Edited.
Flower Princess
Shana's Point of View
"A-aray" daing ko ng magising ako dahil sa sakit. Sobrang sakit ng katawan ko at nahihirapan akong igalaw ito.
Napatingin ako sa kama para tignan kung nandoon pa ba ang salarin kung bakit ganito ang nangyayari. Ang salarin kung bakit sobrang sakit ng katawan ko at nahihirapan akong igalaw ito. Wala siya doon kaya napabuntong hininga ako, buti nalang wala siya.
Kasalakuyan pa akong naiinis sa taong iyon habang sinusubukang tumayo ng may kumatok sa kwarto at pumasok doon ang dalawang babae.
Tinignan ko ang mukha nila at nakikita ko ang pagkakahawig ng dalawa.
Lumapit yung babaeng may maliit na nunal sa ilong at inalalayan akong tumayo.
"Paki dala ako sa banyo. Salamat." Tumango naman yung babae na may nunal sa mukha tsaka ako hinatid sa banyo.
Pagkapasok ko dun ay sinabihan ko yung babae na hayaan nalang muna ako dito. Nagsimula na akong maligo at pagkatapos ay akmang lalabas na sana ako kaso naalala kung wala pala akong damit dito.
Pagkalabas ko ay nandun padin yung dalawang babae sa kwarto, dun ko lang napansin na may dala dala palang damit yung babaeng kamukha nung umalalay saakin.
Ang kaibahan lang nilang dalawa ay halata yung pagka chubby nung mukhang nung isa, at nung isa naman ay ang nunal. Maganda sila at inosente ang mukha.
Nahuli naman ako ng isang maid na nakatingin sakanya kaya ngumiti siya.
"Hi Ma'am kami diay inyong personal nga maid. Gi dala rani namo ang dress kay ganahan si Ser nga ilisan ka kay basin ga sakit gihapon inyong lawas." sabi nung may nunal sa mukha. Napakunot ang noo ko.
Ano daw?
Napansin siguro nung medyo chubby na di ko gets kaya sinabi niya saakin kung anong sinabi nung kakambal niya.
"Sabi niya po ma'am na, kami po ang personal maid niyo.Dinala lang namin yung dress kasi yung po ang gusto ni Sir. Kami nalang din po ang magbibihis sainyo kasi baka kako masakit pa ang katawan niyo" aniya na medyo utal pa.
Napamaang naman ako sa sinabi niya at akma sanang aangal. Hindi ako sanay ng binibihisan ako dahil kaya ko naman. Kaso hindi nagpa-awat ang dalawa at nakipag sagutan pa sa akin. Mabuti nalang at pumayag sila sa gusto ko at lumabas nalang. Pagkalabas nila ay automatiko akong napatingin sa C.R.
Dito nalang kaya ako magbihis? Tutal wala naman na sila at akong nalang mag-isa. Sobrang sakit ng katawan ko para gumalaw galaw.
Dahan-dahan naman akong naglalakad.
Isa. Dahan dahan Shana.
Dalawa. Sige lang. Patuloy mo pa.
Tatlo. Ayan lakad pa.
Malapit na sana ako ng pintuan ng C.R ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Iniluwa nun ang manyak na salarin kung bakit masakit ang katawan ko. Naka sout siya siya ng dark blue suit, blue tie. Mabuti nalang at hindi pink ang sinout niya.
"Bilisan mong maglinis at maligo. We are attending an event" aniya. Napatango naman ako at tatalikod sana sakanya ng may bigla siyang tinanong sa akin.
"Your body still ache?'' tanong niya sa akin. Kaso bigla siyang natauhan sa tanong niya. "Poor me, it's quite an obvious."
Napapikit ako ng medyo madiin at humarap ulit sa kanya. Tapos ay ngumiti ako.
BINABASA MO ANG
Sold to a Gay Billionaire (Sold Series #1)
RomanceFALLEN SQUAD : Sold Series 1 Status: Completed Draco Nikolos Stan Montecillo is known as a billionaire bachelor. He was adored by many girls and gays. He's perfect in every aspect, except for the fact that he got a heart of a woman. And him being a...