Chapter 13-6th rule

88 1 0
                                    

Chapter 13

Janelle's POV

Sunday today, nakarecover na din ako sa Jackpot na nangyari sa akin kahapon lang. Nakakainis kasi eh dahil sa kanya kaya para akong sira kahapon. Naalala ko na kahapon ding iyon , na kaya walang pasok sa kalagitnaan ng Foundation day ay dahil, mayroong eklavu chuchu na gaganapin. Ewan ko! Ang naintindihan ko lang kasi ay dapat daw bongga ang kuno.

Papunta ako ngayon sa palengke para makapamili ng lulutuin. Sawa na kasi ako sa instant na bagay eh. Example instant noodles, instant sardines, instant love. Charot! Carrots! Ang drama drama ko. :PPP bitter pa rin ba ang peg?

Naglalakad ako nang maalala ko na naman yung nangyari sa akin.

"Don't love him" paulit ulit ang mga salitang yun sa aking isip. Ni hindi ko na nga alam kung yun pa rin ba ang mga eksaktong salitang sinabi niya pero paulit ulit ang mga salitang gustong marinig ng isang assumera kagaya ko. Pangtelenobela lang ang dating pero may laman at yung laman nga ay lo--

*Slap Slap slap slap* Sinampal ko ang sarili ko sa mga naiisip ko at dahil sa word na Love ay naalala ko na naman yung.... yung.....yung... ki....ki----nevermind.

Hopeless na talaga ako. Di ko na ang alam ang papaniwalaan ko. Alam kong may reason kaya niya ginawa yun. Siguro, si Loray ang may pakana nun pero kilala ko si Louis, di siya yung tipong magpapadikta na lang basta sinabi sa kanya. " Janelle! Assuming ka talaga!!!!! " biglang sabi ni bitter konsy(konsensya) <u< teka wala pa naman akong sinasabi ah.

"asuuus... if I know kasunod na niyan ay 'baka baka ginawa niya talaga yun kashiiii gushtung gushto niya na akuuu... <3 <3 <3' pweeh! tigilan mo nga!"

"pero kashiii kinissh niya na si Janelle bebe. Assuming pa rin ba?" sabat naman ng isa ko pang konsensya na si Lantutera Konsy

"aba't" nakita kong hahampasin sana ni Bitter Konsy si Lantutera Konsy ngunit agad din siyang kumalma at humarap sa akin "Janelle, isipin mo na lang na ginagawa mo ang lahat para di ka na masaktan muli at para tumaas naman ang EQ at IQ mo." at bigla naman silang naglaho.

Haiist naman! Pati ba naman yung mga konsensyang ito ay nakisali na sa deep breathing ko?(*trivia: Ang deep breathing ay ang tawag ni Janelle sa meditation at pag iisip ng malaya o pag aalis niya ng mga worrisome thoughts mag isa dahil di naman niya alam ang tawag doon)

Nag inat ako upang maayos na dumaloy ang hangin sa aking katawan nang may biglang may humawak sa aking balikat.

kyaaah! manyak! >////<

Sa sobrang bilis ng reflexes ko, ang nag iinat na ako ay nasuntok ang tao sa likuran ko.

"Araay!" sigaw niya sa sakit. Aba'y mabuti talaga ang dulot na may kaibigan kang gangster mehehe. Ngunit sa aking pagkabigla ay nakita kong si Jacob ang aking nasaktan. Nagmadali akong lumapit sa kanya at tinanong.

"Okay ka lang?"

"g*g* ka ba? alam mo na ngang tinamaan mo ko, itatanong mo pa sa akin yan?" sagot niya na halatang nagagalit siya. Nagpeace sign naman ako sa kanya at inexplain ang saril ko. "kasi naman ikaw eh. Kilala mo namang magugulatin ako di ba?" tinulungan kong tumayo si Jacob at sa wakas di na siya choosy, tinanggap niya na explanation ko.

"Bakit ata nandito ka pa? Asan si Merica?" tanong ko kay Jacob agad agad habang naglalakad kami.

"Ay pinaalis ako agad? Laki ng galit mo sa akin ah! Nakatira kami ngayon kila tita, dun muna kami since mahal ang upa."

"wala ka bang pasok ngayon? February pa lang ah. Ang bilis naman ata matapos nang pasukan sa inyo?"

"Di na ako tumuloy sa pag aaral.I'm staying for good."

ASSUME PA MORE!- ON HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon