Chapter Eight- Kind.

14 2 5
                                    

Pat's POV

Iba talaga pag lalake ano? Daming mga pabangong fit sa kanila. Isang amoy mo lang pupunta ka nang heaven.

Sakit sa ilong yong pabango niya, siguro mamahalin iyan. Pagbukas ko sa aking mga mata ay nakita ko kaagad yung maganda niyang mga ngiti. He sent me to heaven you know that!

Hindi pa rin ako tumatayo sa kinauupuan ko. Hanggang sa nag salita na siya. "Patrisha right? Uhmm gising ka na dahil nandito na si Mr.Mendez."sabay ngiti.

Kumurap-kurap lamang ako at wala sa sariling tumayo kaagad. Nang bumati na kami tumingin ako kay Shiro. Nung tumingin rin siya ay ngumiti ako.  Then he smiled back.

He's quite kind naman eh. Akala ko kasi mayabang siya, hindi naman pala. Mali-mali lang pala ang aking mga hula.

Halos lahat sa amin hindi nakinig kay Sir. Pati na rin ako na kanina pa naka tunganga sa wala. Umabot nga ang tawanan nila ni Jane at ni Stephanie sa likod eh, pano nalang kaya sila ni Shiro na kanina parin tawa ng tawa.

Ibang klase rin itong si Shiro eh, first day na first day rami na nang kaibigan. Pati vice mayor na ka-team mate ni Jeremy kaibigan na rin niya. 

"Hoy! narinig mo ba ang sinabi ni Sir?" napatalon na lamang ako sa gulat nang umupo si Stephanie sa desk ko. Saya ata neto!

"Bat kaba nang gugulat! naman oh! yan tuloy hindi na ako inaantok." Ani ko.

 "Aba dapat nga hindi ka inaantok ngayon dahil pupunta tayong gym at pagkatapos try outs. Eto naman kasi tulog lang ng tulog." Aniya sabay sapak sa noo.

"Bat ang agang pupunta sa gym?" tanong ko. Hay nako! hindi pa naman ako masyadong ready. "Syempre mag memeeting duhh!" sabay lakad palayo.

Maya-maya...

Pag pasok namin sa gym ay medyo marami-rami na ring mga estudyante. Nandoon na ang mga begginers.

Nang inilibot ko ang aking mga mata ay nasagip ko si Jeremy na nag kwe-kwentohan sa barkada niya. My heart skip a beat, ganito talaga ang feeling pag inlove ka.

I smiled in his cuteness. Yung pagkatao lang niya talaga ang mag papatibok ng puso ko. Grabe.

Lumakad na kami papunta sa mga bench. Kasama ko sina Fe at Stephanie na kanina pa chika ng chika.

"Fe sure ka bang sasama ka sa amin?" tanong ko. "Oo bakit?" Aniya."Eh diba may meeting kayo sa library ngayon?"sabay upo.

"Ahh yun bah..mamaya pa yun. Tska hindi naman ako sasali sa sports noh...si..si Vincent lang naman ang sadya ko rito." Halos mabalot na ang mukha ni Fe sa ka-kablush.

Ito talagang si Fe, si kuya lang ang pirmamenteng na sa utak.tssk.

"Hayy nko Fe hindi ka nun papansinin! Kaya give up kana!" Pabirong sabi ni Stephanie. Sinapak naman siya ni Fe kaya ayun nag sapakan ang dalawa.

"Tapos na ba kayong mag sapakan diyan?!" Galit kung tanong. Huminto naman sila at nag tawanan. "Mga baliw nga naman." Walang gana kung sabi.

Nang dumating na ang club moderator sa Sports Club ay tumahimik na ang lahat.

She stand in front of everyone. Mga begginers lang ang narito ngayon kaya medyo tahimik kami dahil baka mapa galitan kami.

Napanganga naman kaming lahat nang makita namin ang kanyang pagkatao sa harapan.

She was so sexy, yung tipong pang sports body talaga. She so many curves. Tska maganda, yung tipong hindi naiistress at nag kakaroon ng wrinkles.

Bumalik lang ako sa realidad ng mag simula siyang mag salita.

"Good afternoon everyone! My name is Ms.Sabrina Trinidad, your club moderator in Sports. So are you all ready for the try outs?!" Sigaw niya.

Sumigaw naman kaming lahat ng "YES!". Ganda kaya ng club moderator, kaya sino pa ba ang hindi mag che-cheer niyan.

Ngumiti lamang siya at nag patuloy sa pag sasalita tungkol sa rules and regulations.

Nang matapos na siya ay tinawag niya ang mga basketball player. Tiningnan ko naman si Jeremy na naka ngisi lamang kay Ms. Sabrina.

Nag pakilala lamang sila at bumalik na sa pwesto nila. Nag pakilala rin ang mga players sa soccer, volleyball, badminton and etc. Karamihan sa kanila mga old players na.

Ito namang si Fe cheer ng cheer kay kuya. Hanggang sa natapos na ang meeting. Mabilis namang lumabas si Fe sa gym, baka daw ma-late siya eh kaya umalis na.

Pupunta na kaming field ni Stephanie. Medyo may kaba pero karamihan excitement. Nag bihis lang kami ni Stephanie at kaboosh labas na sa cr.

"You look gorgeous in that sports outfit, Pat!!" Aniya. "Ikaw din kaya!" Tumawa lang kami at sumugod na sa soccer field.

Okay! the try outs begins!!!

To be continued....

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
I'm so sorry for making you all wait. Grounded po kasi ako cause of using phone and laptop late at night.

Hope you like it! Sorry for the late updates. >3

Bumped into You. (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon