Chapter 19:Distance

39 2 1
                                    

Alez's POV
Ilang araw na akong hindi pumapasok sa school dahil dun sa nangyari nung nakaraan.
Sa ngayon palagi lang ako nandito sa bahay minsan lang ako bababa kapag nagugutom na ako.
Dahil sa pagkabagot ko ,palagi lang ako nandito sa kwarto kaya naisipan kung pumasok ngayong araw
Pagkadating ko doon sa AZ High nakuha ko agad ang atension nilang lahat tuloy parin ang lakad ko narinig ko parin yung nagbulungbulungan tungkol sa akin hindi ko nalang pinansin iyon dahil wala rin naman akong paki sa sinasabi nila alam kong puro kasinungalingan lang naman yun eh.
Pero natigilan ako ng makita si Daniel na may kausap na babae nakangiti pa siya at naisip ko na buti pa yung babaeng yun napapangiti siya samantalang ako hindi.Nakaramdam ako ng sakit sa iniisip ko iniwas ko yung tingin ko at lumihis ako ng daan ng sa ganoon ay hindi ko sila masalamuha.
Parang binambo yung dibdib dahil sa nakita hindi parin ako makamove on dahil doon kaya wala akong ganang makinig sa klase .Panay hikab ako habang nagdidiscuss si miss sa harap panay rin ang sulyap niya sa akin at hindi ko siya pinansin.
Ng dumating ang lunch break parang wala akong ganang bumaba pero nagugutom na rin ako walang emosyun naglakad ako sa pathway patungo sa Canteen .Diridiritso lang akong nag ako sa pag order ng pagkain kahit natanaw ko yung grupo ni Daniel sa pwesto nila .Marami ang nakatingin habang naglalakad ako para makahanap ng pwesto at agad naman akong may nakita yung table ni Haniel ba yon kaya dun nalang ako umupo nagpaalam  naman ako sa kanya agad naman siyang tumango habang tahimik kaming kumakain dalawa bigla may bumuhos na malamig na tubig sa akin at nakita ko naman yung babaeng kasama ni Daniel na nakatayo sa gilid ko habang hawak ang baso .Ininda ko yung lamig pero arang may nagsasabi sakin na patulan ang babaeng to.

"Yan ang bagay sayo masyado ka malandi kaya ayan nasa lahi talaga ninyo ang malandi pati nanay mon......."hindi ko siya pinatapos magsalita agad ko siya sinakal kaya nabitiwan niya yung baso kaya nabasag iyon sa lapag. Agad dumalo sa amin ang ibang estudyante  pero hindi ko pinansin at galit kong tinignan yung babae na nasasaktan na sa pagsasakal ko.
"Tigilan mo na yan sinasaktan mo na siya eh"pigil ni Daniel sa akin pero hindi ko siya pinansin bumaling uli ako sa babae
"Wag na wag mong dinadamay yung nanay ko sa galit mo sa akin bakit ba sobrang galit kayo sa akin eh wala naman akong ginawa sa isa sa inyo.Wala akong sinasagasaang tao at bukod dun pano kayo nagkaroon ng galit sa akin samantalang hindi ko naman kayo pinapansin bakit close ba tayo kung makapanghusga ka parang kakilala kita.Bago puputok yang butsi mo siguraduhin mo munang kilala mo ako hindi lang kung saan mo narinig yun rin ang ihuhusga mo sa akin dahil sa ginawa mo magkakaroon ako ng dahilan para mawalan ka ng karapatan na tumungtong sa paaralang ito."saka ko lang siya pinakawalan kaya hawakhawak ang leeg niya at lumayo sa akin nanatiling matalim ang tingin ko sa kanya.

"Ha at sino sino ka naman sa akala mo ha for your information your not the owner so don't talk as if your the owner!"maarteng singhal rin niya

"Yes Im not the owner but my father does!"hindi ko na pinigilan na aminin sa mga taong nandoon nung oras na yun.Kaya nagulat ang lahat ng marinig yun.

"Sinungaling!"hindi makapaniwalang singhal niya sa akin.

"As I said know me first before you judge me!"walang emusyung na sagot ko sa kanya at tumalikod na narinig ko pang suminghal silang lahat pero diridiritso lang akong naglakad na parang walang nangyari.

Pero natigilan ako ng may humigit sa akin papalabas ng Canteen papuntang gym

"Ano na naman ba yun ha matapos mo akong ireject hayss mang aaway ka na naman?"galit na tanong niya sa akin.

"Nakita mo naman yung nangyari diba siguro nakita mo may mata ka eh dalawa pa nga eh"pamimilosupo ko sa kanya habang nakatingin sa malayo.

"Nagtatanong ako ng maayos sagutin mo ko ng maayos!"galit na singhal niya

"Matapos eksena kanina ngayon naman ikaw na naman ano to hindi na ba matatapos yung mga ganitong eksena ng buhay ko?umalis ka na at wag muna akong lalapitan pa"galit rin baling ko sa kanya agad ko siyang tinalikuran at naglakad na patungo sa parking lot para makauwi na.
Siguro naman hindi na nila ako gagambalain  bukas.
Pagod na ako sa buhay ko hayys pero kaya ko kakayanin ko.

Pagod na pagod akong umuwi kahit nakasalubong ko si mommy pagpasok ko agad akong nagtungo sa kwarto ko para hindi na naman siya magbubunganga pero nung makita niya ako kanina parang nagulat siya dahil nakita niya sigurong umiiyak ako hindi niya ako binunggangaan at tahimik lang siya habang nasa hapag kami walang kahit sino ang nagsalita tanging tunog ng kubyertos yung naririnig ko.Hanggat sa oras na para matulog hindi parin siya umimik hindi ko rin siya nakitang umiyak o nagwala .Hanggat sa nakatulog ako  sa kakaisip ng nangyari sa buong araw ko.

Please vote guysss....

Paalala:Basahin niyo lang wag niyong ijudge .Hindi ko to sinulat para magpakitang gilas sa lahat sinulat ko to kasi gusto ko kung ayaw niyo sa story pwede rin pong hindi niyo ito basahin .Yun lang po salamat sa pag intindi💕👋 lovelots .Enjoy reading.

-Its_me_pangpang💋

P.s:sorry po sa grammar at sa mga mali na words eedit ko rin yan pagnatapos ko na to.salamat sa pagintindi.

Until You Came [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon