Hindi na masyadong masakit ang paa ko kaya tumayo na ako para hanapin sila mommy para ibigay yung mga pasalubong ko. Hindi ko na kasi sila nakita simula nung dumating ang barkada. Nagaalala pa nga sila Beth sa paa ko pero syempre hindi naman masyadong masakit para masyado silang magalala.
"Mom," Tawag ko kay mommy, nakita ko kasi siyang nakaupo sa may garden namin.
"Samantha ikaw pala, halika." Umusog si mommy para makaupo ako. How I long for this to happen, this close to my mom. Nung umalis ako, ilang araw akong hindi tumawag sa kanila. Hindi ako nagparamdam, alam ko galit si mommy sa akin, kung hindi man galit alam kong nagtatampo siya. Bata pa lang ako lagi na nila akong kasama, hindi ako humihiwalay sa kanila kaya alam ko kung gano siya nagtatampo.
"Gagala daw ang barkada,"Sabi ko pagkalagay ko ng ulo ko sa balikat niya. namiss ko din ang mga ganitong moment namin ni mommy.
"Kakauwi mo lang, hindi ka pa ba pagod?" Mom asked me while combing my hair using her hand.
"Nakapagpahinga na ako mom."
"Kasama ba si Sofia?" She asked me.
"I don't know my." Bumuntong hininga ako. I just miss this. I really do.
"I miss you." Nagkatawanan pa kami dahil sabay namin iyong sinabi.
"Nak," Hinarap ako ni mommy sa kanya. "Thank you."
"Huh? For what mom?" Nagtatakang tanong ko kay mommy.
"Thank you kasi umuwi ka for your ate's wedding. Alam ko naman na--"
"Mom," pinutol ko ang sinasabi ni mommy. I hold her hand, " I wouldn't miss it for the world! Remember what you told us? Family first before anything else right?" I touched my mother's face. Don't worry about me, 2 years may not be long but it was enough to moved on." I told her and smiled just to assure my mom that her baby's gonna be fine. Yeah I moved on. Dun sa sakit na nangyari 2 years ago, and surely makakamove on ako sa sakit ngayon.
"If you wanna cry baby, you know I'm here right?"
"Mom, I won't cry. Baka nga ikaw pa ang umiyak kapag hinatid mo na si ate sa altar." Natatawang sabi ko sa kanya.
"My little baby is not a baby anymore" naluluhang sabi ni mommy.
"Mom, don't cry. atsaka ka na umiyak kapag ihahatid mo na din ako sa altar." Biro ko sa kanya.
"Sa inyong dalawa ng ate mo, kahit ikaw ang bunso ikaw lagi ang nagpapasensya at nagbibigay. Kahit minsan hindi ka naging maramot sa kanya."Sabi ni mommy pagkalipas ng ilang sandaling katahimikan
"My, hindi naman din madamot si ate, lahat ng gusto ko binibigay din niya. Ang turo niyo samin simula pagkabata magbigayan dahil dalawa lang kami dito kaya dapat naming mahalin ang isa't isa." Sabi ko sa kanya.
"Salamat Sam," Sabi ni mommy habang nilalagay sa tenga ko ang mga takas na buhok. Kahit nasasaktan ako, kung papipiliin ako ng pamilya sila pa din ang pipiliin ko. Hindi kasalanan ng ate ko na nagmahal siya ng lalaking mahal ko. Hindi kasalanan na sundin ang puso.
Inihilig ko ulit ang ulo ko sa balikat ni mommy. Nasa ganun kaming posisyon ng dumating si daddy.
"Nagdadrama na naman ba ang mommy mo Sam?"
"Samuel, I didn't see my daughter for 2 years! Sinong nanay ang hindi pede magdrama?" Mahabang lintanya ni mommy.
"Ma, No need to over react, I'm just joking." Birong sabi ni daddy.
"By the way pops, mom," Inabot ko sa kanila yung relo na dala ko. "Para kahit anong oras kahit anong araw, maalala niyo ako." Simpleng sabi ko sa kanila. Gawd how I miss my parents so bad. Leaving them was the hardest decision I've ever made, but I didn't have any choice that time. If I didn't leave, I might die any minute. I'm happy that their happy but it's too much to handle. I'm 23 years old then. My old self can't handle the pain but I hope the new me can.
"San tayo?" Tanong ko sa kanila pagkapasok ko sa may family room namin. Lumipat daw kasi sil nung natapos na sila magsukatan at ngayon ay napagdesisyunan nilang maglaro ng xbox.
"Bar? Pero mamaya pa tayo, ang aga pa oh!" Sagot ni Enzo saakin. Tumabi na din ako sa kanya. "Nakakatampo ka," Biglang sabi sakin ni Enzo after ng ilang minuto na pananahimik at panonood kila Annie na naglalaro.
"I know," Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.
"Sana nagpaalam ka man lang." May himig ng pagtatampo ang boses niya. Napabuntong hininga ako.
"I know"
"But you choose to leave and say nothing. Nagulat na lang kami ng bigla kang umalis." Dagdag pa niya.
"I was hurt, I'm really sorry" I whispered.
"Do you still now?" He asked me. Iniangat ko ang ulo ko at tumingin sa diretsong tinitingnan niya. Naglalambingan sa gilid ang dalawang taong pinakamamahal ko, kumirot ng husto ang puso ko.
"Pain, it demand to be felt" I told him. Quoting a line in the fault in our stars.
"Yeah, it sucks right?" Napabuntong hinginga siya.
"Ikaw, kamusta ka with all of this?" I asked him out of nowhere.
"Fine, I moved on a long time ago Sam, you know it. I'm happy for them" He answered. Once a upon a time Enzo fell inlove with my sister. He courted her they became a couple and broke up. Happens in most of the relationship.
"Good. I'm happy for them too." I smiled sincerely. "I envy you, you know" I told him suddenly.
I got him confused there.
"You moved on. and I'm stuck here." Magsasalita pa sana siya ng dinugtungan ko. "But I know I will. Soon, I will also have my happy ever after with someone that is worth my love and who will never hurt me." Sabi ko pahina ng pahina. Kahit ako hindi ko alam kung gusto ko bang may mahaling iba. Kung ang sa tingin ko siya ay para sakin at ako ay para sa kanya bakit sa iba siya masaya?
"We should find you a boyfriend" Sabi ni Enzo sakin after a minute. Nasa family room pa din kami. Naglalaro pa din sila Jake at naglalambingan pa din sila ate.
"Ayoko nga!" Walang kagatul gatol kong sabi.
"Bilis na," Pamimilit pa niya.
"Ikaw na lang kaya?" Sabi ko sa kanya habang inakbayan siya. "Pwede ka naman na, gwapo, mabait, mayaman may topak nga lang minsan atsaka babaero" Natatawa kong sabi sa kanya.
"Huwag na! Parang talo ka pa sakin ah." Pagdadrama niya. Magaling talaga tong artista, kaya maraming naloloko e.
"Para kang baliw diyan." Biro ko sa kanya at kinurot ang ilong niya. "Atsaka 2 weeks lang ako dito. May papayag bang maging boyfriend ko in 2 weeks?
"Ako."
