COMFORT ROOM

7 0 0
                                    

I experienced this nung 1st year ako dito sa school namin . Pang hapon ako isa ko sa mga monday cleaners. Uwian na non naiwan kaming apat nang mga kasama ko tinakbuhan na kami ng mga ulok naming ka grupo sa cleaners . Ako yung nautusan mag tapon ng laman ng dustpan tinawag ko yung isa ko pang kaklase . Nagpasama ako sa kanya para sya na magbalik ng dustpan sa loob sabi ko sa kanya iihi lang ako kaya nauna na sya . Medyo madilim sa daanan papunta sa cr. Naglilinis yung Janitress dun sa Isang Cr Ng Girls pinalipat nya ko sa kabila na lalong mas madilim kaya binuksan ko nalang lahat ng ilaw sa loob . Nakita ko na may pumasok na babae bago pako palipatin nung Janitress. Pag katapos kong umihi nag hugas muna ko ng kamay tapos nag ayos ng buhok napatingin ako sa katabing cubicle nang pinasukan ko .Narinig ko na may umaagos na tubig kaya feeling safe ako medyo natagalan ako sa pag aayos sa buhok ko ang haba kasi tapos medyo makapal pero hindi ako bumbay mga pre. Nung paalis na ko nacurious na ko kase antagal na nya dun eh nauna pa sya saken . Binuksan ko yung pinto pero walang tao . Napatakbo ako tapos kwinento ko sa mga ka grupo ko yun .. parang may nag pipilit sa kanilang wag mag salita .
Kinabukasan na late ako pagdating ko sa room nakatingin silang lahat sakin sabay sabay silang nagtanong kung ok lang daw ba ako o may nangyari daw ba sakin pag kauwi ? Pag kaupo ko andami na agad nilang nagtatanong dumating si Mother. Sarah sabi nya may grade 10 daw na nagpakamatay sa cr na yun , yun daw yung natirang hindi nirenovate sa school namin . Isa raw ako sa pinaramdaman nung babae . Hindi kami nakapagklase dahil halos lahat kami hindi mapakali kaya minabuti ni Mother na wag nang magklase . Nagdasal kaming lahat para sa siguridad.

Spooky StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon