Chapter 17- Happy Happy Happy Birthday

46 0 0
                                    

Naging busy kami nila John, ang banda at ang gang ni Loray. Nakilala ko na yung sampung members ng gang ya yun. Una nga si Carl, si Mark, Si Justin, Si Jasfer, si Eiseia, Si Shade, Si Almer, Si Lloyd, Si Rosseau, Si Guilbert at si Alden. Bale labing isa pala sila. Kahapon lang ay nakita namin yung dati naming guard. Napatalon ako sa sobrang tuwa noong makita ko ulit si Jollibee. (Jollibee kasi ang tawag namin sa kanya noon dahil sa magkamukha sila ng katawan)

"Kuya Jollibee kamusta ka na?" tanong ko habang ang saya sayang nakakapit sa kanya.

"Etong batang toh oh! Nakakabigla ka naman bigla kang tumalon sa akin!" tapos ay tinap niya ang ulo ko. Tinignan namin yung mga kalalakihan sa loob ng clubhouse at para silang nagpipigil ng tawa kaya naman kumunot ang noo ko sa kanila.

"Anong problema niyo? Pakiexplain labyu!" sabi ko na may tono pa. Bigla naman silang umubo at lumapit sina Eiseia at Justin kay Jollibee para igreet ito. Nakakasurprise nga na parang sobrang galang nila sa matanda. Ang sabi sa akin ni Jollibee ay nandito daw siya para tumulong. Dati daw ay trabaho niya na talaga ang pagsa-sound system bago pa siya mag guard kaya naman ay matutulungan niya kami dito. Natuwa ako dahil unti unting nagkaroon ng katuparan ang mga plano kahit sa simula ay magulo.

Dahil sa nilapag ko lang sa kung saan ang cellphone ko ay hinanap ko pa ito. Pagkakita ko nito sa mini table ay nakita ko rin na mayroon na pala akong 10 miscalls at 50 text messages. Puro flood lang yun ni Louis at dahil flood ni Louis ay agad ko iyong tinawagan.

"hello?"

"Buti may plano ka pang tawagan ako." sabi niya sa kabilang linya na parang naiinis siya.

"sorry sorry talaga! Inaasikaso ko lang yung birthday ni Loray. Alam mo namang kailangan ay mapaghandaang mabuti di ba?"

"Tsk, nakakainis ka! Ilang araw na kita hindi nakakasama ng matagal. Lagi ka na lang umaalis agad! Tapos puro kasama mo pa diyan, lalaki. Bakit kasi hindi mo ako isama para mabantayan kita eh."

"Ay... superduper protective? Wag ka nang mag alala. Safe ako promise! Pag ginalaw nila ako malilintikan sila ni Loray."

"Don't be confident of yourself or with Loray kahit pa sabihin mong malilintikan pa rin sila sa ginawa nila sa yo, ganun pa rin naman, nagawa na nila, pwede ka pa nilang patayin ng tuluyan."

"Wag ka ngang mag isip ng ganyan. Iisa lang naman ang goal namin dito eh. Makapaghanda ng sama sama para kay Loray. Importante siya sa amin kaya ginagawa namin toh."

"Eh ako di ba ako importante?" pagdadrama ni Louis. "Baliw ka! Syempre impor---" pagpigil ko dahil masasabi ko na yung magic word.

"hahaha. Hay nako totoo yan ah? Eh di payag kang date tayo bukas?"

"Bukas??? HALA!!!"

"Bakit?" Sabi niya sa kabilang linya. "Finishing touch na namin eh. Kailangan nga rin nandun na kayo." Napa ahh naman siya na parang nadissapoint. "Pero after ng birthday ni bestfriend, may gusto akong puntahan sama ka?" Naiimagine kong ngumingiti siya dahil sa sinabi ko. Agad niyang sinabi na oo at tsaka ko binaba yung phone.

Tinawag ako ni Carl para ipakita yung practice nila kani kanina pa. Si Jollibee naman ay nakakatuwa kasi halata ang pagkaeksperto niya sa mga sounds at etc.

Kinabukasan, lumapit sa akin si Loray. Tinatanong niya kung anong recent kong ginagawa pero sabi ko busy ako dun sa work ko. Sinabi ko kasi na kaya ako laging wala ay nagpapart time job na ako. Di ko sinabi kung saan kasi wala naman talaga.

"Oy Janelle, sinabihan ko na yung mga kumag. Sabi ko date natin sa birthday ko bukas kaya---"

"Hala!!! O_O sinabi mo yun? Akala ko sa kanila ka bukas kaya magtatrabaho ako bukas. Sana naman sinabi mo agad para naman nakapaghanda ako. Sorry :(" sabi ko with super duper emote on my pes.

ASSUME PA MORE!- ON HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon