Chapter 11 : First Date ✔️

5.5K 112 0
                                    

Chapter 11

Ivan's POV

"Good morning, dude. May napapansin ako sayong bago ngayon ah!" bati ni Al nang magkasalubong kami sa pagja-jogging.

"At ano naman 'yon? naka-ngiti kong tanong.

"'Yan," sabi n'ya sabay turo sa labi ko.

"Ha? I don't get it," kunot noo kong tanong.

"'Yan ang bago sayo ngayon," sabi ni Al.

"What? Are you out of your mind? Hindi ako ngpapa-surgery no. Paanong magiging bago ang labi ko?" tanong ko.

"Shit, man. You're so slow today. Tell me, may nangyari ba?" tanong din ni Al.

"What are you talking about? Nangyari saan?" nalilito na rin ako kung saan pupunta ang conversation naming dalawa.

"Last month lang ay kulang na lang ilibing mo ang sarili mo ng buhay dahil binasted ka ni Maxine, tapos ngayon ay ngumingiti ka na ulit? Tell me, meron ka na bang bagong target?" tanong ni Al. Ah, 'yon pala. Smile.

"Wala no! At wala ako sa panahon para makipag-lokohan ngayon," sabi ko at nagsimula na ulit tumakbo.

"Then what is it? Kailangan ko na bang mag-worried at dalhin na kita sa ospital ngayon at ipa-check up?" exaggerated na tanong ni Al.

"Shut up, okay! It's nothing," pagsisinungaling ko.

"God, dude. I know you better, kaya you can't keep secrets from me. Are you gonna tell me what's really happening o magtatanong na ako sa mga source ko?" tanong n'ya na may halong banta.

"You have your sources naman pala, eh 'di sila na lang ang tanungin mo!" sabi ko at tuluyan ng iniwan si Alfred. Naturingang lalaki pero ubod naman ng chismosa.

Lunch time na. Ayokong kumain mag-isa, so I decided na ayain si Maxine mag-lunch.

"Ivan! Nandito ka na? Ngayong lunch ba usapan natin?" aligaga n'yang tanong. "Naku, akala ko mamaya pang gabi, pasensya ka na marami pa akong inaasikaso eh," sabi ni Maxine habang inililigpit ang mga papeles na ginagawa n'ya.

"Hey, relax," sabi ko at hinawakan ang kamay n'ya para itigil ang ginagawa n'yang pagliligpit. "Mamaya pa naman talaga ang usapan natin. I just came to ask you kung nag-lunch ka na ba?" sabi ko.

'Ah, eh, hindi pa," sagot n'ya at binawi ang kamay n'ya. "Marami kasi akong ginagawa. Ikaw, nag-lunch ka na?"

"Hindi pa rin eh. Would you mind kung ayain kitang mag-lunch ngayon, tutal pareho naman pala tayong hindi pa kumakain," sabi ko.

"Of course not. Saglit lang at ililigpit ko lang ang mga ito," sabi ni Max at itinago ang mga ginagawa n'ya. She's really beautiful kahit pa marami s'yang ginagawa. "Let's go?" sabi n'ya ng mailigpit n'yang lahat ang gamit n'ya.

"Okay. Saan mo gustong kumain?" tanong ko habang palabas kami ng cafe.

"Kahit saan. Nasaan ang kotse mo?" tanong n'ya at inililinga ang mata.

"Hindi ko dala eh, okay lang ba na maglakad na lang tayo?" sabi ko.

"Oo naman. Hindi naman problema sa akin ang maglakad, sanay naman ako," naka-ngiti n'yang sabi.

After naming kumain ng lunch ay pumunta ulit kami sa park. Naupo kami sa ilalim ng puno.

"Naka-uwi ka ba nga maayos kagabi?" tanong ni Maxine.

"Oo naman. Ako pa ba," sagot ko. At nagtaas-baba pa ng kilay.

"Sus, yabang," sabi n'ya. "Syanga pala, nakasalubong mo ba 'yung lasing noong pauwi ka na sa inyo kagabi?" concern n'yang tanong.

Just Marry METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon