Chapter 20- The Demon Lord

15 1 0
                                    

Hanggang ngayon sumasakit pa rin ang dibdib ko sa madilim na kwartong pinasukan ko. Pilit kong hinahawakan ang bunganga ko para matigil ang paghikbi. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ng ganito, hindi ko nama pala dapat siya minahal agad ng buo. Tama si Jacob, magbibreak din kami. Dapat kasi inalam ko muna kung anong klaseng tao si Louis bago ko siya minahal. Nakakainis lang, ako yung paulit ulit na nasasaktan.

"Sino ka?" Pinahid ko ang luha ko nang may tumapat na flashlight sa mukha ko.

"Bakit ka nandito?" Maya maya lang din ay nabuksan na ang ilaw at nakita ang isang maliit na batang lalaking nakasimangot sa akin na may hawig din kay Louis.

"Ikaw siguro si Llord?" Ngumiti siya ng malawak tsaka humawak sa baba. Isipin niyo na lang ang batang GGSS.

"Kahit di ko kilala, kilala ako. Sikat ko talaga?" Pagmamalaki niya pa.

"Ipinakilala ka sa akin ng kuya mo." Tinaasan naman niya ako ng kilay at "sino? Si Llouel?"

"Hindi, si Louis." Napangiti na naman siya.

"Asan na yung kuya ko? Alalay ka ba niya?" Napailing naman ako sa talas ng dila ng kapatid ni Louis. Parang gusto ko na ngang tabasin eh.

"Excuse me?? Soon to be ex girlfriend niya ako."

"Kaya ka pala umiiyak kanina." Sabi niya sabay upo. "Siguro nakita mong naghahalikan yung haliparot niyang ex tsaka siya noh?"

"Paano mo nalaman?" Tinaasan na naman niya ako ng kilay.

"Matalino kasi ako kaya lumabas ka na sa kwarto ko."

"Waw ah di ka man lang marunong gumalang."

"Of course, I'm a Lord!"

"You're not a god!!!"

"YES I AM!!!" Pagalit niyang sabi. Nilapitan ko naman siya at kinurot ang pisngi. "YOU'RE NOT! THERE'S ONLY ONE GOD!!!" sinampal niya yung kamay ko at pinanlisikan ng mata.

"No one ever dares to pinch me! Slave!"

"I just did Sky!"

"What did you just call me?"

"Sabi ko Sky!" Dinuro duro niya ko " Kaya ka di gusto ng kuya ko eh kasi you're a bitch!!!"

"Watch your word kid. Hindi ka talaga Diyos tandaan mo yan at hindi mo hawak ang buhay ko para magsalita ng ganyan. Walang masama kung tawagin kitang Sky dahil pangalan mo yun. Kung gusto mo patanggal mo yang Sky mo at maglagay ka ng sariling rebulto sa bahay mo para damang dama mo. Matalino ka nga wala ka namang respeto."

"Aanhin ko yan kung mayaman ako?" Taas noo niyang sabi.

"Balang araw maghihirap ka rin, tignan natin ang tikas mo."

Tsaka ako lumabas ng kwarto niya. Sa paglabas ko ay nasalubong ko si Louis "BREAK NA TAYO!" Tumakbo ako agad pagkasabi ko nun pero hinabol niya rin ako. Kaya tumakbo pa ako ng mas mabilis pero hinahabol pa rin niya ako. Dahil nga nakatakong ako ay hinubad ko na lang at tinapon ko yung sandals ko at tunakbo ng mabilis. Noong mawala na siya sa paningin ko, tsaka ako huminto at umupo sa may pavement. Doon na ako nagsimulang humikbi. Bakit ba kasi ang bilis kong mafall eh. Lagi na lang talaga. Di ba pwedeng magmahal ako ng taong mahal rin ako?

Maya maya lang ay may pumalibot na sa aking mga lalaki, mukha silang mayayaman pero mga lasing kaya tumayo na rin ako, attempting na makalabas ako sa kanila.

"Teka miss, magpapakilala pa lang ako eh."

"Wala akong balak na makilala ka kaya umalis na kayo."

"Aba miss nasa teritoryo ka namin, paaalisin mo kami?"

"Edi ako paalisin niyo!" Sigaw ko.

"Sumama ka na lang!!" Hinila nila yung braso ko pero dumating si Louis na hingal na hingal sa pagtakbo.

ASSUME PA MORE!- ON HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon