Chapter 21- Kapag ang nanay na ang Kumausap

9 0 0
                                    

Chapter 21- Kapag ang nanay na ang kumausap

Di na ako pumasok ngayon. Kailangan ko to para naman makapag isip isip. Ang dami ko nang absent ah. Nakakatawa, baka mamaya ay maidrop na ako ng teacher ko. Nandito ako ngayon sa mall. Mamimili muna ako ng mga groceries wala na rin kasi akong stock ng pagkain.


Di ko alam kung bakit ako lumalayo kay Louis. Nag usap na naman kami pero parang ang sarap lang mag inarte dahil sa nagiging awkward ako sa kanya. Ngayong mga araw lang na'to naisip kong parang kakaunti pa lang yung alam ko sa kanya? Di ko nga alam na may minahal pala siya. Bitch pa nung minahal niya.


Hays..


*Bump


Bumangga yung cart ko sa isa pang cart. "Sorry po, sorr--" nagulat ako sa nakita ko. Si Tita Llaura at si grr... Sky. :/


"oh..hi po" pautal utal kong sabi "Janelle, ikaw pala yan. Hindi ba't may pasok ka?"


"Ah opo kaso-"


"Nag cutting kasi yan ma"


"Llord!" pagalit na sabi ni Tita. Umiling na lang ako at ngumiti " Di po talaga ako pumasok. Magulo po kasi utak ko kaya sa tingin ko hindi rin ako makakapakinig ng maayos."


Pagkatapos naming mamili ng mga pagkain at kung ano pa ay dinala ako ni Tita Llaura sa Kenny Rogers. Ililibre daw niya kami doon. Pagkatapos naming kumain ay umalis si Llord papunta sa National Book Store. Narelease na daw kasi yung pangatlong book ng Miss Peregrine's Home for Peculiar Children.


"Kaya ka ba umabsent dahil sa away niyo ni Louis?" hindi ko alam kung ano yung isasagot ko sa kanya pero tumango pa rin ako. "Hindi naman po ako galit sa kanya eh. Naguguluhan lang po talaga ako."


"Saan ka ba naguguluhan?"


"Kung bakit po ako nagagalit." sagot ko. Napatawa na lamang si Tita Llaura sa sagot ko. "Hindi ba't kaya ka nagagalit ay dahil kay Vanesse???" napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil medyo tumatama.


"Nag usap na naman po kami tungkol diyan pero parang nasasaktan pa din po ako. Di ko alam kung bakit. Yung tipong naiinis ako dahil sa ginawa niya at sa ginawa nila." Napakawarm ng ng sagot sa akin ni Tita kahit na hindi ko inaasahan yung isasagot niya.


" Kasi nagseselos ka.. alam mo, natural na yan. Si Vanesse napakabait na bata niyan. Sa sobrang bait parang gusto ko na nga siyang maging manugang ko. Yung break up nila Louis, it's not fair kasi mahal nila ang isa't isa. Ang kaso Vanesse wanted to protect someone."


"Ano po ba talagang totoong nangyari? Bakit ganun?" Ang tapang ko no?


"They went abroad to study. Magkaiba sila ng course so magkaiba din yung klase na pinapasukan nila. Lagi lang silang nagkikita tuwing lunch break at uwian. Minsan nga ay hindi pa sila magkatagpo tagpo. Pagkatapos ay dumating ang araw na nagkaroon ng kaibigan si Vanesse and he fell in love with her. Vanesse let the boy's feeling grow kahit na sinabi na nitong wala siyang pag asa sa kanya kasi nga Louis and Vanesse are already a couple. Hindi magets nung lalaki na wala siyang pag asa kaya he tried to court Vanesse. Her love for Louis is too strong but one day this guy tried to take his life in front of her. She was scared na mamatay itong lalaking ito dahil she knows she'll take the conscience into her grave and she might lose her friend. Louis knows none of these when they broke up. My son cried to me over and over but I cannot say the truth to him because I promised Vanesse that I'll keep it a secret and will take care of my son. When my son decided to come back here in the Philippines, I did not stop him. I think it's also my fault for keeping the secret to my son. I saw him cry a million times. I let him go since if not for my word, he wouldn't be hurt like that." para akong nasaktan sa sinabi niya.

"Eh bakit po ganun? Bakit po binabalikan na ni Vanesse si Louis?"


"It's because that guy let go of Vanesse already and he said he wanted to find his soul." isang katahimikan ang bumalot sa amin sa mesang iyon hanggang sa muli siyang nagsalita. "I want Vanesse for my son. Hindi ko nga alam kung anong nakita ni Louis sayo eh but when he spoke the things he loved about you, I know he's someone new. I know he's learned to love again like everything turned out to be beautiful."


"Pero hindi naman po talaga para sa akin yung sinabi niya eh. Sinabi niya po iyon para saktan si Vanesse."


"Yeah I saw the grudge in his eye but don't you see how it changes when he looked at you? It's different. Noon ko lang siyang nakitang ganyan." Sabay hawak niya sa kamay ko. "I hope you fix this hijah. My son loves you more than he loves Vanesse in the past. Vanesse loves Louis but you also love him. Ano, papatalo ka ba sa kanya?"


Umiling ako sabay sabing "Hindi"


**

Hapon na nang makauwi ako sa amin. Naglakad lang ako papuntang dorm at nadatnan kong nasa harap ng gate namin nakaupo si Louis.


"Oh.." Tumayo siya tsaka agad na lumapit sa akin. "ayos ka lang ba? May sakit ka pa ba??? Bakit ang dami mong dala?"


"Ayos lang ako." Sabay ngiti. "Sorry Louis" Yumuko ako. Parang kaninang umaga lang gusto ko nang makipagbreak pero ngayon iba na. Hindi kasi ako fighter. Laging pag may nangyayaring masama, gusto kong umiwas. Ngayon, iba na! Ang gusto ko ay lumaban para sa aming dalawa.


Hinawakan ni Louis yung mga pisngi ko tsaka iniangat para magpantay ang mga tingin namin. "Bakit?"


"Kasi umiiwas ako."


"Sabi ko na eh." nginitian niya ako na parang okay lang yun tsaka niyakap ng mahigpit "Basta wag mo nang gagawin yun ah?"


Tumango ako tsaka ibinaon yung ulo ko sa balikat niya. Muntik na akong maiyak kung di lang lumabas yung landlady namin. "oy pwede bisita pero bawal PDA ha!" Natawa kami pagkatapos ay pinapasok ko na siya sa loob para magkwentuhan. <3


ASSUME PA MORE!- ON HIATUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon