"May transferee raw."
"Is it true?"
"Nasa kabilang section. Damn, pare ang ganda niya."
"Really?"
Dinig ko ang usapan sa loob ng classroom namin dahil sa bagong lipat na estudyante. Halos lahat sila ay 'yon ang pinag-uusapan.
I think that girl is really beautiful. Kakalipat niya pa lang pero laman na siya ng kwentuhan.
"They are too noisy!" Iritang sabi ni Kairish.
"Inggit ka lang." Nang-aasar kong sabi.
"Why would I? Alam ko naman na mas maganda ako sa transferee na 'yo— Aray!" Angal niya ng binato siya ni Maxx ng isang pirasong piattos na kinakain niya.
"Masiyado ka ring maingay." Sabi naman ni Maxx at kumain na lang ulit.
"Bakit ka ba nambabato?" At binato niya rin ng pabalik si Maxx.
Napairap na lang ako sa dalawa dahil magsisimula na naman sila ng bangayan. Ito na ata ang naging routine nila araw-araw kung hindi ang inisin ang isa't-isa.
Yuyuko na sana ako sa lamesa ko ng naramdaman kong may kumalabit sa akin. Tumingin ako sa kumalabit sa akin at nakita ko si Xavier.
"Do you want to eat?" Tanong niya.
"I'm not hungry."
It's our lunch break at nandito kami ngayon sa loob ng classroom namin. Naiwan kami ni Xavier dito sa room kanina at ang mga kaibigan niya lang ang mga bumaba para pumunta sa canteen.
"I'm hungry." Nakangusong sabi niya.
Panget talaga nitong taong 'to eh.
"Go. Buy foods." At yumuko na ako.
Maya-maya ay kinalabit niya ulit ako.
"Ano ba?" Iritadong sabi ko.
"Samahan mo ako." Inirapan ko naman siya sa sinabi niya.
Bakit hindi kasi siya sumabay kila Maxx at Aezach bumaba nagugutom naman pala siya.
"Malaki ka na."
"Bilis na. Dahil sayo hindi ako nakakain ng kanin. Sabi mo agahan kitang sunduin kasi may gagawin ka pa rito sa school kaya hindi na ako kumain. Kaninang recess hindi rin ako kumain kasi may ginagawa ka pa." Pangongonsensiya niya.
Pwede naman kasi siyang kumain kanina.
"Fine." Pagsang-ayon ko. "Huwag ka ng mag-inarte."
"Good." Nakangiting sabi niya at tumayo na.
Sumunod ako sa kaniyang tumayo kaya napatingin ang mga kaibigan namin sa amin.
"Saan punta niyo?" Tanong ni Aezach sa akin. Tumingin muna kay Xavier bago sa akin.
Huwag mo akong tignan kinikilig ako.
Gabriela, umayos ko.
"S-sa canteen."
"Can I come?"
Can I come? A-ano raw? Gusto niyang sumama. Bakit?
Well, okay na rin. Makakasama ko rin siya. Damn! Kalandian cells mamaya ka na.
YOU ARE READING
Being His Girl
Romance"Being In love with your bestfriend is not that easy. But being his girl is a wonderful thing to experience" -Gabriela Montesilva. Note: This is a completed story but under revision. Expect lots of grammar in this story.