Chapter 3
Maxine's POV
"Miss, may nagpapabigay po sa inyo," sabi ng batang babae. Nandito ako ngayon sa coffee shop na mina-manage ko. Iniabot n'ya sa akin ang isang bouqet ng red roses.
"Salamat, kanino galing ang mga ito?" tanong ko sa bata.
"Doon po sa mamang nakasakay sa itim na kotse," sagot ng bata at itinuro ang kotse sa labas ng shop.
"Ganoon ba? Nagpakilala ba sayo?" tanong ko.
"Hindi po eh, basta po ang sabi ay iabot ko daw po 'yan sa inyo. May card daw po d'yan, basahin n'yo daw po," sabi ng bata.
"Meron nga, salamat. Gusto mo bang kumain muna?" tanong ko sa bata.
"Salamat na lang po, binigyan na po ako ng pagkain ng nagpapabigay n'yan. Alis na po ako," sabi ng bata at umalis na.
"Sige, salamat ulit." Agad kong binasa ang naka-sulat sa card ng maka-alis ang bata.
'Nice seeing your smile this morning, Miss Beautiful'
'Yan ang nakasulat sa card. Tumingin ako sa itim na kotse na nasa labas ng shop. Nagbaba ito ng bintana. Iniisip ko kung lalapitan ko ba o hindi ang kotse. Naisip kong wala naman sigurong masama kung malalaman ko kung kanino galing ang mga bulaklak na ito.
"Good morning, Max," bati ng pamilyar na boses mula sa loob ng sasakyan. Ng makalapit ako sa sasakyan ay bumaba ang taong lulan noon. Si Ivan?
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Binibisita ka, masama ba? At gusto kong makita ang matatamis mong ngiti kaya nagpunta ako ngayon dito. Alam ko naman kasing kahit gaano ka kapagod sa araw-araw mong trabaho sa coffee shop na 'yan ay masaya ka pa rin sa ginagawa mo, tama ako, 'di ba?" sabi n'ya at hindi ko namalayang nakalapit na pala s'ya sa akin.
"Pasensya ka na, hindi ako tumatanggap ng bisita kapag oras ng trabaho, makakaalis ka na," sabi ko at tinalikuran na s'ya para bumalik sa coffee shop ng pigilan n'ya ako sa braso.
"Wait lang. Huwag mo naman akong itaboy. Alam mo naman kung gaano kalayo ang bahay ko mula dito, tapos paaalisin mo na lang ako ng hindi man lang nakakapasok sa shop mo para makainum man lang ng kape?" paawa n'ya.
"Sorry ka, hindi ko alam kung saan ang bahay mo, at hindi ako mayaman para ilibre pa kita. At isa pa, hindi saken ang shop na 'yan, tauhan lang din ako d'yan," pagtataray ko.
"Okay, okay. Relax, ako ang magbabayad, okay na tayo?" naka-ngiti n'yang tanong.
"Kung oorder ka, okay sa akin, kung hindi at tatambay ka lang, huwag na lang," sabi ko at nag-cross arm pa.
"Oorder ako, promise," sabi n'ya kaya naglakad na ako pabalik sa shop at syempre nakasunod s'ya. Oorder daw ehh.
"D'yan ka na maupo, anong order mo?" sa pinakadulong parte ng shop ko s'ya pinaupo. Doon kung saan hindi ko s'ya mapapansin.
"Bakit dito, malayo sa karamihan. Ikaw ha, ipinagdadamot mo na agad ako," panunukso n'ya.
"Oorder ka ba o magjo-joke?" tanong ko habang nakasalubong ang kilay ko.
"Oorder po," sagot n'ya at ngumiti pa.
"Ano ngang order mo?" ulit ko.
"Hmm.. Isang kape lang at...." aba, at may pabitin pang nalalaman.
"At ano?" gigil kong tanong.
"Matamis na ngiti mo!" Yuck! Baduy!
"Ewan ko sayo," sabi ko at umalis na.
"Max!" sigaw n'ya.
"Ano na naman?!" irita kong tanong ng bumaling ako sa kanya.
"May order pa pala ako," pahabol n'ya.
"Mila," tawag ko sa waitress na malapit sa akin. "Ikaw na nga ang umassist sa makulit na 'yon. Balik na ako sa counter," sabi ko at iniwan ko na sila.
"Okay po," sagot ng waitress.
Maya-maya pa ay okay na ang order ng makulit. "Miss, kayo daw po ang magdala ng order n'ya, sabi ni Sir," sabi ni Mila. Iniabot sa akin ang tray na may lamang kape, hot choco at slice ng chocolate cake.
"Sa kanya bang lahat to?" tanong ko.
"Opo, Miss," sagot ni Mila.
"Sige, ako ng bahala dito, salamat," sabi ko at dinala na ang order n'ya. "Eto na po ang order mo, Mr," sabi ko at inilapag ko sa lamesa ang order n'ya.
"Where are you going?" tanong n'ya ng mapansing paalis na ako.
"Aalis na po, Mr. Baka makita pa ako ng date mo, isipin pang nakikipag-flirt ako sayo. Ayokong maiskandalo dito sa trabaho ko," mataray kong sabi.
"Sino bang may sabing may ka-date ako?" tanong n'ya.
"Alangan namang sayong lahat 'yang order mo, malamang may kasama ka," sagot ko.
"May kasama nga ako," sagot n'ya sabay hinila ako paupo sa couch na inuupuan n'ya. "Ikaw!"
"May trabaho pa ako, aalis na ako," sabi ko at tumayo na pero nahatak n'ya ulit ako paupo sa tabi n'ya.
"Inumin mo muna itong inorder ko para sayo. Paborito mo raw 'yan sa mga sine-serve n'yo dito," sabi n'ya.
"Pero busog pa ako. Mamaya na lang--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla kong maramdaman ang braso n'ya na nakapulupot na sa bewang ko.
"Mananatili tayong ganito hanggat gusto mong umalis sa tabi ko," sabi n'ya at humigop ng kape.
Hindi ako makagalaw. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. May kakaiba akong nararamdamang kiliti sa katawan ko dahil sa pagkakadikit ng balat n'ya sa akin. Hindi ko alam kung ano 'yon, pero hindi 'yon maganda.
✳️Chapter 3✳️
BINABASA MO ANG
Just Marry ME
Aktuelle LiteraturJust Marry Me (COMPLETE. EDITED) Paano kung isang araw, magising ka na lang at ang mga tanong na ito ang bumungad sayo, 'Max, will you marry me?' Kikiligin ka ba at hihimatayin sa tuwa? Kung manggagaling ang mga salitang iyon sa taong mahal mo, baka...