Nangyari po ito sa province namin sa masbate 10 years na po ang nakalipas pero pag naaalala ko talaga ang pang yayaring yun di ko maiwasang di kinikilabutan.. Ayan po. Elementarya po kami nun grade 4 kami ng kapatid ko nun sabay kami nag aral nun then yung pinsan ko nun mga grade 6 na so ang edad namin nun nasa 11 to 13 above.. ang lugar po namin ay hindi po ito typically malapit sa pinakalungsod at hindi pa talaga nauuso ang transportation nun mga early 2008 yun naganap.. ayan bago pa makarating sa pinaka baryo ng lugar kailangan talagang maglakbay kasama ng sariling sikap mga 1h to 30m din sobra pa.. ang nakakatakot nga lang sa lugar na yun ang isang tulay dun na madadaanan mo talaga pag pumunta dun bali dalawa ang tulay pero yung isang tulay na yun talaga medyo hindi mo talaga feel daanan kung di naman kailangan. So ayun no choice naman kami kaya ayun araw araw kaming tumatawid sa tulay na yun. Pero abandunadong tulay na yun ei. Yan medyo creepy talaga daanan kasi yung feeling mo may nakatingin sayo sa bawat gilid mo pero tahimik naman yung lugar. So ayun sa probinsya kasi whole day talaga ang pasok umaga at hapon.. Makakauwi na kami ng 3 ng hapon then mag lalakad pa tatlo kami nun ako at ang girl kung kapatid at pinsan. Ayun mga bata di talaga maiwasan ang mga tawanan sa daan. Wala pa namang nagaganap sa oras na yun, pero ng pag dating na namin dun sa puno ng mangga malapit sa nakakatakot na tulay dun na nag simula ang di naman inaasahan iwan ko ba dun sa mangga na yun sa sobrang laki nya mga 5-7 person ang pweding yumakap sa kanya. Sabi nila 50 years na yun kaya kung pag mamasdan mo sya nakakatakot sya kasi Dun mismo talaga ka daan sa pinakapuno nya , sa laki pa naman ng mangga yung mga sanga nya natatabunan na pati ang paligid so pag nadaan ka sa mangga papasok ka dun sa pinakapuno walang choice kahit na madilim wala talaga.. so hanggang sa pag labas sa mangga na yun ayos pa naman pero ng pag dating namin sa tulay ng ihakbang na namin ang mga paa namin sa tulay may narinig kaming may kumakanta nun ayun wala lang sa amin kasi baka may nagawi ding tao dun di na namin pinansin pa. Pero sa kalagitnaan ng tulay na nilalakaran namin andun parin yung kumakanta yung parang nag papatulog ng bata pero yung feeling nyo ang lalim ng boses nya at nakakatakot pakinggan ng kinakanta nya, sa oras na yun kinabahan na talaga ako di ko lang pinahalata sa mga kasama ko .sabi ko pa nga baka yung kapit bahay lang namin yun sa curiosity namin sinilip namin yung ilog na medyo paliko kasi sya. Para makita mo yung dadaluyan ng tubig kailangan mong sumilip ayun sa pag silip namin laking gulat namin bakit may nakalutang ng puting damit dun as in puting puti sya yung pang bride diba may mahaba dun pano napunta dun. Di namin nakita kung sino yun, kasabay pa ang boses ng babaeng patuloy na kumakanta tapos unti unting lumalakas yung pakiramdam mo malapit sa tenga mo, yun di na namin nakayanan nag panic na kami ayun nag iyakan na kami di na namin alam ang gagawin namin nun. Di na namin alam kung paano kami nakakilos nun at nag uunahang tumakbo sa palayo sa tulay na yun.. kahit na nadadapa na sa buhangin ayun takbo parin. Di na kasi pambihira ang boses ei tumatawa na kasi sya na nakakatakot.. ayun nawala na kami sa sarili namin nun... iyak kami ng iyak nun nanlalamig narin.. pero alam nyo ba yung mas nakakatakot bumalik pa talaga kami sa tulay para kunin yung tsenelas ng kapatid kung naiwan ayun pag katapos takbo na naman sumusunod kasi yung boses ang lakas pa.. ayun papalayo na kami ng mga kasama ko sa tulay ayun nawawala na rin yung boses ng babae.. nagkatinginan kaming tatlong naiiyak pero Mayamaya sabay sabay kaming tumawa pano ba naman yung buhok at mukha namin pati ang suot namin punong puno ng buhangin.. isabay mo pa ang mga buhok ng kasama mong parang narape.. ayun nakauwi kami sa bahay namin nag uunahang mag sumbong sa pamilya namin.. ayun naniwala naman sila sabi ng lola ko napagkatuwaan daw kaming tatlo ng engkanto dun sa tulay, di lang sila isa marami pa daw. Parang may nag cecelebrate daw kasi sila.. yung pamilya ko kasi nakakita sila ng hindi nakikita ng nakakarami.. Minsan nga daw ang ingay daw ng ilog samin akala daw may nag swiswimming ang pero wala namang tao.. .. yun lang po ang totoong nangyare sa amin
Salamat sa nag babasa
Sa naniniwala at hindi salamat dinP.s. pagkatapos ng nangyaring yun nag kasakit yung nakakabatang pinsan namin pero after 2 days gumaling naman
Ganun daw talaga pag nagpakita or nag paramdam yung isang elemento sayo.. sa kanila parang wala lang pero sa atin may epekto yun..