Nagsstay kasi ako sa pinsan kong babae na may family na, sila sa kwarto sila natutulog magkakasama tapos ako mag isa sa sala. May alaga din silang aso name brownie then yung pinaka dining area nila is sa labas ganun din lababo and their cr. Pag natutulog ako di sinasara pinto sa sala nag iingay kasi si brownie kaya di sinasara. Malaki yung pinakalabas kasi doon na din terrece e tas may gate Hahaha okay then yun nga naengganyo ako manood mag isa ng conjuring part two kaso 10 pm pa sa HBO kaya kineri ko naman mag wait. When i'm watching medyo tapang tapang ako but my inner me takot na. Hinamon ko ba naman sarili ko na manood mag isa tas tulog na sila ate ako na lang gising edi sigaw sigaw ako with matching takip ng unan hahahaha tapos edi medyo okay na ulit nood pa din kahit 11 na ng gabi. Natapos ko din sya mga besh pero nung pinakalast binasa ko doon ako kinalibutan grabeeeeeee katakot e based on the true story daw shemay edi nag pray muna ako bago sleep. So ito na nga yung first time na nangyari saken nakatalukbong ako ng kumot nagising ako na may mabigat sa kaliwang parte ng leeg ko edi umayos ako hinawakan ko baka ano lang tapos doon na nga yung creepy! may nahawakan akong kamay kaya pala mabigat sabi ko sa sarili ko pero napasigaw ako ng malakas kasi ako lang naman mag isa sa sala grabee mga besh solid nung nahawakan ko sya e tas naihagis ko sa sobrang takot. Saka madali akong binuksan yung ilaw at tinignan wall clock sa taas ng pader pasado alas tres at hinanap ko kung nasaan yung hinagis ko kaso wala talaga ni hindi ko nga narinig tumunog nung bumagsak sa sahig pero itong si brownie di man lang tumahol grabeee kaba ko nun e. Sabay sinara ko na pinto at nag pray ulit bago matulog. Ano kaya ibig sabihin nun? di kasi ako naniniwala sa multo pero nung nangyari saken yun saka ako naniwala na.