Chapter 14-Jacob's Side

49 2 0
                                    

Chapter 14- Jacob's Side

Janelle's POV

^____________________________^

Ang ganda talaga ng gising ko ngayong umaga. Ang ganda ganda kasi ng panaginip ko eh at everytime na maalala ko yung nangyari kagabi feeling ko hihimatayin ako sa kilig pag makikita ko si Louis. Is this true? hindi na ba ako assuming??? EMEGED!!!!! EMEGEEEEEEEEEEEEEE 

Pagkatayo ko ng kama nakita ko ang aking precious na kalendaryo. Feb 7 na pala ngayon at malapit na ang birthday ni Loray. February 11. Naaalala ko, tuwing birthday niya bigla siyang nawawala. Ang alam ko, nagcecelebrate sila ng gang niya. Lagi siyang nakikidnap kaya di ko siya nasosolo pag birthday niya pero maghahanda pa rin ako para sa birthday niya.

Dahil sa mamaya pang 12 pm ang pasok namin, ginawa ko muna yung thesis namin. Revision na lang naman toh kung kaya't madali na lang. Ipapacheck ko na lang kay Loray kung pwede na ba yung ipapasa kong papers namin. Noong napansin kong 10 pm na, nagbihis na ako at nagready para sa school. Chineck ko muna yung phone ko kung may nagmessage at himala. Meron nga. Una kay Loray, sabi niya agahan ko daw ang pasok, pangalawa kay mama sabi niya ipinadala niya na daw ang allowance ko sa pera padala at tinext din ako ng napakasweet na globe. And last, unknown number, dahil sa mahilig akong magbasa at nacurious din ako ay binasa ko agad yung text.

_________________

From: +639777...

I need to talk to you. Please. TIJ

_________________

Noong nabasa ko yun, agad akong tumakbo papuntang university. Alam ko kasing dun ko lang siya makikita at tama nga ako ng hinala. Nakasandal siya sa may gate ng university. Huminto ako at huminga muna bago lumapit sa kanya. I uttered "hi" to Jacob and he gave me a smile. 

"Hingal na hingal ka ah. Tumakbo ka ba???" pagkarinig ko ng mga salitang yaon ay  nag init ang aking mukha. "H-hindi!" Deny ko pa kung kaya't natawa siya sa akin bigla. " Lagi ka na lang tumatakbo pag nagtetext ako. Don't worry, I'll say nothing serious to you." ngitian niya ako na parang sinasabi niyang it's okay at pumunta kami sa garden. 

"Seriously bakit ka ba napatext?"

"Masama bang magtext???" Napatahimik ako sa sinabi niya at umiling. Kinamot ko ang batok ko at sinabi ang dahilan ko..." Naaalala mo ba, noong high school, hindi ka masyadong nagtetext sa akin." Napatingin siya. "Lagi kang tumatawag at kapag nagtext ka, matic na yung may problema ka kaya....." Napangiti siya sa sinabi ko.

"Naaalala mo pa pala yun." Sumandal siya sa bench na inuupuan namin at tumingala sa langit. " Think, I didn't even change a bit huh." Kinuha ko ang tubig ko at ininom yun. Grabe naman kasi ang tinakbo ko kung kaya't nakakauhaw. "Tama ka, tinext nga kita kasi there's something up." Tinanong ko kung anong problema niya at sinabi niya sa aking," I'm going back abroad."  Siguro hindi na rin ako nagulat sa sinabi niya kasi alam ko nang mangyayari ito "and I want you to know that first."

There was silence that meddle between us until he speak again. " Alam mo ba kung bakit kahit gustung gusto kita noon ay nagkaroon ako ng girlfriend." Sumandal din ako sa bench at sinabing "no." at ayoko nang malaman. Nakaraan na yun at ayoko nang ibalik pa ang mga bagay na nakakasakit sa akin pero siguro it's time to know and to lighten up the burden that I'm having for the 4 years. " Umalis ako papuntang America dahil my father is already a citizen there. Akala ko makakasunod sila mama pero pagtungtuong ko agad ng States doon ko nalamang may asawa na pala doon si Papa. Ewan ko kung anong nangyari, hindi ako makapaniwala kasi alam ko talagang kasal sina mama at papa sa Pilipinas and it's void when you marry someone when you're already married pero doon ko lang din nalaman na hindi pala kailanman ikinasal ang mga magulang ko." Umayos uli siya ng upo at tinignan ako sa mata. " I was so happy when I heard from Loray that you only rejected me because you love your bestfriend and you don't want to break your relationship with Loray. Nakakatawa ka dahil mas iniisip mo pa ang kapakanan ng kaibigan mo kesa sa sarili mo at kahit magulo ang mundo ko sa America, I asked your permission to court you. Nakakalimutan ko ang lahat kapag kausap kita at ready kang makinig sa akin araw araw. Buti na nga lang uso na skype noon kung hindi baka mapatakbo ka din sa America kasi may problema ako." naiiyak na ako sa sinasabi niya "pero bakit di mo sinasabi sa akin?"

ASSUME PA MORE!- ON HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon