Lost 10

7 0 0
                                    

"Ate excited ka na?" two days na lang wedding na niya. Nasa kwarto niya ako. Isa ito sa mga araw na hindi ko kasama ang barkada at nakatambay lang ako sa kwarto ni ate. Wala rin kasing nagpaparamdam sa kanila. Kaya eto ako, nakatingin kay ate habang siya nagchecheck ng mga dapat niyang icheck para sa kasal niya.

"Very." Tanging sagot niya. Isang salita lang ang sinabi niya pero ramdam mo yung saya, ramdam mo yung excitement. "Hindi ka pa nagugutom?" Bigla niyang naitanong. Paano ka magagalit sa isang taong mahal ka at lagi kang inaalala? Kaya kong mabuhay ng walang lalaki pero hindi ko kayang mawalan ng ate. Tumingin ako sa orasan niya sa may dingding. 7 am pa lang pala ng umaga. Ang aga ko palang nagising.

"Hindi pa ate." Sagot ko sa kanya at biglang naghikab. "Sino na lang ate ko kapag nagpakasal ka na?" Malambing kong tanong sa kanya.

"Hindi naman mawawala si ate e." Binaba niya ang hawak niyang mga papel at hinawakan ang pisngi ko. "atsaka magkakaron ka pa nga ng kuya e." Ngumiti ako sa kanya. Aaminin ko nasasaktan pa din ako, pero ano ba namang sakit to kung sa kaligayahan naman ng ate ko? Walang wala to. "Walang lakad ang barkada?" Tanong niya sakin after ng mga ilang minuto.

"I don't know. Baka." Sagot ko. "Baka nagreready for the wedding." dagdag ko habang humihikab. Umupo ako sa may kama dahil nangangalay na din ako. "Ate, can I use your laptop?" I asked him after a while. I just need to check my emails. Kahit kasi nakaleave ako, hindi ko maiwasang hindi icheck ang email ko.


From: Chloe Smith

To: Samantha Montemayor

Subject: Call me!


SAMANTHA WHERE THE HELL ARE YOU? CALL ME!


Shit. Ano na naman kaya ang kailangan sakin ng magaling kong boss?

"Ate can I use your phone?" Tanong ko sa kanya after checking my email. Inabot lang niya sakin yung phone ko. "Kaso te, sa US?" medyo alangan kong tanong. Tumango lang siya pero hindi niya ako tiningnan. Busy na kasi ulit siya. Tiningnan ko ulit ang orasan. Maaga pa naman sa NY, mga 6 pm pa lang.

"Hello?" Sagot ng sa kabilang linya after ng apat na ring.

"Chloe, it's Sam." Pagpapakilala ko.

"Samantha! why didn't you call me ASAP?" Galit na tanong niya.

"Chloe, this is my ASAP plus I didn't bring my phone here Chlo." Sagot ko sa kanya. "So wazzup?"

"When are you going home?" She asked me. I wanted to tell her that Philippines is my home but decided not to.

"After a week and 3 days," Sagot ko sa tanong niya.

"Huwat?!" Nailayo ko ang phone sa tenga ko dahil sa sigaw niya.

"What I filled a two week vacation leave. Don't you remember?" I told her.

"Oh. yeah. Sorry about that. See you in less than 2 weeks." Mabait na sabi niya, pero dahil halos dalawang taon na akong nagwowork sa kanya alam kong hindi pa kami tapos magusap.

"So?" Pagpupursigi ko sa kanya na tumuloy siya.

"We have a presentation on the 5th of June, that's one week after your leave. We need this deal Sam, so I want you to do the presentation. Of course I'll give you a team. You just need to supervised them and check their works." Sabi niya ng mabilisan.

"What? Are you kidding me?" Naiinis na sabi ko.

"I'm serious Sam." Seryosong sabi niya.

"Why me? I am on vacation plus we have other people who can do the work. Also, did you forget the timezone Chlo? It's freaking 11 hours difference." Medyo naiinis ko pa ding sabi sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Am LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon