Chapter 1
"Ladies and gentlemen, welcome to Ninoy Aquino International Airport, Local time is 10 am. for your safety and comfort, please remain seated with your seat belt fastened..." Hindi ko na naiintindihan ang sinasabi ng flight attendant, ang tanging naririnig ko nalang ay ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung naeexcite ba ako o kung dahil natatakot ako. I came back after I run 2 years ago. How should I feel?
Naramdaman ko na lang na nagsisitayuan na yung mga tao. Your acting like you're 2 years younger Sam when in fact you are 2 years older and wiser.
Dirediretso na akong lumabas ng airport at pumunta kung san ang pila ng mga taxi. Hindi na ako nagpasabi na darating ako. Ayoko din na malaman nila, gusto ko tahimik lang ang pagdating ko. kung paanong tahimik din nung umalis ako. Pasakay na sana ako ng taxi ng may pumaradang sasakyan sa may harap nito. Hindi ko sana papansinin kaso nung lumabas ang driver ng sasakyan parang tumigil ang mundo ko. Dalawang taon, pero kilala ko pa din ang tindig niya. nakatalikod. malayo. malapit. kilala ko siya. kahit hindi ko siya nakikita, nararamdaman naman.
"Get in the car." Narinig kong sabi ng lalaki sa harapan ko. Kung tumigil ang mundo ko nung nakita ko siya. Tumigil naman ngayon ang pagtibok ang puso ko. I miss his voice. "Are you deaf, I.Said.Get.In.The.Car!" Alam ko sumisigaw na siya. pero anong gagawin ko. Titingnan ko lang ba siya? Sasayaw sa harap niya? O mananatili sa kinatatayuan ko. Pero none of the above ang ginawa ko. Syempre likas sating mga Pinoy ang tumingin sa likod kung hindi tayo sure kung tayo ang kinakausap. Kaya yun ang ginawa ko. Tapos tinuro ko ang sarili ko. nice one Samantha you did a very good job in being stupid.
"Are you stupid?" sa sobrang frustrated niya ata sakin. Lumapit siya sakin at hinatak ang kamay ko papalapit sa kanyang sasakyan para pasakayin. binuksan niya nag pinto, pabato akong ipinasok sa sasakyan atsaka pabalabag na sinarado ang pinto.
Gusto kong umaray. magreklamo. pero hindi ko pa din nararamdamang bumalik ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko.
"W-what are you doing here?" Finally! I found my voice.
"Obviously sinusundo kita." Sagot niya sakin. Yung tono niya alam mong napipilitan lang. napipilitang sumagot sa tanong ko o napipilitan na sunduin ako.
"Pano mo nalamang nakauwi na ako?"
"Seriously Sam you're asking me all the obvious questions? After 2 years na umalis ka. Yan ang itatanong mo sakin? I thought you've changed but I guess you're the same stupid Samantha I've known." Nagulat ako sa sinabi niya. How dare he. Gusto kong umiyak. pero hindi ko ipapakita sa kanyang kaya pa din niya akong saktan. I've learned to hide my feelings.
"You sure about that?" And Samantha Montemayor is now back in reality. I smirk at him. He looked shock and dumbfounded. 1-0
After my last remark. Wala ng nagsalita. hindi na din ako nagsalita. at tumingin lang sa labas. 2 years and nothing has changed. Huminto kami dahil traffic nang may kumatok sa gawing bintana ko. Binaba ko ang salamin at binigyan ng pagkain ang namamalimos. Oo may pagkain ako sa bag. Girl Scout to.
"Salamat ate." nginitian ko siya bilang sagot tapos sinarado ko na ulit ang bintana.
"Sabi mo nagbago ka na. Parang hindi naman." I heard say it after a minute or 2.
"Old habits die hard." Sagot ko sa kanya. Alam ko naman ang gusto niyang sabihin. Dati lagi din akong namimigay sa mga pulubi kahit anong hawak kong pagkain. Para sakin, mas kailangan nila yun kaysa sakin kasi hindi naman ako yung kinukulang sa pagkain. Ibinibigay ko lang kung ano yung sobra sa kung anong meron ako.
Sino ba ang kausap ko? Siya si Sean Aragon, Kababata, kabarkada, kaeskwela, kaklase, mahal ko pero ang masakit pagmamayari ng kapatid ko. Yeah he's my sister's boyfriend. 2 years na sila. 10 years old ako nung nalaman kong crush ko siya. 13 years old ako nung narealized kong mahal ko siya. at ngayong 22 na ako. aaminin kong mahal ko pa din siya. pero ang masaklap. nakikita niya lang ako kapag bibigyan niya ako ng sulat. Sulat para sa kapatid ko. 5 years silang nagligawan. 5 years of hell. my worst 5 years. kaso me gagrabe pa pala. nung naging sila 2 years ago. and I knew that time. My fantasy for him is over. he will never be my dream come true, my prince charming and my happily ever after.
Masakit pero hindi ko kayang kamuhian ang dalawang taong mahal na mahal ko. naiintindihan ko sila. nagmamahal lang sila. gaya ng ginagawa ko.
"We're here." Nakita ko na bago pa niya sabihin. Papasok na kami sa garahe ng bahay namin. Hinintay ko muna siyang patayin ang makina bago bumaba. "Where's your luggage?" Narinig kong tanong niya. napatingin ako sa dala ko, isang medyo malaking gym bag.
"Eto." Itinaas ko ang gym bag na dala ko.
"Yan lang?" Nagtatakang tanong niya habang naglalakad kami sa may entrada ng bahay.
"Yeah, hindi ako magtatagal. I'm just here for the wedding." Pinigilan ko ang hapdi ng salitang iyon. pinigilan kong umiyak. pinigilan ko na lumabas ang pait sa pagkakasabi ko.
-------
A/N:I changed the story again and i hope this time eto na talaga. Gustong gusto ko na kasi to. Hahaha. Sana hindi na magbago isip ko :p pang tatlong palit ko na to e. Sana final na to. Pasensya na sa mga nacoconfuse. Kung meron man :P