Chapter 16 : It's Official ✔️

4.7K 104 0
                                    

Chapter 16

Maxine's POV

KRING... KRING.. KRING..
Unknown number Calling...

"Sino naman kaya itong tumatawag, linggong-linggo eh nang-aabala." sabi ko. 10am ang bukas ng cafe tuwing linggo para makasimba ang mga employee doon. "Hello, who's this?" tanong ko sa nasa kabilang linya.

"Good morning, nandyan ba si Maxine?" tanong ng lalaki sa kabilang linya.

"This is Maxine, who's asking?" irita kong tanong. Abala eh.

"Boyfriend mo." sagot nito. Boyfriend ko?

"Ivan? Where did you get my number?" agad kong tanong.

"So, girlfriend na pala kita?" napa-ngiti ako sa tanong niya.

"Aba, hindi ha. Hindi pa naman kita sinasagot." pakipot ko.

"Eh bakit noong sinabi kong boyfriend mo ako ay pumayag ka?" tanong niya at sa palagay koy naka-ngiti siya.

"Hindi ako pumayag. Nagkataon lang na alam kong ikaw LANG ang magsasabi noon." palusot ko.

"Sus, kunyari ka pa ehh, kinilig ka naman." pang-aasar niya. Pero infairness, medyo kinilig nga ako sa isiping boyfriend ko na siya.

"Hala, hindi ah! Huwag ka ngang assuming." deny ko. "Bakit ka nga pala napatawag?"

"Wala naman. Yayayain sana kitang sumimba, kung okay lang." sabi niya.

"Okay lang naman. Magsisimba din naman ako ngayon. Kita na lang tayo sa simbahan." sabi ko.

"Nasa bahay ka pa ba?" tanong niya.

"Oo, maliligo pa ako eh." sagot ko at tiningnan ang sarili kong nakapantulog pa.

"Ahh, ganoon ba? Okay!" sabi niya at bigla siyang natahimik.

TOK.. TOK.. TOK..

"Wait lang ha, may tao yata sa labas, tingnan ko lang." sabi ko ng may marinig akong kumakatok sa labas.

"Okay!" plain niyang sagot.

Binuksan ko ang pinto at..

"Hi." malapad ang ngiti ni Ivan.

"Oh, nandito ka na agad? Kausap lang kita sa phone kanina ahh?" sabi ko at ipinakita ko pa ang phone ko.

"Actually, nandito na ako noong tawagan kita." naka-ngisi niyang sabi.

"Ha? Paano pala kung hindi ako pumayag na sumama magsimba, di nasayang lang ang effort mo pagpunta dito sa bahay?" sabi ko.

"May plan B na ako." sagot nuto at pilyong ngumiti.

"Ha? May plan B? Ano ang plan A?" iba talaga ang utak ng lalaking ito, may pagkasigurista. May pa plan A, plan A pang nalalaman.

"Plan A, ayain kang sumimba. Kapag hindi ka pumayag, plan B naman." sabi niya.

"Ano naman ang plan B?" curious kong tanong.

"Samahan ka sa kung saan man ang lakad mo." sabi niya at ngumiti. Kinikilig ako kapag ngumingiti siya. Parang natutunaw ang puso ko sa kada ngiting ibibigay niya sa akinm

"Wow, wala pala akong lusot sayo ha." sabi ko.

"Oo naman. Kaya ano pang ginagawa mo diyan, hindi ba maliligo ka na?" sabi niya.

"Ah, eh, oo. Dito ka muna sa sala?" taranta kong sabi ng maalala ko ang itsura ko.

"Baka gusto mo akong isama sa pagligo, mas ayos iyon." pilyong suhestyon niya.

"Nako, magtigil. Bahala ka na muna diyan." sabi ko at tinalikuran na siya.

"Okay. Pero kapag kailangan mo ng magkukuskos ng likod mo, tawagin mo lang ako." pahabol pa nito.

"No thanks. I can manage." sagot ko.

"Managet ka nga pala," sabi niya at tumawa.

"Ewan ko sayo."

"Ready?" tanong sa akin ni Ivan ng lumabas ako ng kwarto.

"Yes. Tara na!" sabi ko at inalalayan pa ako sa paglabas ng bahay. "Did I ever mention that you're so beautiful?"

"Hindi pa. Pero salamat sa papuri." sabi ko at ngumiti.

"Hindi ako magsasawang sabihing maganda ka, kahit pumuti pa ang buhok natin." ows? Itigil mo ang pagpapakilig sa akin, baka hindi ako abutin ng pagputi ng buhok dahil baka mamaya lang ay atakihin na ako sa puso.

"So, ikaw pala ang makakasama ko hanggang sa pagtanda?" tanong ko.

"Ayaw mo ba?" malungkot niyang tanong.

"Pag-iisipan ko." sabi ko at sumakay na sa kotse niya.

"Okay, you must think quickly. Mainipin pa naman ako." tawa lang ang naging sagot ko sa kanya. "Bye the way, is it okay kung kasama natin si Lola Marga sa pagsimba?"

"Oo naman, walang problema sa akin." sagot ko. Mabait naman si Lola Marga kaya wala naman ngang problema.

"Okay then." sabi niya at pinaandar na ang sasakyan. Maya-maya pa ay narating na namin ang simbahan.

"Wait here, ipa-park ko lang ang kotse sa likod ng church. Sabay na tayong pumasok." sabi niya ng ibaba niya ako sa harap ng simbahan.

"Okay, no problem." sabi ko. Patapos na ang first mass ng dumating kami. Tamang tama lang kami para sa second mass. After few minutes, dumating na rin si Ivan.

"Hey," tawag niya at ihinawak ang kanang kamay niya sa bewang ko. "Let's go inside?"

"Later na lang. Palabasin na muna natin ang umattend ng first mass, patapos na rin naman. Nasaan nga pala si lola Marga?" tanong ko ng mapansing wala pa ang matanda.

"Maybe she's on her way. Let's just sit there while waiting for her." sabi niya at inaya ako sa mga bench hindi kalayuan sa simbahan. "Maxine, can I ask you something?"

"Yeah, sure. What is it?" tanong ko.

"Can you be my girlfriend?" tanong niya habang nakatingin sa mga mata ko.

"Ah, eh, kailangan ko na bang sagutin iyan ngayon?" nauutal kong tanong.

"Kung pwede sana. Alam ko namang hindi maganda ang first impression mo sa akin at lumala pa noong ipadukot kita, pero gusto talaga kita, Maxine. I can do much better things just for you.  So please, be my girlfriend, and I promise that you wouldn't regret it." sabi niya habang hawak-hawak ang mga kamay ko.

"Ivan, let me tell you something... Kung sakali, this is the first time I enter a relationship. I don't know how to handle things about relationships. Hindi ko alam kung magiging sapat ba ang maibibigay kong effort, kung sakali." pagtatapat ko.

"It's okay. I won't mind as long as I'm with you. Tutulungan kita sa lahat ng bagay, we'll solve every problem that will come to our relationship together. I promise I won't leave you." pangako niya.

"Talaga?"

"Yes, I promise. So, tayo na ba?" tango lang ang naging sagot ko sa kanya. "Oh, Maxine, you don't know how happy I am right now. I love you, Maxine." sabi niya at binigyan ako ng smack sa labi at niyakap ako ng mahigpit.

Ang sarap talaga sa pakiramdam na yakap-yakap ka ng taong mahal mo at alam mong mahal ka rin.

Maya-maya pa ay dumating na si lola Marga. Dali-daling sumalubong si Ivan at hinila ako palapit sa lola niya.

"Kanina pa ba kayo, iho?" tanong ng matanda.

"Hindi naman po, La, I have something to announce." masayang sabi ni Ivan.

"Mukhang good news iyan ah, kita sa mukha mo eh, well then, say it." naka-ngiting sabi ng matanda.

"Kami na po ni Maxine, sa wakas." pagmamalaki niya.

"Oh, congratulations. I'm happy for the both of you." sabi ni lola Marga at niyakap si Ivan.

"Welcome to the family, iha." bati niya sa akin at niyakap din ako.

"Thank you po, La." sabi ko at niyakap din ang matanda.

✳️Chapter 16✳️

Just Marry METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon