Chapter 18 : Shopping ✔️

4.7K 99 0
                                    

Chapter 18

Maxine's POV

"Umaga na pala. Naku, late na pala ako sa trabaho," sabi ko ng makitang maliwanag na sa labas. Dali-dali akong naligo at nagbihis.

"Good morning, Maxine."

"Jusko po! Nandito ka pa pala, Ivan?" nagulat ako sa biglang pag-imik ni Ivan.

"Oo naman, ikaw lang naman ang madaya eh, tinulugan mo ako kagabi " sabi ni Ivan at nagkunwari pang nalungkot.

"Ay, oo nga pala, magdi-dinner nga pala dapat tayo. Ano na nga palang nangyari sa niluto mo kagabi?" tanong ko.

"Hindi ako nagluto pero umorder ako sa resto. Kaya iniinit ko na lang ngayon, para may makain ka. Kumain na tayo, at ihahatid kita mamaya sa trabaho," aya n'ya.

"Sige." Sabay kaming kumain at pagkatapos ay ihinatid nga n'ya ako sa trabaho.

"Mahal, ayos lang ba kung hindi kita masundo mamaya, may aasikasuhin lang ako," sabi ni Ivan ng nasa tapat na kami ng cafe.

"Oo naman, walang problema. Hindi naman porket mag-nobyo na tayo eh sa akin na lang iikot ang mundo mo. May sarili ka pa rin namang buhay," sabi ko.

"Salamat. Mauna na ako," paalam n'ya.

"Mag-iingat ka," sabi ko at bago umalis ay hinalikan n'ya ako sa pisngi.

"Meg, kumusta ang unang araw mo dito sa cafe?" tanong ko kay Meg.

"Ayos naman. Mawiwili ata ako dito, ang daming pogi eh," kinikilig nitong sabi.

"Sira ka talaga. Umayos ka nga. Ayos lang na maging friendly pero huwag ang makikipag-flirt sa costumer. Makakagalitan ka ni boss kapag nalaman n'ya," saway ko sa kanya.

"Sisimplehan ko lang," sabi ni Meg at tumawa pa.

"Ewan ko sayo, puro ka talaga kalokohan." Iba ang babaeng ito hindi na kaya sa tapal-tapal.

"Nagseseryoso din naman ako, pero ikaw ba, seryoso ka na sa relasyon n'yo ni Ivan?" tanong n"ya.

"Seryoso ako sa lahat ng bagay, at sa palagay ko naman ay magagawa ko ng maayos ang parte ko bilang nobya n'ya," sagot ko.

"Susuportahan kita d'yan, Sis," sabi n'ya at inakbayan pa ako.

"Tara na nga umuwi, sigurado akong bagsak ka pagdating mo sa bahay mo," aya ko sa kanya. Wala na din namang customer kaya magsasarado na kami.

"Malamang. Teka, hindi ka ba susunduin ni Ivan ngayon?" bigla n'yang tanong.

"May aasikasuhin daw s"ya eh," sagot ko.

"Ganoon ba, sayang naman, akala ko pa naman ay makaka-libre ako ng sakay ngayon," dismayadong sabi ni Meg.

"Illibre na lang kita sa taxi," sabi ko, pampalubag loob.

"Sige, ayos na rin 'yon," kibit balikat nitong sabi.

"Good morning," bungad sa akin ni Ivan pagbukas ko ng pinto.

"Oh, ang aga mo naman, kanina ka pa ba d'yan?" tanong ko.

"Hindi naman. Siguro mga kalahating oras pa lang naman," natatawa n'yang sabi.

"Ha? Bakit naman hindi ka kumatok, naghintay ka tuloy ng matagal dito sa labas," sabi ko. "Gusto mo ba muna pumasok?"

"Hindi na, may pupuntahan tayo eh," sabi ni Ivan.

"Saan naman? Papasok ako sa trabaho eh," sabi ko.

"Saglit lang naman tayo. Ihahatid kita sa trabaho pagkatapos," sabi n'ya at inakay ako papunta sa sasakyan n'ya.

Just Marry METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon