RED EYE

4 0 0
                                    

September 14, 2018.

Alas dos ng madaling araw na pasado ng makatulog kaming magkakapatid, habang ang bunso naming kapatid na si hayley (not her real name) binabantayan ni mama dahil may lagnat.
Ff. 3:33am tandang tanda ko yung oras dahil takot na ko nung mga oras nayan, matatakutin akong tao pero mahilig ako sa horror movies o ano mang nakakatakot skl. Back to story, nananaginip nako ng biglang may kumakanta yung para bang nilalaro siya yung tono lang wala syang binibigkas na words. (basta ganun hahaha) edi nagising ako tinignan ko kapatid ko tas si mama tulog na pag ka tingin ko sa kapatid ko tumigil siya sa pag kanta tapos nag kunwaring tulog. 2 beses nya sigurong inulit pero hinahayaan ko lang baka kase nagpapaantok lang siya.

September 15, 2018 / 6:00am pasado nagising kami ng kapatid kong panganay tyaka ni papa kase ayaw uminom ng tubig ni hayley para bang nasasamid siya pag natitikman niya yung tubig e wala namang halo kundi tubig lang talaga. bumaba si papa kase parang iba na daw yung nangyayare. binuhat ni papa si hayley kase naka straight lang yung katawan niya habang buhat siya ni papa hanggang sa pagtayo. ayaw tumingin samin hayley nung mga raw na yun tas nakangiti lang sabi ni papa "hayley tingin ka kay papa dali." ayaw nya nakangiti lang talaga sya tapos straight parin yung katawan nya. dun na nagsimula magtatawag na sana si papa ng mangtatawas, pero sabi ng mami ko (lola) na siya nalang daw ang magdadasal kase si mami napaka kapit kay lord kaya sinimulan naming dasalin ang "hail mary" habang nagdadasal kami nilagay ni mami yung panyo ng el shaddai sa likod ni hayley tapos bigla nalang narinig ko nanaman yung kinanta nya nung 3:33am ng madaling araw paulit ulit niyang kantahin yun sabay ngingiti. sumasabay sya sa dasal naming palakas ng palakas kasabay ng kanta nya kinikilabutan nako sa takot dahil nagdadasal kami tapos si hayley kumakanta tas tatawa ng malakas. tinatanong ni mami kung anong pangalan niya pero tawa lang siya ng tawa. mga 5 beses namin inulit yung dasal at may pinabasa si mami sa panyo ng el shaddai dun tumigil si keisha sa pag tawa at pag kanta dun din sinimulang ituro samin ni hayley yung nakikita niya buhat siya ni papa ng bigla siyang nagsalita "Papa, inaaway ako nun oh yung may red na mata." sabay turo sa labas. nag wala si papa nun sabi niyang "umalis kayo dito, demonyo ka wag ang anak ko." at dun kinausap ni mama si hayley kung anong ginagawa sa kanya sabi ni hayley "sing daw kami ng malakas tas nagagalit siya sakin." at yun simula nun di na siya natutulog ng walang holy water at bible sa ulo tas may walis ting ting na rin sa pinto namin lagi.

Spooky StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon