9

680 32 0
                                    

"I’ll hold you in my arms and be on alert
But throw your worries to the basement
Whatever we do, we are one now
That word will linger around our ears" - Wanna one

⬜⬛⬜⬛⬜⬛⬜

"Kuya---" Hindi natuloy ang sasabihin ni Jihoon nang makatanggap sya ng malakas sa sampal mula sa kanyang kuya. Dahil doon ay napahawak sya sa kanyang pisngi. Ngayon lang sya sinaktan ng kuya nya.

"LEE JIHOON!!! BAKIT KA NANDOON!?!?"

"...." nanatili lang tahimik si Jihoon habang hawak hawak parin anh pisngi.

"AYAN BA ANG TRABAHO MO!?!?"

"...."

"AYAN BA YUN PINAGKAKAABALAHAN MO!?!?"

"...."

"ALAM MO BA KUNG ANONG KLASENG TRABAHO YAN PINASOK MO!?!?!?"

"...."

"AKALA KO BA SONG WRITER KA RIN! TAPOS MALALAMAN KO ISA KANH STRIPPER!!! JIHOON!! HINDI AKO NAGKULANG NG PAGPAPALAKI KO SAYO!!!!"

"..."

"OO! WALA TAYONG MAGULANG! TAYONG DALAWA NALANG MAGKASAMA PERO JIHOON! HINDI AKO NAGKULANG SAYO!!! PINAGARAL KITA! NAPAGTAPOS KITA!! PERO JIHOON TANGINA BAKIT MAKIKITA LANG KITA SA ISANG CLUB!?!?"

"....."

"KELAN PA TO HA!? KELAN PA!?"

"..." Hindi sumagot si Jihoon bagkus ay nakayuko nalang sya.

"JIHOON! SAGUTIN MO KO!?!? KELAN PA!?"

"La-last month pa kuya..." Mahinang sinabi ni Jihoon pero rinig parin ni Yoongi.

Dahil sa narinig nyang sagot ng kapatid nya. Napaupo nalang sya sa sahig. Kanina parin tumutulo ang mga luha nito. Hindi nya lubos akalain na ganito pala ang trabaho ng kapatid nya.

"Jihoon. Pinalaki kitang maayos. Oo minsan kinakapos tapos ng pera dahil tayong dalawa nalang ang magkasamang nabubuhay dito. Jihoon matalino ka. Pero bakit jan ka bumagsak!?" Umiiyak na tanong ng kuya nya.

"...."

"Jihoon ano!? Paano kung hindi pa kita nakita ngayon kabi? Patuloy ka na rin bang magtratrabaho jan? Pinagpyepyestahan ka ng mga lalake habang kitang kita yan katawan mo!?"

"....."

"Jihoon. Diba sabi ko naman sayo na kaya ko naman magtrabaho para satin dalawa.... pero bakit!? Bakit!?" Umiiyak pa rin ang kuya nya. Tinignan na ito ni Jihoon. Nakayuko ito na para bang bata na umiiyak.

Para syang batang iniwan ng magulang sa isang mall at nagsimula na itong umiyak. Naawa sya sa kuya nya.

Akmang yayakapin na sana ni Jihoon si Yoongi.

"Huwag mo kong hawakan Jihoon! MAGPALIWANAG KA!!" Sigaw ng kanyang kuya.

Napalunok naman si Jihoon sa sinabi ng kanyang kuya.

Strippers ▶ SoonhoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon