Chapter 22:Left Behind

34 3 0
                                    

Daniel's POV
Hindi ko maintindihan ang mga nangyayari ngayon parang kahapon lang ay nagkasiyahan kami ni Alezia samantalang isang taon na ang nagdaan last semester ko na to sa AZ High at magkacollege na ako kaya hindi ko mapigilang malapit na pala akong umalis dito sa paaralang pag aari niya.Hindi ako nakapagexplain sa kanya kung ano ang totoong nangyari basta nalang niya ako iniwan dito pero kahit paman anong gawin kong pagmomove on ay naaalala ko parin siya kahit anong gawin ko.Parang sa lahat ng bagay ay nakikita ko siya nung time na umalis siya parang gumuho yung mundo ko umalis siyang hindi man lang nalaman ang totoo pero hindi ko siya sinisisi dahil iniwan niya ako sinisi ko sarili ko dahil hindi ko man lang nasabi.
Simula nung nangyari yun hindi na ako palaging pumapasok nagmumukmuk nalang sa kwarto hindi rin makakain ng maayos at iiyak nalang bigla sila mommy hindi alam kung ano ang gagawin pag magwawala ako dahil sa katangahan na ginawa ko pati narin yung kapatid ko iyak lang ang gagawin pag nagwala ako kaya mas mabuting sa kwarto nalang ako mamamalagi para hindi ko na madadamay yung pamilya ko
Dumating nalang yung araw na sawa na akong magmukmuk kaya napagdesisyonan kung pumasok sa school para hindi na mag alala si mommy.

Pagpasok ko marami parin ang sisigaw ng pangalan ko kung noon ay masaya pa ako sa mga ginagawa nila ngayon sinisigawan ko na yung nagpapansin at lumalapit sa akin maliban sa mga barkada ko

"Oh bro buti na isipan mong pumasok ngayon okay kana ba?"
Ngiting tanong ni Jake isa sa barkada ko.

Tinanguhan ko lang siya at umopo na sa upuan ko.Nang biglang dumating si Janella at agad na pumulupot sa braso ko iniwas ko agad ito.Dahil isa siya sa dahilan kung bakit galit sa akin ngayon si Alezia.

Matapos nangyari yun ay hindi ko na alam kung saan na ngayon si Alezia kaya umaasa akong babalikan niya ako at hahayaang magpapaliwanag.Pero habang tumatagal ay napapagod akong maghintay dalawang taon na ako umasa.

"Dan are you with us?"tanong pa ni Janella habang nasa gilid ko kaya hindi ko siya sinagot at nakinig nalang sa prof namin hanggang sa matapos ang morning session kaya naisipan kong yayain yung barkada ko para sabay na kami kakain sa canteen pero hanggang sa makapasok kami sa canteen agad napabaling yung atensyon ng mga estudyante sa akin kaya yumuko lang ako at diridiritsong umupo dahil alam na ng kaibigan ko kung ano ang gusto ko ng biglabiglang sumulpot si Janella sa gilid ko at umupo pa siya kaya nakaramdam ako ng inis agad nagsimulang kumain ng ilapag na yung inorder ni Ronie para sa akin ng magsalita si Jake.

"Ano ba talaga ang pinag awayan niyo ni Alezia at ganon ang ipekto sa halos hindi kana kumakain at nagmumukmuk lang "nasa gitna kami ng pagkain ng biglang nagtanong si Ronie sa akin kaya napabaling ako sa kanya pero hindi ko siya pinansin.

"Si Alezia naman talaga ang may kasalanan  nito dahil iniwan niya si Dan.Right Dan?"maarteng sabi ni Janella

Kasi kung hindi ka nakialam hindi sana siya umalis ngayon nandito pa sana siya ngayon dito mismo!

Gusto kong sabhihin sa mukha niya yan pero nirespeto ko parin siya pero wag lang niyang ubusin pasensya ko malilintikan talaga siya

"Ang tanga rin naman kasi niya pareho talaga sila ng nanay niyang malandi patii....."natatawang kwento pa ni Janella

"Kung hindi mo ako pinakialaman hindi siya aalis kaya  wag kang magmalinis.Kung makatawag kang malandi yung nanay niya eh kayo kaya yung nang agaw paano nagiging malandi yun kung yung nauna pa ang inagawan niyo.Please lang bago pa ako mawalan ng respeto sayo umalis kana please."mahabang saad ko habang hindi parin sila nililingon.

"Totoo naman na ah nagjojoke lang ako tungkol doon tapos maniniwala siya oh tignan mo tan......"natatawa parin siya na nagkwento kaya nakaramdam Ako ng inis.

"Subukan mong magsalita ulit tungkol sa kanya and I'll break your neck without thinking."galit ko siyang sinakal at nagulat naman siya habang pinipigilan ako nila Jake.Kaya binitiwan ko na siya.

"S..sorry!"takot na sabi niya habang nakatungo umupo naman ako saka sinabihan siyang umalis.

"Umalis kana habang nakakapagtimpi pa ako"gigil na sabi ko habang nakatungo.

"Bro,bakit mo ginanon si Janella kaibigan mo yun!"singhal ni Jake kaya napalingun ako sa kanya at tinignan ng masama

"Pwes hindi ko na kaibigan yun may kaibigan bang sumisira at nangingialam ng kasiyahan ko hasabihin mo ng mapatay ko na."walang ganang sagot ko.agad akong tumayo at hindi ininda ang tingin ng iba sa akin habang diridiritso lang yung lakad ko palabas umuwi agad ako nun pagkatapos dahil nawalan ako ng gana na pumasok pa kaya pag uwi nadatnan ko si Mommy sa kusina pero ningitian ko lang siya at tumango nalang siya bilang sagot alam Kong naintindihan ako ni mommy kaya pumasok ako sa kwarto at nagmukmuk sinubukan kung matulog pero hindi ko talaga mapigilan na maisip siya.

Nang dumating ang gabi ay hindi na ako bumaba dahil wala akong gana at doon naman ako nakaramdam ng antok kaya natulog nalang ako.

.......................................................
Nagising ako sa ingay ng alarm clock ko kaya kinuha ko ito at binato kung saan at staka natulog muli.Nagising na naman ako ng magtatanghali na kaya nakaramdam ako ng gutom bumaba ako at naabutan ko si Mommy sa sala na may pinapanoon kaya dumiristo nalang ako sa kusina at naghanap ng pagkain sakto naman at may pagkain na doon.

Nang mapansin ako ni mommy ay tumabi ako sa kanya habang siya naman ay nagpapatuloy sa panonood ng biglang

"Ahh anak malapit na pala graduation mo ano ang susuotin mo?"

"Kahit ano nalang mom "

"Bibili ka pa ba?sasamahan na kita!"

"Ahhh okay na po ako dito may mga damit naman po ako kaya di na kailangan graduation lang naman yon eh"

"Ah sige anak sabihin mo lang ha kung may kailangan ka!"

"Opo mom"

"At staka wag mo na akong pinagpapaalala ha"

Tumango nalang ako at bumalik sa kusina para mahugasan yung ginamit ko kanina dumiritso ako sa pool area para makapag isip.

.......................................................
Dumating ang araw na graduation day na namin kaya tudo handa si mommy sinubukan kung maging masaya pero may sa loob ko parin na nalulungkot dahil last day ko na sa AZ High.Pagkadating namin sa school ay marami ng tao nakasalubong ko pa nga sila Jake at Ronie nag apper agad kami at pinaupo ko na si mom sa upuan na nakalaan para sa kanila habang pumwesto naman ako sa upuan ko hanggang sa isa isa ng tinawag yung school personel kaya nagpalakpakan ang lahat ng matapos yun ay nagsalita na ang emce.

"Goodmorning everyone goodday to all of you from the graduates to their parents that before we begin let me introduce to all of the Owner of this school . Lets all welcome Ms.Alezia Zhyra Brewelgen."malakas na sigaw ng emce kaya hindi ko na maintindihan lumakas yung tibok ng puso ko habang natanaw ko na siyang nag lakad sa red carpet na nakangiti samantalang ako wasak parin.

Siya nga!

Please vote guysss....

Paalala:Basahin niyo lang wag niyong ijudge .Hindi ko to sinulat para magpakitang gilas sa lahat sinulat ko to kasi gusto ko kung ayaw niyo sa story pwede rin pong hindi niyo ito basahin .Yun lang po salamat sa pag intindi💕👋 lovelots .Enjoy reading.

-Its_me_pangpang💋

P.s:sorry po sa grammar at sa mga mali na words eedit ko rin yan pagnatapos ko na to.salamat sa pagintindi.

Until You Came [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon