Edited
The Contract.
Shana's Point of View
Dalawang araw narin ang nakalipas simula nung pumunta kami ni Nikolas sa event na iyon, kasabay nun ay ang pag sabi niya ng kanyang totoong pangalan. He is Draco Nikolos Stan Montecillo. Nalaman ko din na may lahi siyang chinese kasi ang mommy niya ay half chinese. Di nga lang halata sa mommy niya pero halatang halata sa kanya. May lahing Amerikano naman ang daddy niya na di naman mapagkakaila.
Magkamukha naman sila Nikolos at ang kanyang dad pero ang kaibahan lang ay may pagka tan ang kanyang dad plus mas klaro sa features nito na Amerikano talaga. Wala siyang lahing filipino at nanirahan lang sila dito ng parents niya nung 15 siya due to her mom's favor.
May pilipina kasi na kaibigan ang mama niya tas mahilig pa sa nature si tita. Kaya pinili niyang dito din sa Cebu manirahan.
Yes nasa Cebu kami-ako dinala ng nagkidnap sa akin. Akala ko nasa Manila pa kami kaso nasa Cebu pala ako dinala. Kaya rin pala nag bisaya yung maid. Kasi akala niya nakaka intindi ako .
Isang araw akong tulog dahil dun sa droga na ininject sakin.
Nagising naman ako sa pagkakatulala ng may biglang pumitik sa noo ko. At nakita kong si Kuya Nikolos pala yun. Ang sagwa talaga ng kuya. Mas bata pa siya tignan sa akin eh.
"Let's eat." aniya. "Wife" dugtong niya.
Kasal na ako sa kanya.
Limang oras siguro ang tinagal namin doon bago pa niya napagpasyahan na umalis.
Habang papaalis kami sa Hotel napagmasdan ko kung gaano talaga kamayaman itong nakabili sakin. Isa daw kasi iyong Five Star Hotel at mayayaman lang ang nakaka pasok unless inimbitahan ka o di kaya nag t-trabaho ka doon.
Umakyat naman siya sa taas para magbihis siguro habang ako naman ay pumunta kusina. Buti nalang talaga at di ako naligaw dito.
"Hi ma'am" bati sa akin ng maid. Isa sa mga kambal. Yung may nunal. Di na ako nagsalita ang ningitian nalang siya.
"Ma'am sorry pala kanina, di ko po kasi alam na di ka marunong mag bisaya. Akala ko taga dito kalang po" ani nung maid. Napakunot naman ang noo ko at tinignan siya. Ang cute ng accent niya.
"Saan ba tayo ngayon?" sabi ko.
"Ay di niyo po alam ma'am? Nasa Cebu po tayo." nagulat naman ako ng slight sa sinabi niya. Slight lang naman kasi may ideya narin kasi ako eh na dinala ako ng mga kidnapper sa malayong lugar. Alangan namang dun lang kami sa Maynila edi sobrang dali ko lang makakatakas sa kamay nila. Ako rin kasi ang tipo ng tao na mahilig tumakas, kaya nga naglayas ako eh pero ewan ko lang nung araw na iyon kung bakit di ko magawang tumakas. Siguro dahil sa madaming bodyguard.
"As in nasa Cebu po talaga tayo?"
"Opo" ani niya. "Inaya po siya ni ser Laxus na pumunta dito, tas sakto may party si ma'am" napatango naman ako tsaka nagtanong ulit.
"Ano nga pala ang pangalan niya?"bulong ko sa kanya. Hindi ko alam ang boung pangalan niya at Draco Stan lang.
"Hala grabe si Ma'am. Maski pangan ni Ser wala siya kahibaw. Basin gi kidnap ni siya ni Ser o basin stalker niya si Ser. Yay kahadlok'
[ Translation: Hala grabe si Ma'am. Maski pangalan ni Ser di niya alam. Baka kinidnap siya ni Ser o baka stalker niya sir Ser. Yay katakot. ]
Di ko nalang pinansin ang bulong niya kasi di ko naman na gets eh. Abala lang sa oras kung tatanungin ko pa bakit.
"Draco Nikolos Stan Montecillo ang pangalan ni Sir. May lahing Chinese ang nanay niya ngunit half nga lang—sa mother side tapos di na namin alam kung anong lahi ng papa ni Ma'am habang ang tatay niya naman ay may lahing Amerikano" ani nung medyo chubby na kambal ni may nunal.
"Baka gusto niyo din po tanungin ma'am kung taken naba si ser?" Biro niya.
"Oy di no!" tanggi ko. Naalala ko naman na di ko pa pala alam pangalan nila.
"Anong name niyo?"
"Ako nga pala si Jan at siya naman si Jas" pakilala nung chubby. Napatango nalang ako. Ewan ko ba kung bakit di ako nag wild kagaya ng ibang nabibili na gustong gusto tumakas. Parang normal lang sa akin.
Abnormal naba ako?
Nagpakilala din ako sa kambal at nagpa alam na gagayak na sa kwarto. Mga eight na din sguro ng gabi. Ang aga pa. Halatang di mahilig sa social na gatherings or party si Kuya Nikolas.
Nagising ako sa sinag ng araw kinaumagahan. Nahuli naman ng mata ko si
Kuya Nikolas na nakaupo dun sa sofa at naka de kwatro habang may dalang papel."Fix yourself." tipid niyang ani. "Especially, wear bra." dugtong niya. Namula naman ako at dali daling pumasok sa C.R. narinig ko pa siyang may sinabi ngunit di ko na pinansin kasi nahihiya ako.
"Kalokang babaeng to. Umagang umaga
Gosh! Okay sana kung fafa kaso babae. Bakat pa naman yung puno ng bundok niya hmp. Pader naman che. Kaso mas pader nga lang ako."Naghilamos naman ako at lumabas ng Cr. Dumiretso ako sa walk in close.
"Oy, magkano ginastos mo sa bahay nato?" sigaw ko. Di naman siya nagsalita kaya nagpasya nalang ako na magbihis nalang tsaka ako lumabas.
Pagkalabas ko ay binigay naman niya agad saakin ang papel na hawak niya.
Marriage Contract
Basa ko sa papel na binigay niya. Bago pa ako makatanong ay inunahan na niya ako.
"My parents wants us to get married. Even in paper without proper wedding. As what I told you the first day we met. You're going to be mine and the mother of my chidlren. I know you agreed and what you have wanted. In your upcoming birthday. I will get your bestfriends here." aniya.
Napatihimik ako. Kung aangal kasi ako ay baka bigla akong ibenta, at isa pa. Wala naman na akong matatanong kasi nasagot na niya.
"Saan naman ako pipirma?" agaran kong sabi. Tahimik talaga ako—sa mga di ko kilala. Maingay naman ako sa mga kaibigan ko.
Hindi naman ako nag-iisa.
Tinuro naman niya kung saan ako pipirma at pinirmahan ko agad. Pagkatapos nung ay kumain na ako sa baba. Sumunod naman siya sa akin.
"I'm not gonna force you to do it with me anyway" aniya. 'kadiri kaya'
Tumango ako. Mabuti nalang at di niya gagawin.
"But I will not promise" pahabol niya sabi. Napabuga ako sa mukha niya at napasigaw naman siya.
"OMG!" Tumayo siya tsaka ako tinignan ng masama. "What did you do? You ruined my beautiful face!"
Hala beh.
Sumunod naman ako sakanya. Papunta sana ako sa kusina ng may mahagip akong lalaki. Siya yung Laxus, pinsan ni Kuya Nikolos. Naalala ko yung sinabi ng Jan at Jas. Di daw nila sinasabi na mag pinsan sila sa ibang tao. Bestfriend daw ang pakilala nila sa isa't isa.
Ano kayang topak nung magpipinsan? Baka kinahihiya niya si Nikolos?
OMG pa naman sigaw nun.
-
If you're reading this at 2-3 AM, GO TO SLEEP!
BINABASA MO ANG
Sold to a Gay Billionaire (Sold Series #1)
RomantizmFALLEN SQUAD : Sold Series 1 Status: Completed Draco Nikolos Stan Montecillo is known as a billionaire bachelor. He was adored by many girls and gays. He's perfect in every aspect, except for the fact that he got a heart of a woman. And him being a...