TIKTIK

4 0 0
                                    

Year 2009 grade 3 ako noon ng lumipat kami sa probinsya, doon na ako nag aral at tinapos ang elementary. Compound ang tinitirhan namin doon may tatlong bahay lang sa loob ng compund ang bahay ng lola ko(mama ni papa), bahay ng tita ko na kapatid ni papa at bahay namin, pero marami rami ding bahay doon na mga kapitbahay namin medyo malayo layo ang pagitan ng mga bahay sa compund namin dahil malaki ang lupa ng lola ko.
Sa probinsya kapag 6 na ng gabi ay wala ng masyadong lumalabas dahil uso rin sa lugar namin ang mga aswang, kaya naman maaga palang ay natutulog na ang mga tao doon.
2013 buntis noon si mama sa pang apat naming kapatid, yun din yung year na gagraduate ako ng elementary at sa june ay lilipat ako sa manila para mag aral naman ng high school at ang tito ko ang mag papaaral sakin. Medyo malaki laki na rin ang tiyan ni mama.
Isang gabi mga 7 pm palang ay may isang pusang nag iingay sa bubong ng aming bahay, nanonood kami nun ng tv sa sala ng mangyari yun. Lumabas kaming lahat ng bahay at si papa ay kumuha ng mahabang kahoy na may walis tingting na ginagamit namin pang agiw, at si mama naman ay kumuha ng flash light para ilawan ang pusa, kaming tatlong magkakapatid ay nasa labas din pero hindi namin makita kung ano ang nasa bubong. Si papa naman ay pinapaalis ang pusa at hinahampas nya ng walis yung bubong namin habang iniilawan ni mama gamit ang flash light, habang ginagawa nila yun dinescribe ni mama kung anong itsura dahil rin sa gulat, kulay itim at napaka laking pusa daw ang nasa bubong namin, hanggang sa mawala na ang ingay ng pusa at siguro ay umalis narin dahil di na sya nag kakalampag sa bubong at nag iingay pero hindi namin sya nakitang bumaba siguro ay sa likod na sya ng bahay bumaba.
At ng sumunod na gabi naman, mga bandang 9 ng gabi nasa labas noon si mama, hindi ko alam kung bakit sya nasa labas nun basta nasa loob kami ng bahay at nanonood pa ng tv, biglang pumasok si mama sa loob ng bahay at agad kinandado ang pinto ng hingal na hingal at halatang tumakbo, nagulat kami sa pag pasok nya at tinanong sya ni papa kung anong nangyari ang sabi naman ni mama ay mayroon daw malaking aso na kulay itim at pula ang mga mata na nakatingin sakanya sa labas ng gate namin, mga 15 meters ang layo ng bahay namin sa gate namin dahil malawak ang bakuran ng bahay namin.
Habang natutulog naman kami mga bandang 12 am bigla kaming nagising sa kalampag ng isang nilalang na hindi namin alam kung ano, nag kikiskisan ang mga kuko sa aming bubong at umuungol pa, rinig na rinig namin ang ingay na yun. Kalahati lang ng kumot ang nakukumutan sakin, at dahil sa Takot na takot ako nung nangyayari yun nag talukbong ako ng kumot at pumikit nalang. Ang katabi ko nun ay yung kapatid kong lalaki na sumunod sakin sa isang kwarto at sa kabilang kwarto naman sila mama, papa at yung kapatid ko na pangatlo. Medyo tumagal ang ingay kaya sinigawan na ni papa ng hoy at tumahimik na at maya maya ay nag patuloy ulit sa pag iingay at kalampag sa bubong at sinigawan nanaman ulit ni papa ng malakas at tumahimik narin sya at nawala na ang ingay hanggang sa nakatulog na kami ulit ng maayos. Kinabukasan nag kukwentuhan si mama at yung kapitbahay namin sa nangyari kagabi. Kinuwento na rin ng kapit bahay namin na yung isa daw naming kapitbahay ay habang nanganganak sa kanilang bahay ng dis oras ng gabi ay pinapalibutan raw ng mga aswang ang buong bahay. Ang bahay lang nun ay gawa lang sa nipa. Marami ding tao nun sa loob at naririnig nila ang pag kaluskos ng mga aswang sa bawat bahagi ng bahay dahil maririnig talaga kasi nipa ang dingding ng bahay kaya pinalibutan nila ng mga bawang at asin ang bahay. At sa mga sumunod na gabi ay hindi naulit ang mga nangyari.

Spooky StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon