Chapter 15 : Confessions ✔️

5.2K 109 0
                                    

Chapter 15

Ivan's POV

"My goodness Ivan, saan ka ba nanggaling? Tumawag sa akin 'yung nurse mo, tumakas ka daw sa ospital kagabi?" salubong sa aking ni lola Marga.

"Okay lang naman ako, La. You don't have to worry about me," sabi ko.

"Paanong hindi ako mag-aalala, ay may sakit ka. Saan ka natulog kagabi?" tanong n'ya.

"Magaling na po ako, La. Kulang lang naman po ako sa pahinga eh," paliwanag kom

"Mabuti naman kung ganoon. Saan ka natulog kagabi, sabi ni Alfred, wala ka sa kanila," sabi ni Lola.

"Doon po ako natulog sa bahay ni Maxine kagabi, La," pagtatapat ko.

"Apo, tapatin mo nga ako, seryoso ka na sa dalagang 'yon? Ang tingin ko kasi sa kanya ay mabait s'ya, kaya hindi n'ya deserve na masaktan," sabi ni Lola.

"'Yung totoo po, noong una, talagang gusto ko lang s'yang paibigin para mapatunayan na wala pang babae ang makaka-tangi sa akin, pero habang natagal ang pagpapanggap ko, at nakikilala ko s'ya ay parang nahuhulog na ako sa kanya," pagtatapat ko.

"Nakikita ko naman sa batang 'yon na hindi s'ya mahirap mahalin, dahil mabait s'ya. Pero anong gagawin mo kung malaman n'ya ang una mong dahilan kaya mo s'ya nilapitan at magalit s'ya sayo? Anong gagawin mo?" tanong ni lola. Oo nga no, bakit ba hindi ko agad naisip na pwedeng mangyari 'yung sinabi ni lola.

"Sa ngayon po, hindi ko muna iisipin ang bagay na 'yon. Ang gagawin ko ay ipakita kay Maxine ang tunay kong feelings para sa kanya. At wala naman pong nakaka-alam ng bagay na 'yun bukod sa ating tatlo nila Alfred," sabi ko.

"Sana nga hindi na lumabas ang katotohanan dahil kung ako ang nasa katayuan ni Maxine, masasaktan talaga ako," sabi ni Lola.

"Sana nga po, La," dasal ko.

"Dude, kumusta? Balita ko kay lola Marga ay naospital ka daw? Ano bang nangyari?" tanong ni Alfred, nasa bar ako, nagpapalipas oras.

"Oo nga eh, buti na lang at nandoon si Maxine para alagaan ako," naka-ngiti kong sabi.

"Woah, talaga yatang totoo 'yung nabalitaan ko na nahuhulog ka na kay Maxine ha? Akala ko ba s'ya ang paiibigin mo, bakit parang ikaw ang nahulog sa sarili mong patibong?" naka-ngising tanong ni Alfred

"Shhhh. Huwag mong laksan ang boses mo, baka may makarinig sayo. Walang dapat maka-alam ng plano natin noon," pabulong kong sabi.

"Ang OA mo, sa palagay mo may makaka-rinig pa sa pinag-uusapan natin eh ang lakas ng music. Ni hindi na nga tayo magkarinigan eh," natatawang sabi ni Al.

"Basta, maganda na 'yung sigurado," sabi ko at pinanood ang mga nagsasayaw. Madalas ako sa bar pero hindi ko hilig ang sumayaw.

"Sige sabi mo eh. Syanga pala, kumusta si Darcy, balita ko binisita ka raw?" pag-iiba n'ya sa usapan.

"Oo, dumating s'ya last week, ilang araw lang s'ya sa bahay dahil mamamasyal daw kasama ang iba n'yang friends," kwento ko.

"Ahh, sayang, hindi ko man lang s'ya nakita," disappointed na sabi ni Al.

"Hanggang ngayon ba naman ay may gusto ka pa rin sa pinsan ko? Wake up, man, it's almost five years simula noong binasted ka n'ya. Ano ba namang puso meron ka at hindi ka pa rin nakaka-move on?" iiling-iling kong sabi.

"Hiyang-hiya naman ako sayo, dude. Sorry kung hindi mo ako katulad, chickboy!" nang-aasar n'yang kantyaw sa akin.

"Noon 'yon, pero hindi na ngayon.," sabi ko.

Just Marry METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon