First time ko pong ibahagi ang aking naranasan. Sisimulan ko na po. Isang gabi sa aking pag tulog ay parang nanigas ang aking katawan at di ako makagalaw na tila ba may nakahawak saaking kamay at paa. May isa ring pigura akong nakita. Walang muka at tanging itim lang na parang anino. Hinaplos nito ang aking buhok. At hinalikan ang aking pisnge at balikat. Nais ko mang itulak ito ay di ko magawa. Maging pagsigaw ay di ko rin magawa dahil tila ayaw bumuka ng aking mga labi. Pinilit kong gumalaw ngunit di ko magawa hanggang sa tuluyan ko ng nagalaw ang aking daliri sa paa. Napabangon ako agad nun at hinabol ang aking pag hinga. Pinunasan ko rin ang luha sa aking pisnge. Di na rin ako nakatulog ng gabing iyon dahil sa takot na maulit ang napanaginipan. Sinabi ko iyon kay mama pero sinabi nitong panaginip lang ang lahat. Nalungkot ako dahil sa di niya paniniwala saakin. Nag lakas loob akong ikinuwento ang aking naranasan saakin mga kaibigan. Nagulat ako ng malaman na maging silang tatlo ay nakakaranas din ng sinabing bangungot. Nag research kami tungkol sa mga nangyayari saamin at nalaman ang salitang "Incubus" na nangangahulugang "nightmare". Nagulat din kami ng malaman na ang incubus ay isang demonyo na nakikipagtalik gamit ang panaginip or should I say nakikipag sex gamit ang iyong panaginip. Mga november na ng maranasan ko nanaman ang kinakatakot ko. Dinalaw nanaman ako ng Incubus at sa pag kakataong ito ay napaka wild na nito. Hinalikan ako nito habang hinahaplos ang balat. Napapaiyak nalang ako sa nangyari dahil katulad ng una kong karanasan ay di ako makagalaw na napag alaman kong tinatawag na " sleep paralysis". Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil bago niya pa man ako magalaw ay ginising ako ni mama dahil umiiyak daw ako habang natutulog. Pero nalungkot ako ng malaman ang mga kaibigan ko ay nagalaw na talaga ng demonyong incubus na yun. Sobra na lamang ang galit ko ng mapag alaman iyon. Nag hanap kami ng paraan kung paano matatapos ang mga nangyayari saamin pero wala ih. Wala kaming mahanap na sagot. Lumipas ang dalawang linggo ng managinip ako. Dinalaw nanaman niya ako sa ikatlong pagkakataon. Pero tulad ng una ay pahaplos haplos lang ito. Ngayon alam ko na sa sarili ko na may susunod pang dadalawin niya kaming mag kakaibigan. Di pa rin nawawala ang takot sa puso ko. Di ko masabi sa iba dahil natatakot akong sabihin nilang nababaliw na ako. Tanging kaming apat na mag kakaibigan ang saligan namin ng lakas. Kaya kung meron po kayong alam kung paano namin ito maiiwasan o paano namin ito mapapatigil ay nag mamakaawa po akong sabihin niyo saamin. Parati narin po kasi ang mababaw na aking pag tulog. Sa bawat pag pikit ng aking mga mata at may takot na saakin na baka mangyari ulit at magpaparamdam ulit siya.