Pat's POV
Umiyak lang ako ng umiyak sa napaka musculadong katawan ni Shiro. Napaka musculado talaga ng katawan nitong mamang na ito.
Iyak lang ako ng iyak kahit wala nang lumalabas na luha!
Bakit ba kasi umiiyak ka? Dapat nga e masanay ka na! Kasi palagi ka naman niyang sinasaktan! Sabi nong kabilang utak ko.
Oo nga noh! I should endured all the pain that will came on me. Alam kung palagi niya akong sinasaktan ngunit hindi ko parin maiwasan ang maiyak.
Nagulat ako nang may nilahad si Shiro sa akin. Kinuha ko ito galing sa kanyang kamay. "Wipe your tears. Pasok na tayo baka hindi mo na makikita si Jeremy na nakaka 3 points shot." Aniya
Pinahid ko ang kanyang panyo sa aking mga namumugtong mata. "Salamat."
Pagpasok namin ay hindi parin natatapos ang laro. Lamang ang Maryland University, salamat naman.
Dami ko yatang na miss na shots.Nang ipinasa ni Joseph ang bola kay kuya ay agad kung narinig ang mabonggang sigaw ni Fe. Ewan ko ba kung anong nangyari sa dalawang yan.
Para kasing may meron sa kanila. "Go Vince!, Go Vince!, Go Go Go!!!" Sigaw niya na siyang nag palingon kay kuya. Ngumiti si kuya ng napakatamis at kumaway sa kanya.
Nabigla naman ako sa inakto ng aking kuya. Hmm, somethings fishy...
Nang matapos na ang laro nina kuya ay nag siuwian na ang mga tao. Oo panalo sila at hindi ko mapigilang i-congratulate si Jeremy.
Ala sais na ng gabi at kailangan ko pang mag congratulate kay Jeremy. Ng palakad na ako ay may biglang tumawag sa akin. "Pat! Patrisha!" Sigaw into.
Lumingon ako sa taong tumawag sa akin at nakita kung humi hingal-hingal siya. Si Shiro na ngayon ay pawisan na.
"Oh, bakit Shiro?" Umayos siya sa kanyang pag kakatayo at nag simulang mag salita.
"Uhmm..sabi kasi nang kuya mo hindi siya makaka hatid sayo dahil may emergency daw siyang pupuntahan, at..kung pwede lamang ay...sana mahadtid kita..bilang kaibigan." Aniya.
"Uhmm okay pero I can drive naman e, so okay lang sa akin na di muna ako ihahatid." Madaling napawi ang mga ngiti niya. Medyo nalungkot na rin.
Alam kong gusto niya akong ihatid para na rin maka siguro na ligtas na talaga ako at alam ko naman talaga iyon.
At gusto ko naman ding ako ang magda-drive kasi I feel free pero itong nakikita ko sa mukha ni Shiro ay parang bumibigat ang puso ko.
Hindi ko kayang makita siyang hindi masaya, alam kong bago ko palang siyang kaibigan, at masaya rin siyang nakaibigan ako.
Wala na akong nagawa kundi ang um-oo nalang sa kanya dahil pwede naman akong mag drive everyday at tska minsan nalang din akong nahahatid ng mga kaibigan ko.
"O sige na nga, ihatid muna ako." Biglang kumislap ang kanyang mga mata sa mga narinig niya.
"Really?" Tanong niyang nakangisi.
"Oo nga sabi e. Paulit-ulit. Tara na nga, wala na sila ni Jeremy. Gusto ko pa namang mag congratulate sa pagkapanalo nila" Ani kong medyo nalungkot.
Tahimik lamang siyang naka sunod sa akin papuntang parking lot. Gagamitin namin ngayon ang sasakyan ko kaya sa pag kakasiguro ko ay maiiwan ang kanyang sasakyan.
I gave him the key and he started to turn on the car. Nang umandar na ang aking sasakyan ay muli niya akong tiningnan at sa pagaakala kong titingnan niya lang ako ay hindi naman pala.
He leaned on me and I can now smell his sweet and minty scent. Parang nalalasing ako sa amoy niya. E kasi naman eh ang sakit sa ilong.
Nang huminto siya ay magka pantay na ang aming mga mukha. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya sa akin. Hindi ko maiwasang isipin na baka rapist ito at sinadya niyang kidnapin ako.
Help. Sheytt! Baka hahalikan niya na akoooo!! Takte! Virgin panaman ako!
Pipikit na sana ako nang bigla siyang humalakhak. Binuksan ko ang aking mga mata at laking gulat ko ng seatbelt lang pala ang hahablutin niya.
Ewww. Nakakahiya. Pulang pula na siguro ako ngayon. Shit! Hindi na siguro ako makaka practice bukas baka pagtawanan niya lamang ako.
Hmppp! Inirapan ko lamang siya.
"I'm sorry, hindi ko sinasadyang yon ang iniisip mong gagawin ko. I'm so sorry, I just can't reach it." Napawi kaagad ang galit ko ng mag sorry siya.
Dapat kasi niyan ako ang mag so-sorry, hindi siya.
"Sorry din" Tumingin siya sa akin at kinindatan niya lamang ako. Ngumiti na lamang ako. Hindi na ako nag react pa.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hi guys! I'm so sorry kasi late na late na po akong naka update. I have some problems po kasi kaya matagal-tagal akong naka update.
Hope you like it guys!!!!
BINABASA MO ANG
Bumped into You. (EDITING)
RomanceIlang taon na ang nakalipas pero mahal ko parin siya. Ewan ko bah! baka nga may mahal na siyang iba. Pero mahal ko yung tao eh!...Pero pano kung may 'dadating'?Mamahalin ko parin ba siya? o pipili na lang ng 'iba'. Ako nga pala si Patrisha Mae Tolen...