ONNYX

6 1 1
                                    


Chapter 2
NYX'S POV

"Together with Algebra, Trigonometry and Calculous. What we are focusing this semester is...." Putol ni Ms. Smith,habang inililibot ang paningin sa kabuuan ng klase with her glaring and observant eyes, habang mahinang inihahampas ang kanyang mahiwagang wooden stick right in her left palm.

"Yes." At binitawan na nga niya ang kanyang paboritong salita. "Yes Ms. You." Pagpinpoint pa niya ng maghesitate na tumayo si Miccs na nasa unahan ko.

"Geometry Miss" sagot nito sabay upo.

Bumalik naman ang tingin ko kay Miss Smith na nakakunot na naman ang noo, nakulangan ata.

"Okay"at bumalik na siya sa dati niyang pwesto ng pagtuturo. With her eyeglasses na nakababa ng konte sa kanyang matangos na ilong." Find your pairs and discuss everything about circle....tomorrow." At umalis na ito ng walang paalamanan. One of her hobby.

Nevermind si ma'am. Kasi nagsisimula ng magrally ang mga kaklase kong nashock siguro sa anunsyo ng strikto naming guro.Well. part ng pagiging estudyante.

"Problema ni ma'am?" Nguso ni Samson. Sam for short." Kakaexam lang natin, isang linggo lang ang nakalilipas ah..." Dagdag pa nito habang nakabusangot sa harap ko.

"Thank you ma'am, ang bait mo talaga. Sana mapromote ka na po next year..." Biro pa ni Miccs habang nakatingin kung saan lumabas si Ms. Smith at waring kinakausap si Ma'am.

"'Yaan niyo na...!" Para naman tumigil na sila.

"Pano ba 'yan.... Miccs baka naman." Panunudyo ni Sam sa katabi.

"Anong baka naman?" Ng di magets ni Miccs kung ano ang sinasabi ni Sam." Hoy Samson Saja Salvador...wag mo kong bastusin... Alam ko kung gaano kadumi yang isip mo." Habang hawak ang ballpen na inaaya sa mukha ni Sam.

"Hoy! Miccs. Wag kang ilusyonada. Gusto lang naman kitang makasama." Sam tugma yun ah.

" F**k you ka Samson" at tumayo na nga si Miccs, naghahamon ata.

"Miccs gusto kitang makasama........by partner yun di ba? Kung ano- anung pinagiisip neto" sabay harap sa akin ni Sam at may kindat pa.

'Tong dalawang to talaga. Pinabayaan ko na lang at nagpatuloy na lang ako sa pagsusulat.

"Siiiige..." Masayang sabi ni Miccs Napalingon ako.

"Ows...talaga" Nanlalaking mata ni Sam ng lingunin si Miccs

"Sandali..." Dinikit niya ang tip ng takip ng kanyang ballpen sa kanyang bibig wariy nag-iisip." Ayoko pala..."

"What...." Dehadong sabi ni Sam" Sige salamat na lang..." Nagtatampo ata.

"Pag-iisipan ko..." Nagbibigay pagasang sabi ni Miccs.

Nagliwanag muli ang mga mata ni Sam.

" Pwede pag-isipan ko hanggang bukas..." Panloloko ni Miccs.

"Eh bukas na yun eh... Miccs naman..." Nawalan na siguro ng pag-asa.

Pinabayaan ko na lang silang dalawa. Madalas namang ganyan yan. Pero mas madalas yung ganyanan nila na nauuwi sa suntukan, sapakan, tadyakan.........inlove-an. Ramdam ko naman itong si Sam na may feelings kay Miccs todo tago lang talaga. Hihintayin ko na lang ang kusa niyang paglabas sa zone niya.

"Haysss.." Buntong-hini- "Oy...
"Psst...tumigil na nga kayo. Mukhang kanina pa si sir oh..." Turo ko Kay Mr.Meior. Napatingin naman ang dalawa sa inginuso ko. Wow.... Tumigil sila sa kulitan at matiim na tumahimik habang nakasubsob sa armdesk ang mga mukha.

Nakaupo ngayon sa malambot na teacher's chair ang teacher na di mo aakalaing teacher....na istrikto. Wala na sigurong mas nakakatakot na teacher pa dito Kay Mr. Calm. Sa una aakalain mong masaya,natutuwa sa iyo pero sa oras na pagkatuwaan ka. Lalabas ang estudyanteng sira ang buong pagkatao.

SidekicksWhere stories live. Discover now