Lost 2

14 2 0
                                    

Chapter 2:

"I'm just here for the wedding," Gusto kong bigyan ang sarili ko ng isang masigabong palakpak dahil sa tingin ko hindi ako bitter nung sinabi ko yun. Parang lumabas that I'm just stating a fact. I am so proud of myself.

"They're waiting for you." Sabi nito ng mahawakan niya ang handle ng pinto at binuksan ito. Tila binalewala lang niya ang sinabi ko.

"Who?" kaso hindi na niya nasagot ang tanong ko dahil na rin bigla kong naramdaman ang isang yakap.

"Iha." It's my mom. Napayakap na din ako sa kanya. Alam ko, malaki ang tampo niya sakin dahil sa ginawa ko. Pero alam ko din bilang isang ina, naiintindihan niya ako.

"Mom." Narinig ko na lang siyang umiiyak. Tapos naramdaman kong may yumakap ulit saakin. Kahit hindi ko tingnan kilala ko kung sino siya. "Ate." At niyakap ko din siya. Pinigilan kong umiyak. Hindi na ako ang dating Samantha na konting yakap lang umiiyak na. Hindi na ako umiiyak. 2 years na. technically, 1.5 years na. niround off ko lang.

"Namiss ka namin." Narinig kong sabi ni ate Sofia. Siya ang nagiisa kong kapatid. Kaya kahit anong nangyari. Kahit na pagaari niya ang isang taong sobra kong mahal. Hindi ko magawang magalit, hindi ko siya magawang saktan, dahil alam ko naman na hindi niya ako gustong saktan, hindi din niya ginustong nasasaktan ako. Mahal ko siya at hindi na yun magbabago.

Humiwalay ng yakap sakin sila ate at dun ko nakita na nakatayo si papa. Nakatingin samin, lumapit ako sa kanya.

"pop, andito na ako." Mahinang sabi ko, pinigilan kong umiyak. Ayokong umiyak kahit na gustong gusto ko na.

"Samantha." Rinig kong tawag sakin ni papa at bigla akong niyakap. Ganun si papa. Hindi siya showy na tao. Hindi siya nagsasabing mahal na mahal ka niya pero mararamdaman mo ito.

"I miss you pop." Sabi ko sa kanya. At gumanti ng yakap.

"Where's your luggage iha?" Tanong ni mom saakin kaya kumalas ako ng yakap kay papa para itaas ang gym bag na dala dala ko. "No, I mean the other luggage."

"Mom, eto lang dala ko. I'm just here for the wedding. Hindi ako pedeng magtagal dito." Casual na sabi ko kay mom. I know she's not okay with that pero wala ng makakapagpigil saakin. I'm just doing this for my family. Natahimik silang lahat. Wala ni isang nagsasalita. Siguro hindi nila akala na aalis ako kagad. Para san pa at anong dahilan ko para magtagal pa?

"So pano niyo nalamang dadating ako?" I asked out of nowhere. Just to ease the tension.

"Darling, your Tito Ramon called. Sinabi niya na uuwi ka na." Si Tito Ramon ay kaibigang matalik nila Papa.

"Pano niya nalamang uuwi ako?" Para akong bata na curious sa sinasabi ng matatanda.

"Honey have you forgotten? Tito Ramon is a pilot." Of course I know Tito Ramon's a pilot actually isa siya sa mga piloto ng Montemayor Airlines. Holy shit! Bakit ko nakalimutan? Kaya pala sabi ni Sean na tanga ako kanina. Kasi tinanong ko pa sa kanya. Ang connecting airlines ko kanina is Montemayor Airlines. Bakit hindi ko binigyang pansin. Kumusta naman ang aking tahimik na pagdating. All along nung nasa Hongkong ako. Alam na nila na darating ako. How stupid of me.

"Kumain ka na ba?" My ate Sofia asks.

"Yeah, sa eropla---"

"Hindi pa siya kumakain. Pinamigay niya sa bata yung pagkain niya." Putol sa sasabihin ko dapat ni Sean. Kitam mo tong lalaking ito. Minsan hindi ko alam kung ano. Sala sa init sala sa lamig. Pinaparamdam niyang may pakielam siya pero parang hindi din. Manghuhula ka pa din.

I Am LostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon