Author's note:
Sorry for being MIA in almost 2 months, may work na kasi ako. horay!! hahahhaha!
-----
Lost 4
"Ate something new and something blue" sabi ko kay ate sofia habang inaanot ang Christian Louboutin shoes. My wedding present for her.
"Oh my Sam!!! Hindi ka na dapat nagabala"
"Hindi yan abala te, trust me," I assured her. Pinagkaguluhan na din nila Annie yung sapatos na binigay ko kay ate.
"OMG Sam! I bet it cost a fortune." OA na pagkakasabi ni Beth.
"Huwag kang OA Beth, kaya mo ding bumili niyan." Sabi ko sa kanya,
Inilabas ko na din ang mga sapatos na nakaplastic. Tinanggal ko na kasi yung mga sapatos sa box para hindi sayang sa space.
"Enzo." Tawag ko kay Enzo at ibinato ang sapatos.
"Wow Sam Limited edition! and my favorite color!" Tuwang tuwang sabi ni Enzo.
"Jake, Jason!" Binato ko sa kanila yung dalawang pares ng sapatos.
"Akin yan!" Ani ni Jake
"Akin to!" Sabi naman ni Jason. Para talaga silang mga batang nagaagawan sa laruan. Halos parehas naman yung binili ko para sa kanila dahil alam kong ganyan din ang gagawin nila. Halos parehas kasi ang gusto nilang dalawa. Favorite color lang ata sila nagkaiba.
"Beth!" sigaw ko kay Beth, nasa kusina kasi ito dahil kumukuha ng tubig.
"OMG Sam!"
"Annie!" Tawag ko kay Annie. Abala pa din ito sa pagtingin sa mga sapatos na binigay ko.
"Kala ko nakalimutan mo na ako." Natutuwang sabi niya.
"Makakalimutan ko ang kambal pero hindi ikaw." Pabiro kong sabi na ikinalingon ng kambal. Nagpeace sign naman ako sa kanila.
"Sean, Para sana partner kayo ni ate." Sabi ko habang pinapaabot yung sapatos kay Enzo na nasa malapit saakin.
Sabi kasi nila dapat daw parehas yung sapatos nung groom and bride, though hindi talaga halos parehas sila kasi feeling ko if parehas na parehas yung bibilin ko hindi babagay kay Sean.
Isang tango lang ang isinagot nito na dahilan kung bakit ako yumuko. To hide the pain, see sa isang simpleng gesture lang niya nasasaktan na ako. Walang thank you o salamat. How rude diba?
"Here this is for you." Bulong ko sa katabi ko. Hindi pa din kasi siya umaalis simula nung binuhat niya ako.
"Thanks, hindi ko alam na maaalala mo pa ako"
"Hindi ako ganun kasama no." Pabiro kong sabi sa kanya.
"And I am surprised that you knew my size."
"Duh, every Christmas dati sapatos binibigay ko sainyo. Tapos magugulat ka pa din?" Masungit kong sabi sa kanya. Na tinawanan lang niya. Ano kayang nangyayari samin dalawa? usually talaga hindi kami napagtatabing dalawa, but then again that was 2-3 years ago so I guess were matured enough to handle each other.
"Alis tayo Sam?" Si Jake ang nagsabi.
"Kauuwi lang ni Sam Jake, tungeks ka ba?" Si Beth.
"Yeah sure! No problem," Binalewala ko ang protesta ni Beth. Naghigh five naman ang kambal.
"Sa wakas Sam's back!" Sabay na sabi ng kambal.
"But not for good guys." Panira kong sabi. Gusto ko lang naman na huwag silang umasa na hindi na ako aalis.
"Let's see about that." Sabi ni Benjo sabay walk out.
"Inaway mo na naman Sam?" Tanong sakin ni Enzo, nagtataka kasi ito sa inasal ni Benjo.
"Hindi ah. Wala akong ginawa." Sagot ko. Inabala ko na lang ulit ang sarili ko sa pagkuha ng mga spam at kung anu ano pang pasalubong para sa mga parents nila. Ganun kasi ako, mahilig ako magregalo at magpasalubong. Ayoko kasi ng may nagtatampo saakin.
Bigla ko na lang naramdaman na may malamig sa paa ko kaya nagangat ng onti ang ulo ko, tumigil na din ang barkada sa pagkukulitan.
"A-ano yan? A-anong ginagawa mo?" I asked Benjo.
"Ice pack po miss." Sabi niya. Nilingon ko na din sila Beth na may nanunuksong mga mata.
"Aaahhmmm, stop it Benjo, okay na ako." Sabi ko habang kinikuha yung ice pack sa kamay niya.
"Stay put Sam." Sabi ni Benjo.
"Benjo, nakatingin sila," Nilapit ko yung mukha ko para bumulong sa kanya. Nilingon niya ang barkada, tapos bumalik ulit siya sa ginagawa niya.
"Don't mind us guys." Nanunuksong sabi ni Annie. Tumahimik siya nung sinamaan ko siya ng tingin.
Maya maya bumalik ulit sila sa kanilang kulitan. Inilabas ko na din ang natitirang laman ng bag ko at sumandal na din. Tiningnan ko si Sean, magmamahal pa ba ako ng iba? sa halos buong buhay ko siya na ang minahal ko kaya ko pa bang magbigay ng pagmamahal sa iba kung sobra sobra na at sagad sagad na ang pagmamahal na binigay at binibigay ko sa kanya? Surely and hopefully my heart will beat for another, my heart will forget him and soon I can say that I remember that boy but I don't remember the feelings anymore.