MILES

12 1 2
                                    

Chapter 1
MILE'S POV

"Akin na nga yan. Isa.....dalawa....kuya naman parang awa mo na...." Sumisigaw na ako, nagmamakaawa sa matangkad na lalaking nasa harapan ko ngayon.

"Iiyak na talaga ako nito...." Pramis ilang oras na kaming ganito.

"Kuya naman....hindi ka na nakakatuwa...isa...." Nanggagalaiti na talaga ako. Habang tumatalon talon sa harapan nitong kuya kong simula pagkabata isinusumpa ko na sa pagiging matangkad niya samantalang ako hindi man lang umabot ang height sa balikat niya."kuya maawa ka na.....akin na yan...."paos na talaga ako.

"Hoy 'neng. Hindi kaba nahihiyang bata ka. Talon ka ng talon diyan hindi ka naman naglalampaso ng sahig natin." Napalingon ako sa nanay kong may hawak na mga damit,magsasampay yata.

Wow

Napanganga na lang ako. Pramis iiyak na talaga ako. Hindi ko na sila hinayaang dagdagan pa ang mga sermonias nila. Umiiyak kong tinahak ang aking kwarto at padabog itong isinara.

"L'ntek yan!"

Bulong ko habang umiiyak na nakasandal sa pinto ko.

Langya naman. Unang araw ko sa school tapos ganito. Napakasupportive talaga ng pamilya ko. Nanggigigil kong inilibot ang mata ko sa kabuuan ng kwarto ko hanggang dumapo ito sa isang pares ng itim na sapatos sa lamesa ko, plantsyadong school uniform ko, isang basong gatas na hindi ko na naimon, mga forms na ipapasa ko....ngayon sana, at ang maliit na bag na gagamitin ko. Pramis isa lang talaga ang kulang. At ng maimagine na papasok akong wala yun.....

"Waaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhh!!!!!!!"
Hindi ko na napigilan at inilabas ko na ang tunay na nararamdaman ng aking busilak na damdamin."walang awa! Walang kwenta! Hindi na ako papasok! Kahit kailan.........waaaaaaaaaaaah!

Saka lang ako nahimasmasan ng makita ang namassacre kong kwarto,halos mapunit ko na ang mga punda ng unan ko sa sobrang gigil,hindi ko magawang tingnan ang itsura ng kama ko sa sobrang galit. Pramis....bumagyo ba dito?

"Neng, 'to na oh....sorry na." Singit ng kuya kong balahura habang kinakatok ang kwarto ko." Neng, buhay ka pa ba diyan? Papasok na ako..." Panloloko pa niya. For sure nakangirit nanaman ang walang 'ya habang walang nakukuhang sagot mula sa akin. Alam kasi nun na sa mga oras na 'to kumukulo na ang tubig sa ulo ko up to one thousand degrees in Fahrenheit ,counting pa.

"Eto na binubuksan ko na, papasok na ba ako?" Pangbabalahura pa niya.

"Makita ko lang talaga kahit isang hibla ng buhok mong hi***upak ka. Magkalimutan ng magkapatid tayo.."
Linya ko.

SidekicksWhere stories live. Discover now