Chapter 7

1.1K 7 0
                                    

  Tinitignan lang ni Daniel si Jane, sa pag lalaro sa Garden ng Cebu.

  Biglang may napansin si Jane, sa binata.

  Sir, hindi po kayo pupunta sa Hotel para mag check in?

  Ngumiti lang si Daniel

  Diba i totour mo ko? kaya sasama na ko sa inyo.

  Ano?! Pero sir bawal dun magagalit yung tatay ko.

  Wala nang pero, pero lets go.

  Wala kang tutulugan dun siksikan kami, at saka malamok dun ser

  Wag ka ng puro dakdak, tara na inaantok na ko.

  Pag dating nila sa taxi ay nakatulog kagad si Daniel sa may back seat, habang si Jane naman ang nasa unahan at nag turo ng daan sa Taxi Driver.

  Bakit hindi ba nakatulog tong si Ser sa eroplano ? dito pa dumayo huh ng tulog.

  Makalipas ang halos isat kalahating oras ng byahe, at inabot na ng mahigit isang libo ang bill nila sa taxi, ay nakarating din sila sa lugar ni Jane, at don nag lapitan ang mga chismosang kapitbahay ni Jane, na parang ngayon lang nakakita ng taxi at nag aabang ng foreinger na lalabas rito.

  Hindi naman nabigo ang mga matatandang chismosa dahil lumabas na si Jane sa taxi na ngayon ay mukhang taga Maynila na talaga.

  Lalapit na sana ang mga chismosa, pero may isa pang lumabas sa Taxi na sobrang gwapo, macho si Daniel, na nakasuot pa ng black sando dahil sa init, ito ang lalong nag pa taas ng sex appeal ng binata, kaya't halos malaglagan ng panty ang mga babaeng nakatingin rito.

  Jane?! ikaw naba yan?! ang ganda mo ah.

  Sabi ni aling Cheridel, ang mabait pero intrigerang chismosa ng kanilang barangay.

  Opo manang.

  Kabalo kapa ring mag bisaya?

  Kabalo ko.

  Ay! hahaha aba, aba sino tong gwapong kasama mo ha?

  ahh eto si Daniel ang am-

  Bigla namang tinakpan ni Daniel ang bibig ni Jane at nag salita.

  Ako po ang Boyfriend ni Jane, nice to meet you po, mano po.

  Nagulat ang lahat sa sinabi ng binata, habang ang lahat ay nganga dahil sa rebelasyon ni Daniel, agad naman syang siniko ni Jane, at binulungan.

  Anu un ser..... anung sinasabi nyo.

  Sumakay ka nalang - Sabay kindat.

  Kinilig naman ang mga chismosa sa kindat na yon ni Daniel na halos nakakatunaw ng lamang loob sa init, ngayon inggit na inggit ang mga tao sa dalagang umuwi pa galing Manila, dahil may nasungkit tong malaking jackpot!

  Pumunta na sila sa bahay ni Jane, at don nakita ni Daniel ang maliit na baro baro na tinutuluyan ng dalaga.

  Sabi sayo ser eh, maliit lang ito, teka lang po ah. NAY..... Nayy!!! Si Jane po ito.

  Isang matandang babae ang lumabas mula sa kurtina ng isang kwarto sa itaas ng baro baro, agad na nag mano si Jane sa nanay.

  O kamusta? bakit bigla kang napadalaw.

  Si Maris po?

  Nasa school pa, bakit ba.

  Nay si Joshua po, gusto nyang kunin si Maris.

  Hala, oo nga at nandito sya nung isang araw, pero wala naman syang nabanggit na ganon.

  Kaya nga bumalik ako di-

  EHEM!

  ay.... - napansin ni Jane ang pag papansin ni Ser Daniel nya.

  O sino naman itong gwapang laki na to.?

  Ay sya po si Daniel, ang-

  Boyfriend nya po - sabay tumayo si Daniel, pag katapos sabihin iyon.

  Agad na hinila ng nanay ni Jane papunta sa kusina, at pabulong silang nag usap don.

  San mo nasungkit yang napaka gwapong lalakeng yan anak? at tignan mo ang itsura mo, naku napaka ganda mo pala pag nag ayos anak.

  Ay nay tyaka ko nalang po sasabihin sa inyo, ang importante makita ko si Maris, iiwan na po namin ang mga gamit dito at dederetso sa school nya.

  Sige, anak mag ingat ka.

  Agad na sumalubong si Jane sa papuntang si Daniel, sa nanay nya.

  Kikilalalanin ko pa si mama.

  Wag na tyaka na, Tara na.

  Sige iho mamaya bumalik ka dito ha? ipag luluto kita ng seafoods. - pahabol ng nanay ni Jane.

  Nag simula ng mag lakad si Jane at Daniel papunta sa bayan , don kasi nag aaral ang anak nya, Tanghaling tapat non at napaka init ng araw, pero sariwa ang hangin.

  Talaga bang mag lalakad tayo? - tanong ng pawis na pawis na si Daniel.

  Walang sasakyan dito masyado at malapit lang yun.

  Malapit? e 20mins na tayong nag lalakad.

  Hay nako ser sabi mo i tour kita dito sa Cebu, kaya eto tinutour kita.

  Sige na nga, kung di ka lang maganda eh.

  Anu po Ser?

  Wala... Lakad pa.

  Makalipas ang limang minuto ay natanaw na nila ang school ng bata, mula sa pababang bundok.

  At sa waiting area, isang pamilyar na mukha ang nakita ni Jane, patuloy nya pa itong nilapitan para mas masigurado, at hindi nga sya nag kamali si Joseph nga ito!

  Wow, bumalik ka nga kagaad babe.

  Isang sampal ang pinakawalan ni Jane sa mukha ni Joshua, nagulat naman ang ito sa ginawa ng dalaga.

  Pero ngumiti lang ito.

>to be continue

Housemate XXXTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon