This happened when I was in 3rd year college, 2014. For me, it was a typical day and my daily routine is pagkagising mag reready for duty as part of our ojt na din. But one day, gumising ako ng 2:30am kase 5:00am duty ko. Patapos nako magkape ng biglang pumasok sa cr ate ko, so nag hintay ako pero after 20mins hindi padin sya lumalabas so medyo sumigaw nako sabe ko malalate nako biglang sumigaw ate ko galing sa kwarto sabi nya wala naman daw sya sa cr. Pagbukas ko ng pinto tumayo balahibo ko kase wala ngang tao. So sabi ko sa sarili ko baka namalikmata lang ako kase nga kakagising ko lang.
Akala ko last na yun. Pagdating ko sa hospital syempre madilim pa nagulat ako kase nakasalubong ko yung tatay at kapatid ng tropa kong si James(not his real name), I smiled at them pero parang hindi nila ko nakita. Out of curiosity tinawagan ko si James, sabi nya imposible daw yun kase katabi nya matulog tatay at kapatid nya. I told him na naka white na sando tatay nya at naka blue na shirt kapatid nya and bigla syang napamura! Pano ko daw nalaman suot nila. That time narealized ko na may mali nga.
Last subject na namin so sa 6th floor ng hospital yung room namin. Since medyo maaga pa naman kaya nakatambay kami sa corridor. Nakita ko na pumasok na yung prof namin kaya niyaya ko na mga classmates ko. Natatawa sila kase wala naman daw silang nakitang pumasok. Ayun nag bida-bida ako pumasok ako sa room wala ngang tao. Tapos nung lalabas nako hindi ko mabuksan yung pinto so medyo nagpanic nako at naglapitan na yung mga classmates ko at nagtaka sila pano ko nakapasok e naka lock yun tapos nasa prof ko yung susi. Dumating agad yung utility kaya nakalabas ako. Hindi ko na kinuwento sa mga classmates ko nangyari para hindi sila matakot.