Chapter 6
Ivan's POV
"Shit!!" padabog akong umupo sa may bar counter kung saan ay part-owner ako ng lugar.
"Sir, 'yong dati n'yo po bang drinks ang ipe-prepare ko?" tanong ng barista.
"No. Bigyan mo ako ng beer d'yan," sabi ko.
"Right away, Sir," sabi ng barista at maya-maya pa ay binigay na n'ya ang beer na hiningi ko. Nakaka-iilang bote na ako ng beer ng may lumapit sa aking isang babaeng sexy.
"Hi. You're Ivan, right?" tanong ng babae at tumabi sa pa akin. Hindi ako sumagot at diretsyo lang sa pag-inum. Maya-maya pa ay nagsalita ulit ito. "Mukha yatang bad mood ka ngayon, gusto mo bang mag-relax muna? I had my car outside. We can go there now, if you want," malanding sabi nito at minamasahe pa ang balikat ko.
"I'm sorry, maybe next time," walang gana kong sagot. Pero sa halip na tigilan ako ay lalo lang s'yang lumapit at nagsimulang halikan ako sa leeg. "Hey! Stop right there!" sabi ko at bahagya ko pang naitulak ang babae.
"What's your problem? Am I not pretty enough for you? Eh balita ko nga ay kahit hindi naman maganda ay pinapatulan mo basta nagbibigay ng motibo. Anong pinagkaiba ko sa kanila? Tell me?" histerikal ng babae.
"I'm sorry. I'm just not in a good mood," sabi ko at naglakad palayo sa bar counter.
"Really?! I can't believe you, Ivan Monteverde!!" narinig ko pang sigaw ng babae.
"The hell I care. Hindi maganda ang araw ko kaya huwag n'yo muna akong lalapitan," sabi ko at napatingin ang waitress na nakasalubong ko.
"Sir?" nagtatakang tanong ng waitress.
"Ha? I'll stay in the VIP 1, don't let anywho enter there. Understand?" bilin ko sa waitress.
"Ahh, eh, opo, Sir," tarantang sagot ng waitress.
"Isa pa nga pala, padalhan mo ako ng isang case ng beer doon," utos ko sa waitress.
"Yes, Sir!" mabilis nitong sagot.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay dumating na ang waiter na may dalang beer. Nilapag n'ya ang case sa round table na nasa gitna.
"May iba pa po ba kayong kailangan, Sir?" tanong ng waiter.
"Wala na. Just make sure na walang kahit sino ang papasok dito habang nandito ako. I don't want anyone right now," utos ko.
"Yes, Sir!" sabi ng waiter at lumabas na.
Dalawang bote na lang ng beer ang natitira pero hindi pa rin ako tinatamaan. Bubuksan ko na sana ang isa pang bote ng maramdaman kong bumubukas ang pinto. Napatayo ako at sumigaw. "Sinabi ng ayoko ng istorbo! Anak ng teteng, sino ba 'yang hindi marunong umintindi?"
"Relax, dude. It's just me. Ano bang problema mo at balita ko ay kanina ka pa daw nagmumukmok dito?" tanong ni Alfred at naupo sa single couch sa kanan ko.
"Wala," sagot ko at umupo na ulit. Patuloy ako sa pag-inum hanggang sa huling bote na lang ng beer ang natitira.
"Tama na 'yan, Ivan. I'll take you home," aya sa akin ni Al. Sinimulan na n'yang ibalik sa case ang mga bote ng beer na walang laman.
"Okay. I'll just finish this last one, and we'll go," sabi ko at tinungga na ang huling beer at sumama na kay Al pauwi.
ALFRED CALLING....
"Hello, Ivan, how's your sleep?" tanong n'ya sa kabilang linya ng sagutin ko ang tawag n'ya."Not good. Not really," sabi ko habang hinihilot ang sintido ko. Ngayon lang tumatalab sa akin ang alak. Sa tanang pag-iinum ko, ngayon lang ako tinamaan ng hang-over.
"Anong plano mo today?" tanong ulit n'ya.
"Hindi ko pa alam. Masakit pa ang ulo ko eh. Baka mag-stay na lang muna ako dito sa bahay," sabi ko at nahiga ulit.
"What? Tama ba ang narinig ko, masakit ang ulo mo? Ikaw ba talaga 'yan? Parang ngayon lang nangyare 'yan sayo ahh," natatawang tanong ni Al.
"Oo nga ehh. Tawagan kita mamaya kapag lalabas ako," sabi ko at tinapos na ang tawag. Makalipas ang ilang oras na paghilata ko ay napagdesisyunan kong lumabas na ng bahay.
Sa pagmamaneho ko ng walang tiyak na direksyon ay nagulat na lang ako ng makita kong nasa harapan na pala ako ng cafe na mina-manage ni Maxine. Hindi ko mawari kung bakit pero may ilang oras din yata akong nakatitig lang sa bawat galaw ni Maxine, hanggang sa may maisip akong plano.
Agad akong nagtungo sa bar at hinanap agad si Al. "Ivan, mabuti naman at lumabas ka na rin. Gusto mo ng maiinum?" tanong ni Al na naka-pwesto sa may bar counter.
"Pass muna ako diyan. May naisip akong plano," sabi ko at naupo.
"Plano naman para saan?" manghang tanong ni Al.
"Kailangan kong bigyan ng leksyon ang babaeng 'yon. Hindi ako papayag na basta na lamang n'ya akong balewalain. Ipapakita ko ang tunay na Ivan Monteverde," sabi ko.
"Hindi ka talaga maka-get over sa ginawa sayo ng babae na 'yon ha. Eh ano bang plano mo?" tanong ni Al.
"May kilala ka bang tao na pwedeng dumukot kay Maxine mula sa bahay n'ya?" tanong ko.
"Ipapadukot mo si Maxine? Seryoso ka? Hindi ba parang sobra naman 'yon?" gulat na tanong ni Al.
"Alam kong sobra, pero 'yon lang ang paraan para makaganti ako sa ginawa n'ya sa akin. Hindi ako papayag na basta na lang n'ya akong balewalain," desididong sagot ko.
"Kung ganoon, sige, ikaw ang bahala. Sasabihan ko na ang mga tauhan ko. Sasabihan na lang kita kapag nakuha na namin siya," pagsang-ayon na lang ni Al.
"Sige. Basta linawin mo sa mga tao mo na walang kahit na sinuman ang hahawak o mananakit sa kanya. Maliwanag?" paalala ko.
"Oo naman. Ako ng bahala," sabi ni Al.
"Sige," sabi ko at ngumiti na animo'y isang demonyo.
✳️Chapter 6✳️
BINABASA MO ANG
Just Marry ME
Художественная прозаJust Marry Me (COMPLETE. EDITED) Paano kung isang araw, magising ka na lang at ang mga tanong na ito ang bumungad sayo, 'Max, will you marry me?' Kikiligin ka ba at hihimatayin sa tuwa? Kung manggagaling ang mga salitang iyon sa taong mahal mo, baka...