chAptEr_6(The Biginning Part ll- He Must be..)

2 1 0
                                    

ACE'S POV.

"Kuya ang galing!"

Puri ni Starr ng matapos sa isang iglap ay napatayo ko ang aso. Sino bang aso ang aayaw sa chocolate di ba?

"Ngayon. Starr lumakad ka." Utos ko rito habang nakaangat pa rin sa ere ang stick.

Unti-unti na nga akong lumalakad patalikod.

Kita naman ang pagkamangha sa mga mata ni Scarr.

Paunti-ng-paunti hindi ko namalayang nasa gitna na pala kami ng kalsada. Wala namang dumadaan. Nasanay na rin kami rito. Bata pa lang kasi, ito na ang nagsilbing playground naming magpipinsan.

"Kuya ang gaping mo!"

"Siyempre." Ngayon naman inalon ko sa kamay ang stick kasabay sa marahang pagtalon ng cute na aso. Nang gumaganda na ang plano ko. Inihagis ko sa malayo ang stick ng walang pagaalinlangang hinabol ito ng Dalmatian.

"Peeeeeeeeeeep!"

"Kuya so Starr!"

Biglang bumagal ang lahat. Mula sa malayo kita ko ang paparating na sasakyan, ang mabagal na pagtakbo ng aso para kunin ang patpat.

"Isstaaarrrr!" Sigaw ko habang binabalak sagipin ang aso sa ano mang pwedeng mangyari.

"Peeeeeeeeep!"

"Ace!"
                                ***

Masyadong mabilis ang pangyayari ng mapansing akap-akap na ako ni Tito.
Nang maalimpungatan.

"Starr!"

Dali-dali akong tumayo. Pero huli na. Kita ko sa gilid ang luhaang si Scarlet, ang jeep na bumubusina kanina. Marahan kong inilipat ang paningin sa nakahintong sasakyan at sa driver na nakahawak sa kanyang sintido.

SidekicksWhere stories live. Discover now