relationship with the in laws?"

The Kings' Haven: Julian RazonWhere stories live. Discover now