Chapter 15-Charot lang Hahaha

48 1 0
                                    

Chapter 15- Ang Kanin bow!

"Coz' you make me smile even just for a.... whi--le...." Tinapos ko ang kanta with the style of Colbie Colliat. Natatawa pa nga ako habang kinakanta ko to kasi sumasayaw sayaw pa si Louis. Para siyang nag- iinterpretative dance na kung ano tapos biglang may pumalakpak sa may pinto.

"Whoooh!!!! Whoooh!!!" Isa isa silang nagsipasukan kaya naman napatayo ako. Si Louis parang ang cool lang nung pumasok yung mga bandmates niya.

"Di ko akalaing maganda pala boses mo Janelle." Sabi ni Steve. Kilala ko siya kasi siya yung drummer nila sa banda. "At naggigitara pa." anas naman ni Rancho. Napakamot naman ako ng ulo tsaka nagkibit balikat. "Hehe."

"May org ka na ba? Bakit di ka sumali sa amin???" Tanong naman nung leader nung banda na si Leandro.

"Boy band to, sasali pa ba ako? Tsaka ... tsaka na lang. Baka next year sasali ako. Di pa rin kasi ako nakakarecover sa syndrome ko eh."

"Bakit may sakit ka ba???" Tanong naman ni Louis. Umiling naman ako na natatawa tawa. " Hindi noh, tamad syndrome lang." Napa-ahhh naman sila sa akin. "Naku.. di ka gagaling kung di ka pa sasali ngayon pa lang. Kahit sa mga band practice lang. O kaya sa mga gig namin." sabi naman uli ni Leandro. " Wala kasi kaming bass sa band eh kaya naghahanap kami."

"Hala. Basic lang alam ko sa bass tsaka hindi pambanda boses ko, pangchoir lang ako."

"Asuuus kungwari ka pa. Sige na sumali ka na. Pag isipan mo. Kung sasali ka, ikaw ang kauna unahang female vocalist ng band. It will be amazing." sabi pa ni Steve habang nakapatong ang mga kamay niya sa batok.

"Nah, ibabash lang ako ng mga fan girls niyo." sabi ko.

"Don't worry, pagtatanggol ka namin kung sakaling awayin ka nila. Basta pag isipan mo ha." sabi ulit ng leader nila na si Leandro.

So ayun, pinalipas ko yung free time kong manuod sa band practice nila. Nakakatuwa nga eh. Ang kulit nila. Para silang mga batang tumutugtog ng instruments pero may nadiskubre ako sa banda nila, ang hilig nilang tumugtog ng acoustic songs. Puro rock kasi ang kilala kong mga banda kaya hindi ko sila matantsa. Favorite ko yung Paramore kasi ang astig dun ni Hayley. Kung magiging singer ako, gusto maging katulad ko siya.

After ng band practice, nagpahatid ako kay Louis sa bahay ni Loray. Wala dun sila tito at tita pero pagpasok ko sa room ni Loray, tinignan niya lang ako.

"Anong problema?" tanong ko sa kanya.

"You're not telling anything to me aren't you?" umupo ako sa tabi niya tapos ay nahiga sa kama niya. "Di ba nasabi ko naman sayo yung kay Louis?" Umiling siya at sinabing hindi yun. Napabuntong hininga ako at hinampas sa kanya yung unan.

"aray! Para saan naman yun.?"

"Para po sa pagiging praning mo. Nakita mo rin siguro yung video noh?" tumango siya. Sabi ko na eh." Wag ka ng magalit kay Jacob. Hindi rin kami nagkakamabutihan kasi babalik na siya ng America kaya niya kami nag usap. Inexplain niya lang sa akin ang lahat. Nakipagclosure siya kahit wala namang icoclosure. Yun lang yun."

"weeh??? Pero hindi pa rin acceptable yung ginawa niya sayo!" Pag iinarte pa niya kaya binato ko uli siya ng unan na nahawakan ko sa gilid ko.

"Praning ka na! Parang ikaw ang sinaktan ah!!! Ako nakapagmove on na, ikaw hindi pa." Nagpout siya sa akin. "Hindi naman kasi eh. Ayoko lang na nakikita kang nasasaktan. Siyempre tulad mo, walang ibang mahalaga sa akin kung hindi ang bestfriend ko."

"Aww ang sweet pero wala ka talagang dapat ipag alala. Ayos na ako, ayos na kami. Happy na okay????" Di naman siya sumagot kahit tango man lang kaya ikinuwento ko na rin sa kanya ang dapat kong ikwento sa kanya. Sinimulan ko sa simula.

ASSUME PA MORE!- ON HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon