Chapter 12- Mekere Moments <3 <3 <3

83 1 0
                                    

~A'sH~: Hi Guys! ^_______^ Pasensya na kung nag author's note agad ako hehehe. Naeexcite lang kasi ako kasi ang tagal ko palang nawala. MGA DALAWANG BUWAN. Hohoho! So ayun, I've decided to update today kasi may narinig ako. Sabi ng classmate ko namention daw ung story ngang ito na maganda daw basahin sa RP world. Naplease and overwhelmed naman ako mga bhe. Kung sino man yung taong yun. Thank you!!!! *^__________^* Alam ko di pa ako masyadong magaling sa pagsusulat pero thank you talaga! Love you guys!!!!! <3 <3 Pagbubutihan ko na ang pagsusulat!  Love you guys. <3_<3

*

Chapter 12

Eh bakit ba nahantong kami sa kasalan?

~Ang Nakaraan

"AYOKO! HINDI AKO MAGPAPAKASAL KAHIT NA ANONG MANGYARI. NOT WITH LOUIS! KAY JOHN NA LANG!!!!" hinila kong bigla si John sa tabi ko at mukhang nagulat siya. Joke lang naman yung sinabi ko eh. Naku wala na akong pagnanasa sa kanya noh. Kay Loray na siya XD

+________________+ "Anong sinabi mo? Hindi ka magpapakasal?" bigla akong kinilabutan sa pagbulong sa akin ni Loray sa likod ko. Brrr... para siyang isang ghost na nagbabanta sa buhay ko. Grabe kamiserable, dapat talaga ang title ng story na to ay 'PATAYIN SA SINDAK SI JANELLA!'

Natakot ako sa kanya dahilan ng pagbitaw ko sa braso ni John. "Besides, he's my husband now. Right Hubby?" napa-oo naman itong si John na namumula dahil habang sinasabi ni Loray yun ay dikit na dikit siya sa asawa niya kuno.

(_ _")("_ _)(_ _")("_ _)(_ _")("_ _)(_ _")("_ _)(_ _")("_ _)(_ _")("_ _)(_ _")("_ _)(_ _")("_ _)

Pero naawa na talaga ako diyan kay John eh kasi sa loob na anim na buwan ng panliligaw niya kay Loray, indenial pa rin si babaita. Ang sarap niyang iumpog sa pader para matauhan. Aba! Mas masakit kayang maghintay na di mo alam kung may pag asa ka o wala kesa sa mag assume ka ng paulit ulit. 

"Ehhh....A-no.. Magpapakasal pa po ba kayo? Marami pa kasing nakapila eh." Nahiya naman kaming bigla kung kaya't parang namilisik na naman yung mga mata ni Loray sa akin. Natakot ako kaya parang napausog ako sa kinatatayuan ko.

"Kasal po pader! *^_^*"sabi niya ng may pagkalawak lawak na ngiti sa pari. Nagtilian na naman yung mga babae dun sa gilid at parang dumami ata yun mga nanonood?

~Balik sa kasalukuyan

At yun ang dahilan kung bakit naging masaklap ang kapalaran ko kahapon. 2nd day nga pala ng foundation day ngayon at ngayon papasok sa school namin para bumisita yung mga incoming freshmen next year. Hmm oo nga pala noh! Naalala ko February 3 na at isang buwan na lang.......................SUMMER NA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! OH MY *O*

Busying busy ang lahat sa paghahanda ng mga kanya kanya nilang buildings. Ako napunta ako dun sa Chemistry. Hehe masaya to'!

Sa building na to, inayos namin yung mga display at models. Parang gagawin namin itong museum pero mas fun pa doon. Ieexhibit dito, yung mga nakakatuwang bagay at ieexplain namin yung science behind it.

Halimbawa na lang nang bote na may lamang iba't ibang klase ng liquid at isang coin at maliit block of wood sa loob na hindi naman naghahalo. Yun ay dahil sa density ng bawat isa.  Dinisplay din yung mga thesis about related sa chemistry. Andun nga din yung Purifying water gamit yung cactus ng kaklase kong si Sheen eh. Mayroon ding mga robot na nagseserve sa mga students. Nagbibigay sila ng juice sa mga tao at mayroon ding 3D eklavuuuuuu. Di ko sure yung tawag dun pero isang room yun na puno ng 3d collections.

Pagkatapos naming gawin lahat ng gagawin namin, agad akong pumunta ng canteen para kumain. Nakasalubong ko pa nga si Louis at nakisabay na siya sa akin pero wala akong balak ngayong kausapin siya kasi naiinis pa rin ako sa kanya. Di ako naiinis dahil sa forehead niya lang ako kiniss ah. Naiinis lang talaga ako sa kanya. Basta kumukulo ang dugo ko sa kanya ngayon.

ASSUME PA MORE!- ON HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon