Hope you like this story guys!! Follow me also.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Pat's POV
Nakabihis na kaming lahat at si kuya nalang ang hinihintay. Well, I'm a bit nervous and excited.
I hope bilis-bilisan na ni kuya ang pag papagwapo dahil parang nalalate na kami.
Pagbaba ni kuya ay agad-agad akong sumakay sa sasakyan ni Daddy Tim. Napatawa naman si mom at dad sa mga inasal ko.
Alam na nila kase na may gusto ako kay Jeremy. Pinaandar na ni papa ang makina ng sasakyan at mabilis na pina takbo.
Agad-agad naman kaming naka dating sa bahay nila Jeremy. Pagkapasok ko palang ay dumaloy na agad ang matinding kaba ko.
"Sa'n po sila?" tanong ni mommy sa isang katulong. Agad naman niyang itinuro ang Garden kung saan sila nag paparty.
"Salamat po." sabay ngisi ni mommy sa katulong, tumango lamang ito at umalis na. Naisip ko munang mag banyo bago papasok sa Garden.
Pag pasok ko sa banyo ay may narinig akong kakaibang boses, parang galing sa basement.
Nag hugas lang ako ng kamay at lumabas na. Nakita ko ring bukas din ang pinto sa basement.
Nakakakilabot. Pumunta kaagad ako sa Garden at walang sabi-sabing sinalubong ako ni Jimmy. He kissed me on the cheek and hugged me.
"Happy birthday, Jimmy!" sabay yakap kay Jimmy. "Halika may ibibigay ako sa'yo." hinawakan ko ang kamay ni Jimmy at pumunta sa table nila ni mommy.
Naaninag ko kaagad ang mukha ni Jeremy. Gwapo talaga niya!
Kaagad kong kinuha ang regalo ko kay Jimmy at binigay ko agad sa kanya. Binuksan niya kaagad iyon at dinala sa loob ng kanilang bahay.
Bumaling kaagad ang atensiyon ko sa ina ni Jeremy at kay Jeremy.
"Hi po, Tita!" sabay beso kay Tita Jenny. "Ang ganda mo iha!" sabay tawa ni Tita. When I looked on Jeremy, He's already smiling at me.
Niyakap niya kaagad ako. Wow!! sobra na Lord! Thank you po! Teka tumitibok pa ba yung puso ko?!
"Hi!" yan nalang yung nasabi ko sa kanya. "Grabe! for so many years Pat! Ganda muna! Long time no see!!" sigaw niya.
"Uyy! Bro! Long time no inom na!!" sigaw naman ni kuya. Bumaling kaagad ang atensiyon ni Jeremy kay kuya.
Nag fistbomb lang sila at iniwan na nila ako. Panira talaga si kuya ng moment!! Natigilan nalang ako sa pag mumuni-muni nang nakita ko si May.
"May? hindi naman siya invited ah!" sinundan ko siya at natigilang nakita kung naka kapit siya sa kamay ni Jeremy.
I was so curious at that moment, so natulala lang ako. Sila na ba? hindi ko maiwasang maisip.
Walang-wala ako pa rin ako sa sarili kaya umupo nalang ako. Nilingon ko sila kuya at Jeremy na nag uusap sa table namin.
Masayang-masaya sila kaya tumayo muna ako at pumunta sa table na puno ng mga pagkain.
Nakita ko namang may kausap si May, pagkatapos nun ay pumunta siya sa akin.
"Hi Pat! san si Fe? bakit wala siya?" tanong niya. "H-Ha? Ahh papunta pa kasi siya dito medyo traffic daw kasi!" sabay tawa.
Hindi ko maiwasang maisip na sila na ni Jeremy kaya tinanong kona siya, tutal kaibigan ko naman siya.
"uhm..Sinong nag invite sayo?" tanong ko. "Si Jeremy." direktang sagot niya. "Ahh! haha! Kayo na ba?" tanong ko ulit.
"Hindi noh! tska diba crush mo siya?" patawa niyang sagot. I'm so relieved with that answer! Salamat talaga Jesus Christ!
Dumating na si Fe kaya sinabi ko sa kanya ang lahat nang mga nangyare. Pumasok kaagad kami sa bahay at nang maka start na yung program.
Nag karoon ng mga games, halos kami yung pinapalaro kaya yung ending kainan na. Kitang-kita naman kasi sa mga bata na gutom na sila, pati narin ako.
Nang maka kuha na ako ng pagkain ay umupo kaagad ako sa table namin.
Napansin kung may tumabi saakin, hindi ko iyon pinansin kasi gutom na gutom na talaga ako.
"Ang takaw mo ngayon ah!" sabay tawa saakin. Hmmp! Si Jeremy lang pala! Teka! Si Jeremyyy!!!!
Nilingon ko si Jeremy at parang namumula na ang pingi ko sa kahihiyan. "Cute mo." sabay ngiti ni Jeremy sa akin. Wahhh! pinag papawisan na ako!
"Tigilan mo na nga yang kakatitig mo! Kumakain ako!" nakita ko namang tumatawa pa rin si Jeremy sa akin kaya pinaikot ko nalang ang mga mata ko.
Pagkatapos naming kumain ay pumasok kami ni Fe para manood ng movie. "Gwapo ng kuya mo Pat!" bungis-ngis na sabi ni Fe.
"Crush mo noh?" tanong ko. "Oo!" kinikilig niyang sagot saakin.
"Saan nga pala sila?" tanong ko. "Andun sa labas nag iinoman!" sagot niya habang nag o-operate ng TV.
Lumabas muna ako para silipin sila ni kuya. Paglabas ko ng garden ay rinig na rinig ko na ang mga tawanan nila.
"Ikaw Jeremy? Sino crush mo?" tanong naman ni kuya Fred. Nakinig talaga ako sa isasagot ni Jeremy.
"Hindi ko sasabihin sa inyo nohh!!" sabay halak-hak. "But I have one." sabay ngiti nang napaka sweet.
Natulala kaagad ako.
He had One. And who is that One?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
End of chapter three....
Sana magustohan niyo Guys!!
Vote for it Guys!
#Wagonians
BINABASA MO ANG
Bumped into You. (EDITING)
RomanceIlang taon na ang nakalipas pero mahal ko parin siya. Ewan ko bah! baka nga may mahal na siyang iba. Pero mahal ko yung tao eh!...Pero pano kung may 'dadating'?Mamahalin ko parin ba siya? o pipili na lang ng 'iba'. Ako nga pala si Patrisha Mae Tolen...