SYANI'S STORY #1

2 0 0
                                    

I'm Syanni 26 years old. I don't see dead people pero nakakaramdam naman po ako. And even nakakarinig. Si papa talaga yung bukas ang 3rd eye at si Mama.

Yung story ko is about kay Mama.

Dalaga pa sya non at mahilig syang maglaro sa bukid. Laking probinsya si Mama at may palayan sila. May mga taniman din sila sa bukid. Si Tatay which is my Lolo ay sinasama sya tuwing nagpupunta sa bukid. Lalo na at walang pasok.  Sa sobrang kakulitan ni Mama may natuwa sa kanya. Kaya nung araw na sinama sya ni Tatay sa bukid may nakita syang magandang babae. Kumakaway sa kanya. Nakasilip lang daw ito sa may puno. Maganda daw talaga at paniguradong hindi pa niya ito nakita sa kanila. Dahil nga palakaibigan din si Mama kumaway din sya sa babae. Ngumiti din naman daw ito. Natuwa naman sya dahil sumusulpot-sulpot ang babae sa bawat punong madadanan nila ni Tatay. Tuwang-tuwa daw sya non. Hanggang sa tinawag sya ni Tatay at tinanong kung bakit daw sya tumatawa. Sabi pa ni Tatay wag daw syang tawa ng tawa baka mapaglaruan daw sya nang kung ano sa bukid. Binalewala lang nya yun. Nang tinignan nya ulit yung babae. Ngumiti uli ito at bigla daw hinawi nang babae ang malaking halaman na nakatakip sa pang-ibabang bahagi nang katawan nya. Nagulat si Mama dahil di nya lubos maisip na dalawang pares nang paang pangkabayo ang makikita nya. Isang tikbalang ang babaeng nakikipaglaro sa kanya.

Nilagnat si Mama buong linggo nang dahil don. At simula nun dina sya sinama ni Tatay sa bukid.

Spooky StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon