cu 8

8 0 0
                                    

Panyeok Charl's Point Of View

Nasa gitna ako ng nakakabinging away ng magulang ko nang madinig ko ang tunog ng aking telepono. Wari'y meron akong natanggap na mensahe.

Agad ko itong kinuha upang usisain kung sino ang nagpadala ng mensahe. At laking gulat ko nang makitang ito-- puchang gala.

You have recieved a chat from Baekhyu Nutella. Click here to view.

"Hello? Tawag ba 'to?" sabi ko nang itapat ko sa aking tainga ang telepono.

"Hello? Hello? Hello?" ulit ko, nagiintay ng sagot sa kabilang linya.

"Tangina, hello? Tawag ba 'to?" pag-ulit ko. Ginagago ba 'ko nito?

Sinilayan kong muli ang aking telepono. Para namang isang mahika ang aking nakita nang biglang lumaki ang salitang CHAT.

"Pungingina mo, Pedro! Ako'y tigilan mo sa kahalayan mo, ha! Sinasabi ko sa iyo. Kapag ako'y natapos dito sa larong 'to, hindi ka makakatayo." dinig kong banta ng aking Ama sa aking Ina. Eh? hindi ba't sya si Pedro?

"Gago ka! Ikaw si Pedro, ulaga! Ikaw ang hindi makakatayo diyan kapag hindi ka pumarito at bunutan ako ng puting buhok!" ani naman ng aking ina. Hays... iyan na naman sila sa kanilang walang kwentang away.

"Mom, dad, what do you mean by the word 'chat'?" singit ko sa kanilang away.

"Pa-english-english ka pa diyan, Kuya Yuk, eh taga-hugas ka lang namin ng plato. Hmp." pagsingit ng aking balugain na kapatid, galing kuwarto.

"Pasingit-singit ka pa dyan, talagang pinanindigan mo pagiging taong singit mo 'no? Eh sinabi nang kuyukut ka." sigaw ko sa kanya.

"Chat... hm... basta nak." sabi ng aking Ina.

"Bakit, nak? May nagchat ba sayo? Sige, nak. Mag-asawa ka na." sabi naman ng aking Ama.

"Okay po." sagot ko nang maintindihan ang ibig-sabihin ng 'chat'

Binuksan ko ang aking telepono at pinindot ang 'here' at laking gulat ko nang dalhin ako nito sa ibang dimensyon.

Tumambad sa aking paningin ang lalaking matagal ko nang pinapadalhan ng mensahe gamit ang teleponong ito.

Para naman akong tinayuan... ng buhok nang mabasa ko ang kanyang mensahe.

"Hmm... Hindot? Ano yun? Hindot Arabic? Roman Numerals?" sabi ko sa aking isip kahit wala ako niyon.

Pinadalhan ko din siya ng mensahe. Nagulat ako nang hindi ko na mapadalhan pa ulit siya ng mensahe sa ikalawang pagkakataon.

Hays... hindi ko kinaya ang mga sandaling iyon. Kaya naman isinabit ko ang aking paa sa kisame.

Paalam, Baekhyu Nutella...

Cover Up | chanbaek ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon