Chapter 10 : Unexplainable Feelings ✔️

5.4K 123 1
                                    

Chapter 10

Maxine's POV

"Liz, mag-iikot muna ako ha, ikaw muna bahala sa mga orders," sabi ko sa isa kong kasamahan sa cafe.

"Sige, Max."

Nag-iikot ako ng may marinig akong sumigaw sa may malapit sa pinto. Lalapitan ko sana para itanong kung anong problema ng makita ko kung sino ang sumigaw. Si Ivan.

"What the! Ang init!" mukhang napaso si Ivan. Lalapitan ko ba? Huwag na at baka magalit pa ang girlfriend n'ya. Nakita kong tumayo s'ya at nagpunta sa banyo. Hindi ko alam kung bakit pero sinundan ko s'ya sa banyo.

"Fuck! Ano nga bang iniisip ko at napaso ako ng lintik na kapeng iyon?" 'Yon ang narinig kong sinabi n'ya. Ano nga bang iniisip mo, Ivan?

Naabala ang pakikinig ko ng may makita akong papalapit sa banyo. 'Yung girlfriend pala ni Ivan. Nang makita n'ya ako ay ngumiti s'ya. At syempre, pinilit ko ding ngumiti para hindi naman ako magmukhang mataray.

Pumasok ako sa ladies room at hinintay ko kung papasok din s'ya, pero walang pumasok. Nakiramdam ako at sumilip. Nakita kong nakabantay ang babae sa labas ng mensroom. Maya-maya pa, bumukas na ang pinto ng mensroom.

"Hey!" salubong ng babae na nasa labas ng mens room.

"What the! Ano namang ginagawa mo rito?" halatang nagulat si Ivan sa babae sa biglang pagsulpot nito.

"Ang tagal mo kaya. Baka kako may kasama na d'yan sa banyo kaya ang tagal mo," sabi ng babae.

"Magtigil ka nga. Hindi ko trabaho 'yon, no!" tanggi naman ni Ivan. "Tara na sa table natin."

"No! Uuwi na tayo. Nainip na ako sa kahihintay sayo eh. Gusto ko na umuwi at magpahinga," sabi ng babae at may paghawak pa kay Ivan. Nang makalayo ang dalawa sa kinaroroonan ko ay lumabas na ako ng CR.

"Mabuti naman at naisipan mo ng umuwi. Pinagod mo din naman ako, no!" sabi ni Ivan at halatang matagal na silang nagdi-date dahil kitang kita na komportable silang dalawa sa isa't-isa. Hindi ko na hinintay na makalabas pa sila at bumalik ulit ako sa ladies room.

"Oh, bakit ganyan ang mukha mo, ha Maxine?" Wierd na kinakausap ko ang sarili ko, yes, pero ano bang magagawa ko. Natawa na lang ako ng makita ko ang sarili ko na nangingilid ang luha. "Gaga! Itsura mo, para kang tanga! Umayos ka nga!" kastigo ko sa sarili ko at inayos ang sarili bago lumabas ng restroom.

"Miss, anong nangyari sayo?" tanong ni Liz, nakasalubong ko s'ya sa may hallway.

"Wala naman. Pwede bang ikaw na muna magsara ng shop, may aasikasuhin lang ako," tanong ko.

"Oo naman, ako ng bahala. Iwan mo na lang ang susi kay Ces," sabi ni Liz.

"Salamat. Bawi ako sayo next time. Mauna na ako," paalam ko.

Pass 10pm na pero hindi pa rin ako makatulog. Siguro dahil doon sa nakita ko kanina. Hindi ko mawari pero affected ako sa nakita ko. Tatawagan ko pa sana si Megan pero naisip ko na baka tulog na 'yun at makaabala pa ako.

Lumabas ako ng bahay. At dahil malalim na sa gabi ay ramdam ko ang lamig ng hangin na humahampas sa mukha ko. Naglakad-lakad ako. Buti na lang at may naabutan pa akong department store na bukas. Bumili ako ng chips at beer.

Pagka-galing sa department store, dumiretsyo ako sa park. Wala ng tao doon kaya solo ko na ang lugar. Kahit anong gawin ko ay walang makiki-alam sa akin. Naupo ako sa swing at sinimulang lantakan ang binili ko.

Naunang naubos ang mga chips na binili ko. Dalawa pa lang beer ang naiinum ko. Hindi naman kasi ako mahilig uminom. Nagkataon lang talaga na feel kong uminom ngayon. Pampa-antok ba.

Just Marry METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon