ASCIA

6 1 3
                                    

Chapter 3
ASCIA'S POV

In your dreams

Yan ang sinabi ko sa mokong na si Onnyx kanina.

Okay. Tanggap ko naman na malapad ang forehead ko, pero di 'to makapal noh.

Sabihan ba naman ako na...

''Ascia ang ganda mo....
Pero ba't ang kapal ng noo mo....."

"Makapal? Ano ka ba naman Nyx... Ang layo kaya ng makapal sa malapad." Isa pa 'tong so Miccs panggatong din.

"Eto ba ang makapal o-oh,tingnan mo nga?"

Sinukat-sukat pa talaga ng walang hiya. Okay na sana na pinaliwanag na niya sa payatot na tong so Nyx. Ang hindi ko lang mapapalampas ay yung sinukat sukat pa niya. Kesyo....

"Mga 5cm. na rin siguro to..? Noh Sha?"

Balahura ka Miccs. Pa Sha-sha ka pa diyan akala no ang tangkad. Eh 4.4 lang naman.

Nagwalkout na ako dahil di ko na nakayanan ang pangiinsulto nila sa pagkatao ko.

O o O

Rinding-rindi akong naupo sa sarili kong silya habang naririnig ang malalakas na hagikhikan ni Nykyo habang ito namang si Miccs tinatanong pa kung ano ba daw ang nakakatawa sa mga sinabi niya.

"Walang awa!"

Gusto siguro niyang paulit-ulitin pa ni payatot na makapal at di malapad ang noo ko.

Malapad kasi...

Hanggang ngayon inaalala ko pa rin ang mga nangyari sa'kin ngayong araw. Habang nakasakay sa sasakyan na mariing pinaaandar ng driver/bantay ko pauwi sa bahay.

Hayssss. Ngayon lang siguro ako nainsulto dahil sa noo ko na di ko ikinagalit. Ngayon lang ako napagtripan ng hindi ko nagantihan ng mag-asawang sampal. Ang saya ko pa nga eh. Kase hanggang sa paguwi ko. Isa pa rin siyang napakagandang alaala. Hindi ako nagalit,nagmura, nanakit. I don't know, pero nung makausap ko itong si Miccs at Onnyx, hindi ko alam pero pakiramdam ko in ako sa kanila. Hindi yung nagpapapansin na sinasabi sa akin ng karamihan sa tuwing kausap ko sila. Ang saya lang sa pakiramdam. I feel for the first time since birth na I am welcome.

"Ma'am Ascia parang ang lawak ng ngiti niyo ngayon ah... Kamusta po ang first day sa ikasampung school na pinasukan niyo this year?" Tanong ni kuya Will habang nakatingin sa dinadaanan.

Tama siya. Ika sampung school na'tong MIS na pinasukan ko this year. Due to chaos between me and teachers and disaster between me and co bullsh*ts exclassmates. Hindi siguro nila maabot yung taas ng IQ level na meron ako.
Nevermind those ass...

Humarap ako kay kuya Will saka ngumiti.

"Well siguro, finally nahanap ko na ang perfect school para sa 'kin. First day but it feels like home..." Nakangiti kong sagot sa kanya na nakangiti na rin.

"Finally!" Napabuntong hininga pa si kuya.

Marahil siguro nagsasawa na rin 'tong
Driver ko sa pagpapalipat-lipat ko ng school at sa wakas may isang ruta na siyang makakasanayan. Sigurado na ako dito. First day but full of thrills.

SidekicksWhere stories live. Discover now