Chapter 8

12.5K 393 8
                                    

Edited. Up until the last chapters, It will be under Third Person's Point of View except for 13,  18 and 19 for both Shana and Draco's POV

Trip to Manila.

Shana's POV

"Hoy ano yun ha?" Asar ni Laxus sa akin sa elevator.

Tumabi pa talaga ang kumag sa akin para lang maka pang asar habang si Draco naman nasa gilid lang at nanahimik.

"Gago tigilan moko"

"Choburdi kingkong tigilan moko moto."aniya.

Choburdi— ano? Anong klaseng salita ang pinagsasalita nito? Na a-alien naba siya?

"Pinagsasabi mo?"

"Choburdi kingkong! Expression lang yan tanga"

"Maka tanga!"

"Tanga ka naman talaga," pang aasar niya. T'saka siya biglang nagisip. "Di pala tanga."

"Siyempre"

"Kasi marupok ka" tawa niya. "Marupok sa halik amp." Sinamaan ko siya ng tingin at akmang sasapakin na talaga siya ng tumigil ang elevator at t'saka bumukas.

Tinignan ko naman kung anong floor na at nakita kong nasa may last floor kami. Gusto ko sanang tanungin si Laxus kung anong gagawin dito kaso baka asarin na naman ako

Iginaya naman ako ni Laxus papalabas at pumunta kami sa may hagdanan. Pagka dating namin sa taas ay binuksan ni Laxus ang pintuan only to found out na nasa rooftop pala kami ng hotel nato,

Meron naman akong nakitang helicopter dun at nakita ko si Draco na nakatayo doon. Nauna na pala to.

Lumapit naman ako sakanya at iniwan yung lalaking wagas kung makapang-asar ang ngiti. Nakaka inis.

"Let's go" matigas na ingles ni Draco. Maka galaw parang walang nangyari. Magaling na lalaki.

Tumalima naman ako sa kanya at pumasok sa Helicopter. Nagtakip nadin ako ng bibig. In case of emergency. In case na sumuka ako, hindi dahil sa kiss.

"Saan tayo?" tanong ko sa dalawang lalaki sa harapan ko. Base sa lugar, nandito na  kami sa Manila. Bigla kasi akong nakatulog—nahimatay pagka andar ng helicopter. Takot ako sa heights at nagkaka motion sickness ako.

Sumimangot naman ako nung di ako pinansin ng dalawa, Oh sige wag niyo akong pansinin. Bumaho sana hininga niyo.

Nasa kotse kami ngayon bumabyahe sa san lupalop man ng daigdig kami naroroon. Tinignan ko naman ang labas at naging pamilyar saakin ang daan. Kinabahan naman ako sa nangyayari. Ba't papunta kami dito?

Iwinaksi ko naman ang mga tanong sa isip ko at tumahimik nalang kaso kinabahan ako ng sobra ng lumiko na kami kung nasaan ang lugar na iyon.

"Hoy, ba't tayo papunta dito?" taranta kong pahayag. "Anong gagawin natin dito?"

"I thought we're meeting your friend? Kaya ka pumayag diba?" he asked me.

"Pero bakit dito? Nandito ba sila? Paano?"

Hindi naman siya umimik at bigla akong nawalan ng lakas. Nung papalapit na kami sa bahay na iyon at automatic na bumukas yung gate ng nasa tapat na kami, pinaandar naman ni kuyang driver ang kotse at napakapit ako kay Laxus ng nakita ko ang bahay.

Ayokong bumalik dito.

Napatingin naman si Draco sa amin at biglang sumama ang mukha niya. Napa-iwas naman siya ng tingin nung napansin niyang nakatingin ako sa kanya.

"Hoy gago" tawag ko kay Laxus. Napatingin naman siya sa akin.

"Pahiram cellphone mo" nanginginig na ani ko.

"Bakit? ayoko." aniya.

"Sige na pahiram" bumelat lang siya sa akin at di ako pinahiram ng cellphone. Mumultuhin ko talaga siya pag namatay ako.

Tumigil naman sa tapat ng bahay, o mas maganda tawagin, sa tapat ng isang mansion, ang kotse at dali-dali namang lumabas ang driver at pinagbuksan kami ng pinto.

Inalalayan naman ako ng mga bodyguard sa paligid. Iginaya naman nila kami papasok at bumungad saamin ang nakaupong lalaki na medyo may katandaan na kaso halata padin ang kakisigan, katabi naman nito ang isang napakagandang babae na may katandaan na pero kita padin ang kagandahan nito, ang ina ni Shana.

Sa likod naman ng dalawang ito ang isang napakakisig na lalaki at katabi nito ang tila pinagbiyak niyang bunga, for short kambal. Kita naman ang katangkarang lalaki na may salamin na bumagay naman sa kanya at isang batang babae na tila 5-years old lang.

Sa gilid naman nila ay dun ko natamaan ang dalawa kong kaibigan. Naka peace ang dalawa habang may  'awkward' na ngiti. Lalaki ang isa habang ang isa naman ay babae.

"How many times do I have to tell you that you are not allowed to this leave this house!" tila isang tigreng ang lalaking may ka-edaran na.

"Sorry, dad" nakayuko kong hingi ng permisyo.Napatingin naman sina Laxus at Draco sa akin. Nagulat sa nangyari.

"Go to your room" utos nito. Mabilis naman akong sumunod at di na pinansin ang dalawa. Sumunod naman ang dalawa kong kaibigan sa akin.

"Nako, girl lagot ka na naman" pananakot no Gregory sa akin, ganiyan man ang kaniyang sinabi pero alam kong natatakot siya para sa akin. Nasa kwarto ko kami ngayon dahil sa utos ni Dad.

"Naman 'te, alam mo naman ang sitwasyon mo pero nagmamatigas ka padin. Alam mo naman kung anong klaseng tao iyang damuho mong ama." Umupo si Gale katabi ng kapatid niya.

Third Person's POV

Napatingin naman ang buong pamilya ni Shana sa dalawang lalaki.

"You may now go." utos ni Seleno, ang ama ni Shana.

"But sir, your daughter is already my wife" Kalmadong ani ni Micu. Sumama naman ang mukha ng matanda at aakmang dudukot ng pinigilan siya ng kanyang asawa.

"No.." napatingin naman siya sa bisita "They might tell the police. Calm down"

Sa sinabing iyon ay nanahimik ang ama at muling inutos na umalis sila. Sa utos na iyon ay gusto sana ni Micu na wag sunding kaso bigla siyang hinawakan ni Laxus at inilingan. Napabuntong hininga naman siya.

'Kaloka , gusto ko pang mag stay siz. Ang daming fafa dito, pwedeng mag uwi ng isa?' sambit ng isip ni Dracl pero siyempre di niya malabas iyon dahil sa kadahilanang baka itakwil siya ng mga magulang kapag nalaman nitong bakla siya, hindi lang iyon. Masyadong seryoso ang nangyayari para maging ganoon ang kaniyang naiisip ngunit hindi padin niya maiwasan.

Hinila naman siya ni Laxus paalis.

'Stay pa tayo please, gusto ko pang makita yung fafabells na yun!' nagbibiro aniya sa kaniyang isip.

Tila isang defense mechanism ang nangyayari dahil mukhang pamilyar ang ama ni Shana.

Sa kabilang banda ay tinatawag naman ni Seleno ang isa sa mga pinagkakatiwalaan niyang tauhan.

"Know his background,Know if he's somewhat related to a wealthy family.  If not, kill him and if he is one, bring him to me. ALIVE." Luminga naman siya sa isa niyang tauhan na nanginginig sa takot. "And you! Bring my daughter below. Latiguhin mo siya at ikulong mo siya kasama ang alagang tigre. Understood?"

Sold to a Gay Billionaire (Sold Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon