“Hindi ka pa naman late pare,” Si Jake ang nagsabi.
“So our maid of honor is now here.” Si Benjo, kaibigan nila Jake. Actually kababata ko din naman pero hindi ko kuha loob. Hindi ko siya naging kaibigan kasi unang una. Ayoko sa aura niya. Pangalawa masyadong matindi ang tabas ng dila niya. Pero casual ako sa kanya.
“Hi best man.” Bati ko sa kanya. Kahit ganyan ang ugali niya. Nakuha niya ang loob ng mga matatalik kong kaibigan. Si Sean naging best friend niya. Hindi ko nga alam kung pano sila naging magkaibigan. Kita mo nga best man ang loko.
Oo siya ang best man at ako ang maid of Honor sa kasal ng kapatid ko at sa bestfriend niya, sa taong mahal ko. At oo ikakasal na sila ate at si Sean. Kaya ako umuwi dahil hiling ng kapatid kong saksihan ko ang pagiisang dibdib nila na pinaunlakan ko naman. Yun nga lang. parang sasaksihan ko din ang aking kamatayan.
It is so hard to be happy to someone’s dream come true when you’re dreaming to marry the same guy too. But I have to accept the fact that they’re happy and they love each other. May be someday I’ll find a guy who can heal all the wounds of my past and I am going to be happy again but for the mean time I should be happy for what I have right now. I should focus on what I have rather than to what I don’t have. He’s just a guy. Yeah, the guy of your life. The source of your strength. Sabi ng isip ko. Minsan gusto ko sikmuraan ang itrimitidang nasa utak ko. Hindi na lang kasi makisama.
“Looking good” Sabi niya sakin at pumunta kay Sean na nakaupo lang pala sa tapat kong sofa.
“I wish I can say that to you.”Sabi ko sa kanya sabay dila.
“woaah tiger, don’t start a fight.” Sabi ni Enzo na nasa tabi ko. Nagkibit balikat na lang ako at bumaling kay ate.
“ate, can I change now?”
“Sure sis.” Sabi niya sakin ng nakangiti at bumaling kila Annie para sila naman ang pagsukatin.
“I can help you with that you know.” Si Benjo. See, masyado siyang bastos diba. Ikaw naman kasi ang nauna. Sabi na naman ng itrimitida na nasa utak ko.
“no thanks, I can manage.” Yun lang at pumunta na akong Restroom para magpalit.
Actually hindi naman kasi mahirap maging masaya para sa kapatid ko. Kung hindi lang si Sean ang mapapangasawa niya, sobrang saya ko para sa kanya. Pero kasi si Sean yun. Kaya hindi ako mapalagay. Of course I don’t need to pretend that I’m happy for my sister because I really am happy for her. I just need to handle my emotions. I just need to convince myself not to be hurt. Yung konting sakit lang okay lang. huwag lang yung sobrang sakit.
Paglabas ko ng CR nagkakagulo na sila dahil nagpafashion show na ang dalawang baliw kong kaibigan. Pumagitna ako kay Jake at Enzo. Nakisiksik talaga ako.
“Ano ba, ang laki laki mo na nakikisiksik ka pa.” Reklamo ni Jake sakin. Dinilaan ko lang siya na parang bata.
“Jason, paabot naman nung bag ko.” Pasuyo ko kay Jason kasi siya ang pinakamalapit sa bag ko.
“Sam ilang kilo ba to, bakit ang bigat?”Reklamo ni Jason.
“Alam niyo kayong kambal ang reklamador niyo. Gusto niyo paguntugin ko kayo?” Biro ko sa kanila.
Binaba naman niya yung bag sa harap ko pero bago ko mahawakan. Hinawakan na ito ni Enzo at sinubukang buhatin. Nagtataka ko siyang tiningnan.
“Seriously Sam, ang bigat ng bag mo. Nicheck in mo naman to diba?”
“Ammmm. Nope.” Nakita kong nanlalaki ang matang tumingin sakin sila Jason. Seariously what’s with these boys. So over protective. Wala nga akong kapatid na lalaki pero eto sila ngayon. Minsan mas OA pa sila sa parents ko.
